Napaatras si Jane nang pagkapasok pa lamang niya ay sinalubong na siya ng nagliliparang mga papel.
"Anong?" hindi pa siya nakapasok sa pagsasalita nang maramdaman niya ang pagtama ng chalk eraser.
Napaiyak siya nang maramdaman ulit 'yon. Pinagtutulungan siya ng kaniyang mga kaklase. Sinabunutan, sinampal, at kung anu-ano pa na nakadulot ng sakit sakaniyang katawan. Patuloy sa pag-agos ang kaniyang luha habang nakaupo na siya sa sahig. Pilit niyang iniinda ang lahat ng sakit.
Nahinto sila saglit nang makarinig ng kalabog mula sa likuran at nakita niya si Klent na padabog na tumayo at dumaan pa iyon sa harap niya. Tiningnan niya ito para humingi ng tulong, ngunit tumingin lang ito sakaniya saglit saka naglakad.
Mas lalong nabasag ang kaniyang puso habang tiningnan ang likuran ng kaibigan na naglakad palayo sa kaniya.
"Siguro, hindi mo na naalala ang araw na 'to." panimula ni Adrian habang nagbabasa sa upuan. Napaisip siya. March 3, 2015.
"Siguro naman naalala mo na," sabi ni Kate at tiningnan siya sa mata. Nanghina siya nang masalubong ang mga titig na iyon. Parang bumalik sa dati ang lahat. Bigla nalang nagbago ang ihip ng hangin.
"Pwede naming gawin lahat ng gusto namin, dahil wala ang mga kaibigan mo." Pagkarinig no'n ay napatingin siya sa mga upuan. Wala nga.
"You don't know how much he means to us," ani Faith at tiningnan siya. "To me," Mas lalong bumaba ang tingin niya sa sarili. Mas mababa kaysa no'ng una.
"Jake, was my bestfriend. I know you know that." nagsimula nang may tumulong luha mula sakaniyang mata nang marinig ang pangalang iyon.
"But you just killed him without mercy."
"Aksidente iyon!" sigaw niya ngunit umiling lamang si Faith.
"There was no accident. Planado iyon." may pagkadismaya sa kaniyang boses.
Pahigpit nang pahigpit ang kapit niya sa kaniyang palda na tila ba'y masisira na ito.
"No..." Jane cried.
"I trusted you Jane 'coz you were my bestfriend," she could feel Faith's sadness through her voice. "way back then."
"I gave up my love for Jake, just for you. It was because I thought you'll be his greate happiness." napatingin siya kay Faith na ngayo'y lumuluha na.
"Belive me Faith, it was really an accident." she pleaded. But Faith shook her head again.
"I have no guts to believe you again, but somehow, you'll going to pay your sin," napabitiw siya sa saya nang marinig iyon. "and your mother's."
Mas lalong nanginig ang kaniyang katawan at nanlaki ang mata.
"How did you know?"
"I know you've been looking for this book. This may be a big help." kinuha niya ang libro ng Academy na binigay ni Faith.
Naglahad ng kamay si Faith na shiyang ikinagulat niya. Hinawakan niya ito at unti-unting tumayo.
"I'm not forgiving you. I'm just helping." bulong nito sa kaniya.
"Jane," napalingon naman siya. "It's a pattern, and you have to destroy the first so it will stop."
Hindi pa pumasok ang kanilang guro kaya binuksan muna niya ang libro ng academy. Dumeretso siya sa pahina kung saan nakasulat ang survivors ng curse 2010. Naroon sa listahan si Jake, Faith, Adrian, Kate at Jewel. But what surprises her the most is when she saw her friend's name on the list. Silang lima ay naroon.
Patuloy siya sa pagbuklat nang maramdaman niya ang pag-vibrate ng kaniyang cellphone sa bulsa. Tiningnan niya ito bago sinagot.
"Hello, ate? Bakit po?" tanong niya sa katulong.
"Jane..." napansin niya ang panginginig ng boses nito.
"Ano po'ng nangyari?"
"Jane..." tuluyan nang nabasag ang boses nito na siyang nagdulot ng matinding kaba sakaniya.
"Ang mama n'yo po...nawawala."
"Ano?!"
BINABASA MO ANG
Connected
Random"Hindi lahat na nakikita ng mata ay totoo. Dahil kadalasan, mapaglinlang ang kilos ng mga tao."