Naglakad si Jane sa gitna ng hallway na may maraming dala. Karga niya ang backpack habang nakahawak ang kanan niyang kamay ng libro at illustration board. Bukas na ang deadline ng mga project kaya't magpasa na siya ngayon.
"Tulungan na kita." napatingin siya sa taong nag-presinta ng tulong, at kinuha nito ang mga dala niyang libro. Ipinaubaya nalang rin niya dahil kanina pa nangangalay ang kaniyang kamay.
"Anong nangyari sa mukha mo?" tanong ni Jane. Marami kasing pasa ang mukha nito at sobra pa ang pamumula. Napakatamlay rin ng mga mata nito na para bang ilang araw na itong hindi natutulog.
"Wala 'to." anito at nag-iwas ng tingin. Alam ni Jane na nagsisinungaling lamang ito. Sino ba namang maniniwala.
"Diba, dapat pag sikat ka, ang dapat mong alagaan ay ang iyong mukha at katawan?" tiningnan niyang muli ang mukha nito. "Bakit nagkaganiyan ang mukha mo?" hindi ito nakasagot at napayuko na lamang.
Nagtataka man, ay hindi niya nalang ito pinilit magsalita. Kailangan ng tao ang privacy at isa pa, hindi naman sila magkaibigan kaya wala siyang karapatang malaman.
Mabilis silang nakarating sa silid. Nasa pintuan palang ay kukunin na sana ni Jane ang mga libro niya ngunit hindi ito pumayag. Wala na siyang nagawa kaya pumasok nalang rin.
"Oh my God, Jewel! Kailan ka pa naging katulong niya?!" gulat na gulat na tanong ng alipores ni Jewel na si Martina.
Hindi ito sinagot ni Jewel at nakayuko lang na naglakad patungo sa lugar ni Jane at binigay nito ang libro. Napayuko nalang din si Jane at nagpasalamat.
Pagka-upo ay naramdaman ni Jane ang mga titig ng kaklase niya. Siguro'y iniisip nila na ginawa niyang aso si Jewel, kahit hindi naman. Napatingin siya kay Jewel na ngayo'y nakatingin din sakaniya. Nginitian siya nito ng maliit at parang sinasabi ng mga mata nito na huwag na lamang silang pansinin.
"At ngayon, ngumiti ka na sakaniya?! Oh my god Jewel! You're so cheap!" sigaw na naman ni Martina na katabi ni Jewel.
"Shut up, Martina! Ano bang pake mo?!" agad itong natahimik. Nakakatakot magalit si Jewel. Nanlilisik ang mata nito na tila kayang pumatay ng tao.
"I-I'm sorry." nakayuko nitong tugon. Pinandilatan lang ito ni Jewel.
"Wait," ani Martina at hinawakan ang pisngi niya. "What happened to your face?"
Natigilan si Jewel. Inis niyang tinakwil ang kamay ni Martina at nag-iwas ng tingin.
"It's none of your business!" sigaw nito. Napayuko nalang si Martina at mukhang nahiya sa ginawa.
Nakatingin lamang si Jane sakanila. Nagtataka rin siya sa nangyari sa mukha ni Jewel. Presko pa kasi ang mga sugat nito animo'y kahapon pa ito nangyari.
Kahapon! Bigla niyang naalala ang sulat na natanggap niya mula kay Jewel, pati na ang mga sinabi nito.
"Jane," ani Laurynn at kinulbit siya.
"Bakit?"
"Ok ka lang?" napangiti siya sa pag-aalala nito. Sa lahat ng kaibigan, si Laurynn ang laging nagpapabalik sakaniya sa mundo tuwing lumilipad ang isipan niya. Si Laurynn din ang pinakamalapit sakaniya.
"Ok lang ako, Laurds. Salamat." nakangiti niyang tugon.
"Ba't ang lalim ng iniisip mo? May problema ka 'no? I-share mo naman 'yan!"
"Ha? Wala akong problema."
"Talaga lang ha?"
"Oo naman!"
BINABASA MO ANG
Connected
Random"Hindi lahat na nakikita ng mata ay totoo. Dahil kadalasan, mapaglinlang ang kilos ng mga tao."