Nakahawak si Jane sa sling ng kaniyang bag, habang binabagtas ang hagdanan patungo sa kanilang silid.
Napansin niya ang mga titig ng bawat taong nadadaanan niya. Ngunit binalewala niya na lamang iyon at nagpatuloy sa paglalakad.Natulak siya sa gilid nang biglang dumaan ang nagtatakbuhang pulis papunta sa ikaapat na palapag. Napatakbo na rin siya dahil sa labis na kuryosidad.
Pagkarating sa may pintuan ng kanilang silid ay halos masuka siya sa nakita. Si Karla, nakabitay ng patiwarik. Nakasabit ang paa nito sa kisame, at ang ulo nito na nasa ibaba ay konti nalang ang nagdugtong sa leeg niya papunta sa balikat niya. Siguro nga kung humila ka ng isang hibla ng buhok niya ay matatanggal na ang ulo niya mula sa kaniyang katawan.
Nakita niya si Jewel sa isang sulok ng classroom, at nakatingin ito sa kawalan. Siguro'y nagluksa rin ito sa pagkamatay ng kaniyang kaibigan.
Pagkatapos makuha ng mga pulis ang bangkay ni Karla ay balik na ulit sila sa dati. Nagtatawanan, nag-aasaran na para bang walang nangyari. Napatingin siya kay Jewel na ngayo'y tumatawa na rin kasama ang iba pa niyang alipores.
Napaisip siya kung tinuring ba talaga ni Jewel na kaibigan iyong si Karla, o sadyang alalay lang ang tingin niya rito.
Napansin niyang nagpaalam ang alalay nitong si Whoopi. Sinundan niya ito ng tingin hanggang makalabas ito ng silid.
"Heather Whoopi Ramirez?" tawag pa ng presidente nila dahil nag check ito ng attendance.Nagtinginan ang lahat sa upuan ni Whoopi, at nakitang wala siya roon. Agad na nalipat ang tingin sa kararating lang na si Jewel.
"Wait. Nagpaalam siya sa akin kanina na pupunta daw siyang banyo. Hindi pa ba dumating?" sagot niya at umupo sa kaniyang upuan.
"Teka, pupuntahan ko." pag presinta ni Faith, ang class president.
Ilang sandali ang nakalipas ay nakarinig sila ng malakas na sigaw.
"Aaaaaaaahhh!" nagsitakbuhan ang mga tao papunta sa pinanggalingan ng boses. Umalingawngaw kasi ito sa buong palapag kaya naintriga ang lahat.
Lumabas rin sila ng silid at pumunta sa banyo, kung saan naroon si Faith.
Pagkarating doon, ay nadatnan nila si Faith na hinahabol ang hininga, at tumatagaktak ang pawis nito sa mukha.
"Ano'ng nangyari?" tanong ng kaklase nila.
Tinuro ni Faith ang likuran niya, nang hindi man lang tumitingin doon.Napatingin si Jane sa tinuro ni Faith. Napasinghap siya. Nakakasuka!
Mula balikat hanggang paa ni Whoopi ay nasa kubeta, nakaupo. Pero ang ulo niya ay nasa ibaba ng kaniyang paa. Napakaraming dugo. Halos hindi na makita ang puting tiles sa sahig dahil natabunan na ito ng dugo.
Napansin niyang maraming saksak ang katawan ni Whoopi, ngunit ang naka-agaw ng atensyon niya ay ang hugis parihaba na naka-tatak sa may dibdib nito. Parang ang ginamit nito sa pagsulat ay isang matulis at mainit na bagay, dahil namumula pa ang parteng iyon ng dibdib.
Hindi nakasarado ng maayos ang suot nitong uniform kaya nakita niya. Mukha iyong bandila pero kulay itim.
"Oh my god!" naglakad siya palapit dito para makita ng maayos ngunit may biglang humawak sa balikat siya. Napasigaw siya sa sobrang gulat. Si Jewel lang pala."Hayaan mong ang mga pulis umasikaso niyan," malamig nitong tugon at bahagyang napangiti ng palihim.
"Tara na." sabi nito at tiningnan ang bangkay ni Whoopi, bago siya hinila palabas sa banyo.Do'n lang din niya napagtanto na silang dalawa nalang pala ang natira sa eksena at ang dalawang pulis.
"Siguro, alam niyo na ang dapat gawin." Sabi ng kanilang principal pagkapasok sa kanilang silid. Nangunot ang noo niya sa sinabi nito.
BINABASA MO ANG
Connected
Random"Hindi lahat na nakikita ng mata ay totoo. Dahil kadalasan, mapaglinlang ang kilos ng mga tao."