Chapter 16: Aficionado

67 4 2
                                    

   Pagkarinig nun ay patakbo silang lumabas ng police station. Sa tulong ng mga pulis ay nakarating agad sila sa pinangyarihan ng sunog.

"Anak! Iligtas n'yo ang anak ko!"  sigaw ni Emilyn sa pagitan ng mga malalakas na hikbi.

Patuloy parin sa paglusob ang mga bombero dahil hindi pa tuluyang namatay ang apoy.

"Mailigtas po siya. Tiwala lang po."  sabi ni Laurynn habang nakahawak sa mga kamay ni Emilyn at nakamasid sa 3 bahay na umuusok. Hindi na gaanong malaki ang apoy pero sobrang kapal parin ng usok.

Imbes na sa sunog ituon ang atensyon, nabaling ang atensyon ni Jane sa babaeng may kausap sa telepono at mtkhang problemado ang mukha. Kanina niya pa itong pinagmasdan. Pagkarating kasi nila'y naroon na ito at nakatingin sa nasusunog na bahay. At ang mas lalong nakapagtataka ay ang maya't maya nitong pagtingin sa orasan.

Agad siyang nag-iwas ng tingin dahil napalingon ito sakaniya. Sakto namang paglingon niya ay ang pagdating nina Klent, Mark,Jessa at Nathalia.

"Kumusta?" bungad sakanila ni Laurynn. Naghiwa-hiwalay kasi sila para mabilis na makahanap ng impormasyon.

"Sabi nung nakausap naming kapitbahay, ilang araw na daw may ditong tao." wika ni Nathalia.

"Naabutan pa daw 'yun minsan ng curfew." dagdag ni Klent.

Napatango si Jane at muling tiningnan ang kinaroroonan ng babae kanina. Ganun na lamang ang kaniyang pagkagulat nang makitang nakatitig ito sakaniya. Napaatras siya ng bahagya at nakaramdam ng kaunting kaba dahil sa mga titig nitong nanunuot sakaniyang buto. Napakalalim nito kung tumingin.

Biglang may huminto na puting van sa harap ng babae, bago ito sumakay ay tiningmnan pa siya nitong muli.

   Pagka-alis ng van ay linibot ni Jane nang tingin ang buong paligid. Dapat niyang malaman kung ano ang kakaiba sa lugar na kaniyang ginagalawan.

"Teka lang ah," paalam niya sa mga kaibigan at naglakad patungo sa kabilang dulo ng kalye. Kinuha niya ang isang paperbag na may nakasulat na 'aficionado' sa labas nito. Binuksan niya ito at tiningnan ang laman.

"Ano 'yan?" napaigtad siya sa biglang nagsalita sa kaniyang likuran. Binigay niya kay Laurynn ang paperbag para makita din nito ang laman.

"Teka," anito at inamoy ang perfume na laman nun. "Katulad ng amoy sa papel."

"Tama," aniya."Narito lang siya."  dagdag pa ni Jane at linibot ng tingin ang paligid.

"Look,"  sinunod niya ang tinuro ng kamay ni Laurynn.

Pinagmasdan niya ito ng ilang minuto bago kunot noong tiningnan si Laurynn.

"Bakit?"

"Kanina pa kasi 'yang may kausap sa telepono. Kararating palang natin dito may kausap na siya." Napatingin siyang muli sa lalaki. Mukhang napakalaki ng problema nito. Pagkababa ng telepono ay napaupo ito sa gilid ng kalsada habang sapo ang mukha.

Nagkatinginan sila ni Laurynn at nagtanguan.

"Ah, magandang umaga po."  bati nila pagkalapit dito. Dahan-dahan nitong inangat ang kaniyang ulo at tumayo.

"Bakit?"

"Pwede ho ba kaming magtanong sa inyo?" tanong ni Jane at binuksan ang notebook.

"Sino ba kayo?!" pasinghal nitong tanong. Kinuha nila ang kanilang I.D. sa bulsa at pinakita iyon. Nanlaki ang mata nito at tila gulat na gulat.

" 'Wag niyo akong patayin! Maawa kayo." anito na nakaluhod pa. Nagtaka ang dalawa sa inakto ng lalaki. Pinakita lang naman nila ang kanilang I.D. sa Rosemont ngunit bakit ganun ang reaksyon nito?

"Ah, hindi po kami mamamatay tao kuya. Kailangan lang po naming makakuha ng impormasyon tungkol sa sunog."  sabi ni Jane at tinulungang tumayo ang lalaki.

"Pasensya na." nakayuko nitong tugon.

"Pwede na ho ba kaming magtanong?" ani Laurynn. Tumango ito kaya nagtanong na sila.

"Hindi ba't parang nakapagtataka na alam niya kung anong oras?" tanong ni Jane kay Laurynn habang naglalakad sila palapit sa mga kaibigan.

"Baka taga rito lang din siya?"  sagot naman ni Laurynn.Akmang tatawid na sana sila sa daan nang may biglang dumaang ambulansya at isinakay roon ang bata.

"Salamat naman at ligtas ang bata."  sabi ni Jane habang tumawid na sila sa kalsada.

"Guys, may nakuha kaming impormasyon." bungad sakanila ni Nathalia at binuksan ang notebook.

"Really?! Kami rin." ani Laurynn.

"Dun tayo mag-usap, okay?" turo ni Nathalia sa isang snacks bar. Nag-order sila ng pang-meryenda at naupo.

"Sabi nung isang nakausap namin, matagal na raw hiwalay si Ma'am Emilyn sa asawa niya, pero may koneksiyon parin daw ang bata sa papa niya dahil isa itong teacher sa pinapasukang paaralan ng bata." wika ni Nathalia at sinipsip ang softdrinks niya.

"May kinakasama ba ang asawa ni Ma'am Emilyn?" tanong ni Jane.

"Meron daw, pero palihim lang. Nagta-trabaho daw 'yun sa isang company ng perfume."

"Posible bang isa siya sa suspek?" tanong ni Klent.

"Hindi mo 'yan masasabi," tutol ni Jane. "Bukod sa wala pa tayong sapat na ebidensya, marami pang posibilidad."

"Yes we don't know, baka nagsinungaling lang nagsabi n'yan." Pag sang-ayon ni Laurynn.

Natahimik ang lahat. Kinain muna nila ang meryenda.

"Teka," napatigil ang lahat sa pagkain at napatingin kay Jane.

"Bakit?" tanong pa nila.

"Alam ko na!"  anito at biglang tumayo.

"Tara!" nakakunot ang noo nila habang sinundan si Jane na tumakbo.

- - - - - -

Ano kaya nasa isip ni Jane? xD

O sya sorry sa paghintay(LoL. As if namang may naghihintay diba?)

Thanks for reading! :-*

Leave vote and commentrt

ConnectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon