Chapter 1 : New Friends

350 23 25
                                    

"Guys, may sasabihin ako," napunta ang lahat ng atensyon sa taong nagsasalita sa harap. Bakas sa mga mukha nila ang pagka-interesado sa sasabihin ng presidente ng klase.

    Natahimik ang lahat. Walang nakapagsalita. Lahat ata sila'y nakalimutang ibuka ang kanilang mga bibig.

"Patay na daw si Mr. Tante." Nakatungo nitong tugon.

"No." mahinang sambit ng babaeng nasa likuran, sa tabi ng bintana, sapat para marinig  ng buong klase dahil sa labis na katahimikan. Napatingin ang lahat sakaniya.

"P-Papano?" aniya, habang pinipigilan ang pagkabasag ng boses.

Napailing ang taong nasa harapan, halatang pinipigilan din nito ang pag-iyak.
"Nakita nalang daw siyang p-patay sa loob ng k-kaniyang sasakyan." anito at tuluyan ng umagos ang mga luha.

      Napailing nalang siya. Sa binalita lang ngayon ng kanilang presidente na si Faith, ay napaiyak na siya. Paano na siya? Sino nang magtatanggol sa kaniya laban sa mga taong umaapi sakaniya? Sa mga taong laging nambu-bully sakaniya?
Paano na siya?
   

"Tama na please. Tama na." aniya sa pagitan ng kaniyang mga hikbi. Ginawa na niya lahat ng pagmamakaawa pero tila hindi nila ito narinig.  Patuloy parin siyang pinagbabato ng mga ito ng chalk eraser at hindi pinapansin ang paghikbi niya.

"Ano ka ngayon ha?! " anito at binato siya ng eraser.
"Wala na si Sir! Wala na ang Knight-in-shining-Armor mo!"  sabi ng kaniyang kaklase at sunod no'n ay nakarinig siya ng malakas na tawanan.
  Tinakpan niya ang dalawa niyang tenga. Ayaw na niyang marinig pa ang mga sunod na sasabahin ng mga kaklase niya. 

Kasunod no'n ay ang malakas na pag-agos ng kaniyang mga luha. Napakaliit lang nang nangyari, pero pilit nilang pinapalaki.  

      Nagbabasa lamang siya ng libro kanina nang bigla siyang nilapitan ng isa niyang kaklase. Nagulat siy kasi ito ang unang pagkakataon na may lumapit sakaniya, at si Jewel pa. Ito kasi ang pinakamaganda at pinakasikat sa buong 4th year.

Bukod sa angkin nitong ganda, ay may busilak rin itong puso. Kaya naman hindi na niya pinalampas pa ang pagkakataong ito. Dali-dali niyang nilagay sa loob ng bag ang aklat at tumayo, nagyaya kasi ito na pumunta sa cafeteria. Nagulat pa nga siya, at the same time labis na nasisiyahan.

"Oh my gosh! I'm so sorry." natatarantang tugon ni Jewel habang pinagpagan ang damit niyang nabasa ng orange juice.

"Okay lang. Okay lang." sabi niya at siya na mismo ang nagpagpag ng kaniyang damit.

"Sorry talaga kanina ha? Hindi ko talaga 'yon sinasadya." sabi ni Jewel na halatang pinagsisihan ang nangyari kanina.

"Okay lang talaga 'yun. Walang problema." nakangiting tugon niya habang naglalakad sila papasok ng classroom.

    Habang naglalakad ay bigla na lamang siyang natapilok at nasubsob sa sahig.  Narinig pa niya ang mahinang tawa ni Jewel, ngunit nang tumingala siya ay tumigil ito sa pagtawa. Nakatingin ito sakaniya.

Nakatingin lang din siya dito. Tingin na humihingi ng tulong. Imbes na tulungan siyang tumayo ay nginitian lamang siya ng babae at tinaasan siya ng kilay.

"I hate touching garbage, you know." nakangiti nitong tugon, at naglakad palayo.

     Parang gusto na lamang niyang lamunin siya ng lupa ng mga panahong iyon. Alam niyang walang tutulong sa kaniya dahil lahat ata ng tao sa paaralang ito may galit sa kaniya.

Kaya kahit na sobrang sakit pa ng kaniyang paa ay pinilit niyang tumayo. Hindi pa siya tuluyang nakatayo nang bigla niyang naramdaman ang isang bagay na tumama sakaniyang mukha. Mula isa, naging dalawa, naging tatlo, hanggang hindi na niya nabilang kung ilan na ang nabato sa kaniya.

Napaubo siya dahil sa chalk na tumama sa kaniyang mukha. Pambura ng pisara kasi ang karamihang ibinato sa kaniya.

"Ayan kasi eh! Tatanga-tanga!Hahaha!" sigaw ng kaklase niya.

Napayuko na lamang siya doon, at pinilit ang sariling huwag umiyak.

    Nadatnan sila ng kanilang guro sa math na nasa ganoon siyang posisyon. Pinagalitan nito ang mga kaklase niya. Nag-sorry naman ang mga kaklase niya, pero halatang plastik.

      Minabuti ng kanilang guro na pauwiin na lamang siya, at magpahinga. Bago siya umuwi ay nagtungo muna siya sa locker. Kinuha ang P.E. uniform niya atsaka nagbihis.

    Naglalakad na siya pauwi. Sa lalim ng pag-iisip ay hindi niya namalayan na lumagpas na pala siya sa kanila. Dumeretso na lamang siya sa park at piniling doon magpahinga. Doon wala siyang kaibigan, at wala din siyang kaaway.

"Sino kayo?" tanong pa niya.

      Nakaupo lang siya sa ilalim ng puno, sa may damuhan. Pinagbubunot niya ang mga damo na nakapaligid sakaniya, hanggang sa malapit na itong makalbo.

Napatigil siya sa pagbubunot nang makita ang iilang pares ng sapatos sa harap niya. Nagpagpag siya ng kamay at tumingala.

    Nakakunot ang noo niya habang masusing tinitigan ang mga mukha ng mga taong nasa harapan niya. Apat sila, dalawang babae at dalawang lalaki. Isa sa dalawang babae ay kayumanggi ang kutis, blonde ang dulo ng mahaba nitong buhok. Ang isa nama'y maputi at hanggang leeg lang ang buhok.

"Sino kayo?" tanong niya ulit.

"Why are you alone?" sabi ng babaeng kayumanggi ang kutis. Hindi siya nakasagot at napayuko nalang.

"Wala ka bang kaibigan?" anito na nagpasikip ng dibdib niya. Lumaki siyang mahiyain at takot makipaghalubilo. Tanging ang nakababata lang niyang kapatid ang kasama niya at ang kaniyang ina.

"Guys, let's make her part of the group. What d'you think?" suhestiyon pa rin ng babae. Napatingin siya rito, at sunod ay sa mga kasama nito.

"No probs." masiglang tugon ng babaeng maputi. Sumang-ayon din 'yung iba.

"So, ano pangalan mo?" tanong parin ng babaeng kayumanggi. Ito ata ang pinaka mabait, at pinaka friendly sakaniya. Ito kasi ang parating nakipag-usap sa kaniya.

"Jane." aniya at nilahad ang kamay. Unang nakipagkamay ang babaeng mahaba ang buhok at kayumanggi ang kutis.

"I'm Laurynn." nakangiting tugon nito.

"Jessa." sabi naman ng babaeng maputi at hanggang leeg ang buhok.

"Mark." sabi ng binatang itim ang buhok ngunit nakatayo ang mga ito. Napatingin siya sa lalaking nasa likuran at hinjntay ang kasunod nitong gagawin.
Napatingin din ito sa kaniya, at nagkatinginan naman sila. Naglakad ito palapit sa kaniya at nagpakilala.

"I'm Klent." anito. Tinanguan niya ito atsaka ngumiti.

"Jane." aniya at nakipag-kamay sa lalaki. 

  

    Natanaw niya sa di-kalayuan ang babaeng maputi na tumatakbo papunta sa kinaroroonan nila.

"Hey, guys!" hinihingal nitong tugon. Napalingon ang apat sa nagsasalita.

"Oh, Nathalia. San ka galing?" tanong ni Laurynn.

"May kinuha lang ako sa van." anito at napalingon ang babae sakaniya.

"Ow, let me introduce her to you, she's Jane. And she doesn't have any friend here." sabi ni Laurynn.

Napaisip naman si Jane. Hindi lang siya dito walang kaibigan. Kahit sa buong lupalop ata ng mundo wala talaga.

Tumango si Nathalia, at naglahad ng kamay.
"I'm Nathalia."

Tinanggap niya ito at nginitian.
"I'm Jane."

Ngumiti ito bago nagsalita.
"Then, from now on, hindi kana mag-iisa. May kaibigan kana. At poprotektahan ka namin. Right, guys?" anito at tumingin sa apat na iba pa.

"Exactly!" Halos sabay na sagot ng mga ito.

ConnectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon