Chapter 22 : Pictures

48 3 1
                                    

  Nakiramdam siya sa paligid. Nakatakip parin ang palad ni Mark sakaniyang mata kaya wala siyang nakita.

Napasinghap siya nang may kaunti siyang nakita mula sa mga maliit na butas sa pagitan ng daliri ni Mark.

"Mark…" nanginginig niyang sambit. Ang noo'y napaka-kintab at maputing sahig ay napuno na ng dugo. Halos lahat ng estudyante ay nakahiga na sa sahig at pawang walang malay. Unti-unting tinanggal ni Mark ang kamay niya kaya tuluyan na niyang nakita kabuuan ng hall.

Napaatras siya habang nanginginig ang buong katawan.

"Paano nangyari 'to?" aniya't umiiling. Hindi kapani-paniwala ang nangyari. Tantya niya'y tatlong minuto lamang nawala ang ilaw, ngunit sa loob ng maliit na minutong iyon ay namatay ang marami ka-tao.

"I didn't expect this either." ani Mark na ngayo'y sapo ang noo. Napalunok siya ng laway at muling tiningnan ang paligid.

Huminga siya ng napakalalim at unti-unting naglakad patungo sa mga nakahilerang bangkay.

"Anong gagawin mo?" narinig niyang tanong ni Mark sa likuran. Ngunit tila wala siyang narinig at nagpatuloy lamang sa paglalakad.

Muntik na niyang maapakan ang kamay ng isang bangkay kung hindi lang niya ito agad napansin. Napakunot ang noo niya nang makita ang kaparehong band aid na nakadikit sa isang sulat na kaniyang natanggap.

Tiningnan pa niya ang iba, halos kalahati ng mga bangkay ay may nakadikit na band aid. At pare-pareho ang nakasulat. Sa gitna ng band aid ay may nakasulat na O, na labis niyang ipinagtataka.

"Narito sila!" napatingin siya kay Mark na ngayo'y nakatayo malapit sa stage. Nagtaka siyang naglakad patungo sa kinaroroonan nito.  At ganun na lamang ang kaniyang pagkabigla nang makita ang kaniyang mga kaibigan na halos wala ng malay.

"Mark, dalhin natin sila sa ospital!" natataranta niyang tugon. Dali-dali din itong tumawag ng ambulansya at maya-maya lang ay dumating din agad.

"Umuwi kana muna, Jane. Nag-aalala na mga magulang mo."  nagda-dalawang isip pa siya, ngunit naalala niya ang kaniyang ina.

"Sige, balik nalang ako dito." aniya at lumabas na ng ospital.

     Pagkabukas ng pinto ng bahay ay nakita niya ang kaniyang mama na nagpabalik-balik ng lakad sakanilang sala. Hindi niya namalayan ay may tumulo na palang luha mula sakaniyang mata.

"Nandito na po ako." walang gana niyang tugon at binagsak ang sarili sa sofa. Dali-daling tumabi sakaniya ang kaniyang ina at niyakap siya ng mahigpit.

"Anak… akala ko kung ano nang nangyari sa'yo." anito habang pinipigilan ang pagkabasag ng boses.  "Pangako mama, po-protektahan ko kayo." aniya at niyakap ng mahigpit ang ina.

"Ano bang pinagsasabi mo?"

Ngumiti nalang siya."Pangako 'yan mama."

11 days later

   Nagniningning na ang mga Christmas lights sa mga bahay-bahay. Dumami narin ang mga batang nangangaroling. Damang-dama na ng lahat ang kapaskuhan.

Napatigil siya sa paghihiwa ng karne nang tawagin siya ng kaniyang ina mula sa sala.

"Ang aga ata ng pamasko mo anak ah." ani ng kaniyang ina pagkabigay sakaniya ng kahon. Nginitian niya lang ito at dinala ang kahon sa kwarto.

Akmang bubuksan niya ito nang biglang tumunog ang kaniyang cellphone. Dinukot niya ito mula sakaniyang bulsa at tiningnan muna ang caller bago sumagot.

"Hello Jane, Merry Christmas!" masiglang bati ni Laurynn animo'y hindi ito na ospital ng ilang araw sa sobrang ka-hyperan.

"Merry Christmas din Laurds. Kumusta pakiramdam mo?"

"Ok naman. Medyo bumuti na."

Napangiti siya. "Mabuti kung ganun."

"Yeah! O, sya baka busy ka. Bukas nalang ulit. Bye!"

"Ok, bye."

Bumalik na siya sa kusina at pinagpatuloy ang naudlot niyang gawain.

"5!"

"4!"

"3!"

"2!"

"1!"

"Merry Christmas!" sabay nilang bati kasama ang katulong.

"Oh, kainan na!" sigaw ng kaniyang mama.

Nagsimula na silang kumain at pagkatapos ay nagpalitan ng regalo.

Bandang alas-dos ng madaling araw nang umakyat si Jane sa kwarto at nagpasiyang matulog. Bigla niyang naalala ang regalong hindi pa nabuksan.

Literal niyang nabagsak ang kahon pagkakita ng laman nun. Napamaang ang kaniyang bibig. Nanginginig ang kaniyang kamay habang hawak ang isang maliit na papel. Muli niya itong tiningnan at binasa.

"Roses are red,
Violets are blue.
People in the picture are dead,
Soon you will be too."

ConnectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon