Napako ang tingin ni Jane sa telebisyon, at tila nanlaki ang kaniyang tenga pagkarinig sa balita.
"Isang apoy ang lumiyab sa St. John III's subdivision kaninang alas dose madaling araw. Base sa imbestigasyon,nagmula daw ang apoy sa kusina kung saan nagluluto ang may-ari ng bahay. Sinasabing naiwan daw ng may-ari na naka-plug ang stove. Isa lamang ang patay, si Ms. Rebecca Go, ang may-ari ng bahay." nangunot ang noo niya sa balita. Nagtataka siya. Alas dose ng gabi at nagluluto pa?
"Ano daw 'yun Jane?"napatingin siya sakaniyang ina na nakatuwalya pa't kagagaling lang sa banyo.
"May sunog daw po St. John III's subdivision." sagot niya at muling tinignan ang telebisyon.
"Ganun ba? May nasugatan ba naman daw?"
"May isa pong patay. Rebecca Go daw pangalan nun." aniya at tumingin sakaniyang ina. Napansin niyang bahagya itong napataatras at nagulat.
"Bakit po?"
"Ah,wala." anito't umiling. "Parang pamilyar lang.Sige magbihis pa ako." sabi nito at pumunta na sa itaas para magbihis.
Nagkibit balikat na lamang siya at muling binalik ang tingin sa telebisyon. Muli siyang napaisip sa nangyaring sunog. Nagtataka siya kung bakit isang bahay lamang ang nasunog. Diba pag may sunog pati kapitbahay ay madamay rin lalo na kung hindi agad naagapan? Pero ang binalija kanina ay hindi. Tanging ang ikatlong bahay sa loob ng St. John III's subdivision lang ang nasunog.
Natigilan siya't nanlaki ang mata.
"Bakit ba hindi ko iyon naisip kanina?!" bulyaw niya sa sarili.
Pinatay niya ang t.v. at patakbong inakyat ang hagdan. Dumeretso siya sakaniyang kwarto at binuksan ang kaniyang secret cabinet na pinaglalagyan niya ng mga sikreto niyang bagay. Kinuha niya ang papel na may nakadikit na band aid.
"Number 2 si Principal Santiago,"huminto siya at nag-iisip.
"St. John III's subdivision at ikatlong bahay." mahina niyang sambit sa mga naaalala niya sa balita. "So I think siya ang pangatlo?"
Sinara na niya ang cabinet at naglakad papunta sa sa kama niya. Naupo siya sa dulo nito,ngunit agad ring napatayo nang may mahagip ang kaniyang mata na nasa may bintana. Linapitan niya ito at tinignan.
"Wala namang nakasulat." akmang itapon na nasa niya nang bigla itong nasinagan ng araw at may parang kumikinang roon. Pinwesto niya ang papel sa lugar na may sinag ng araw at binasa ang mga katagang nakasulat.
"4th Avenue... 4th day?" mahina niyang basa. Tinignan niya ang likurang bahagi ng papel at naroon na naman sa ibaba, sa bandang kanan ang itim na vine. Pero ngayon, mas tumaas na ito. Naging tatlo na ang sanga nito, pero bakas parin ditong hindi pa siya tapos. Parang kahit anong oras ay pwede siyang madugtungan.
Tinignan niya ang baba ng bintana,nagbabakasakaling naroon pa ang taong naglagay nito sa kwarto niya. At hindi nga siya nagkakamali, may nakita pa siyang taong tumatakbo palayo sakanila. Ngunit hindi niya mawari kung sino iyon dahil nakasuot ito ng itim na jacket na may hood, at nakatalikod din ito sakaniya.
Dali-dali niyang tinago sa likuran niya ang papel dahil biglang bumukas ang pinto at sumilip dun ang kaniyang ina.
"Jane, baba ka muna anak. Bantayan mo muna ang kapatid mo, bibili lang ako ng gamot sakaniya." sabi ng mama niya at sinara na ang pinto.
Binalik na niya sa cabinet ang papel at bumaba. Naroon ang kaniyang kapatid sa sala at nanonood ng t.v.
"Kumusta pakiramdam mo James?" tanong niya sa kapatid at umupo sa tabi nito.
"Ok naman ate." anito nang hindi man lang tumingin sakaniya.
Napangiti na lamang siya ng palihim. Masaya na siyang makitang ligtas ang kaniyang kapatid. Tatlong araw na ang lumipas simula nung makalabas ang kapatid niya sa ospital. Ang sabi ng doktogq ay dapat bantayan lang daw ng maigi ang bata para maiwasan ang pagka-ulit ng ganong pangyayari.
"Anong nangyari sa'yo, ate?" napatingin siya sa kaniyang kapatid na kanina pa pala nakatingin sakaniya.
"Wala. Wala." aniya at ginulo ang buhok ng kapatid.
Samantala...
Mataas ang sinag ng araw sa labas ngunit sa kwartong iyon ay napakadilim. Tanging ang maliit na ilaw lamang sa itaas ang nagbibigay liwanag sa maliit na kwartong iyon.
"Ba't mo siya pinatay?" tanong niya.
"Pakialamera."
"Ah, ok." aniya at nagpatuloy ulit sa ginawa.
"Malapit na. Mawawala ka rin. Magiging akin ka rin."
"They're here!" aniya na kapapasok lang ng kwarto at hingal na hingal.
"Good! Matagal na akong naghihintay. Papasukin mo."
- - -
Thank you sa pagbabasa!
Credits to wushunikyrelle for the new cover :)
Vote. Commd
BINABASA MO ANG
Connected
Random"Hindi lahat na nakikita ng mata ay totoo. Dahil kadalasan, mapaglinlang ang kilos ng mga tao."