Chapter 6 - What???

1.1K 52 1
                                    

Laking pagkabigla ko nung makilala ko na lang si Leonard Cruz, siya lang naman pala ang mahanging si King Leonard Cortez.

"A-ano ginagawa mo dito? Mabulol bulol kong tanong

"Malamang nagbabasa, alangan naming sumasayaw"

Arghh!!! Pilosopo!!

"Alam ko, p-pero ikaw?"

"Anong ako?"

"I-ikaw si Leonard Cruz?"

"Oo, is there any problem about that?"

"P-panong?"

"Panong naging ganon? Syempre, pangalan ko ay King Leonard Cruz Cortez"

"Ahhhhh...." Tssss mapapahiya pa ko nito

"Ano? Okay na??"

"So, sinusundan mo pala ko?" pag iiba ko ng tanong

"Whoah! Wag kang assuming, komot ba nandito ako, sinusundan ka na agad? Malamang masayang magbasa dito." tsss...pahiya ako

"Eh bakit kailangan mo pang mag iba ng pangalan??"

"Ayoko lang ng may manggulo sakin pag nalaman nilang ako yun."

"At sino manggugulo aber?"

"Gaya mo" walang kagatol gatol nyang sagot

"Ha? At ako pa pala yon? Alam mo bang matagal na kong nagpupunta dito and don't you know na gustobg gusto kong makilala si Leonard Cruz, tapos ikaw lang pala yon? How so ridiculous"

"Wag ka ngang mag inarte dyan, pakielam mo ba?"

"Eh kasi naman eh! Di lang ako makapaniwala"

"GAnon talaga"

"Hay nako naman, okay okay, gusto kong makipagkaibigan sayo" bawi ko sa kanya sabay lahad ng kamay

"Kaibigan? Matapos mo kong ipahiya last year tapos kanina?"

"Oops, saglit lang, di ko sinasadya yon! May nag abot lang sakin nung damit eh!" pagpapaliwanag ko.

"Weh?At bakit naman ibibigay sayo?"

"Malay ko, but anyways, yung kanina, talagang sinadya ko yon, BASTOS ka kaya! Kumakain ako tapos aagawin mo yung cake ko!"

"Eh gumaganti lang kaya ako sayo!"

"Oh ganon, di ka nakakamove on? Tapos na yon oy!"

"Tapos na? Palibhasa di mo alam nangyari ng dahil don!"

"What do you mean?"

Di sya sumagot, bagkus tumayo lang sya at hinatak ako patungong fiction section.

"B-bkait? Aray, dahan dahan naman oh!" reklamo ko. Binitiwan naman nya ko agad, kaso tapos nun, huminga sya ng malalim.

"Okay, may naaalala ka ba dito?

"Bakit?" tanong ko. Di anu ano'y di pa ko nakakatingin sa kanya, hiniga nya ko! Sabay dagan!

"Eh yung ganto?Naaalala mo pa?"

"B-bakit?" may kaba at lungkot kong tanong, unti-unti nang tumutulo luha ko, may naaalala na kasi ako, at yun ang nangyari 2 years ago.

"Eh ang eto?" sabi nya sabay halik saken. Nanlaki mata ko. Ramdam ko ang galit sa kanya, ang marahas na kilos at ang malungkot na mata. Maya maya pa.kumalas na sya sa pagkakahalik ngunit, nakapatong padin. Lumuluha gaya ko, umiiyak din, iyak ng nakaraan na muling naganap.

"I-Ikaw ba yan k-kuya?" may pagluha kong tanong. Ramdam ko kasi ang lahat na tila kahapon lang nangyari ang lahat. Ang pagkakakilala namin ni kuya king na nag kaaway kami dahil sa libro na nauwi sa isang marubdob na halik.

"Hindi!" sagot ng umiiyak na si Leonard, para akong binuhusan ng tubig na malamig. Dahil dito, napabangon ako ng di oras. Nalilito ako.

"Pe-pero, panong hindi ikaw yan kuya king? Alam kong ikaw yan! Kaya please kuya! Huwag mo na kong saktan ulit! Mahal kita!!! Mahal na mahal!!!" di ko na mapigilang di ilabas ang nararamdaman ko "Patawad kung di ko pinakinggan side mo. Pero nagpapasalamat ako sa lahat ng regalo mo sakin, matagal ko ng hiniling na Makita ka ulit" sabay yakap ko ng mahigpit kay kuya, kapwa kami lumuluha

"Kuya, matapos nung nangyari satin, dun ko lang narealize na nahulog na loob ko sayo, natatakot lang akong aminin. Naunahan lang ako ng takot. Alam nyo bang sa bawat bulaklak at sulat na bigay nyo sakin, nagbibigay sigla at kasiyahan yun sakin. God knows na gusto kitang Makita ulet, para sabihing gusto na din kita, at kalimutan na natin ang nakaraan, gumawa tayo ng bagong ala-ala"

"Alam nyo po bang kayo ang naging inspirasyon ko sa lahat ng bagay, kaya nga po librarian ang kinuha kong course para sa susunod magpapatayo ako ng library para satin lang. sorry po kung di ako nakatupad sa sinabi kong ayoko nang makita ka, pero halos mamatay na ko kakahanap ulit sa iyo. Halos araw araw, di ko mapigilang lumuha sa tuwing di ko makikita pangalan mo sa logbook. Akala ko iniwan nyo na ko at di nyo na pala ko mahal kaya di na kayo nagtutungo, yun pala nagbago lang kayo ng pangalan. Ang tanga ko naman, hindi ko napansin yon."

"Alam nyo ba, natutuwa ako na nagkita ulit tayo!! Mahal na mahal kita kuya!!! Ikaw pa rin ang King Cruz na nakilala ko" mugto na ang aking mata kakaiyak ngunit tanging yakap na lang ang nagawa ko, ninanamnam ang bawat sandaling nagkita ulit kami.

"T-teka lang po, magsalita naman po kayo oh! Wag na po kayong umiyak" sabi ko, sabay punas sa mga luha nya.

"Bakit nga po pala di kayo  nagpakilala sa akin nung Quiz Bee?" tanong ko habang nagpapahid ng luha.

Di pa din sya sumasagot

"Oy, kuya King?"

"Ahmm...Alvin"

"Bakit po?" May ngiti kong sabi

"K-Kasi..."

"Ano po?"

"Mali ka nang taong kinakausap"

"A-ano pong ibig nyo pong sabihin? Kuya naman oh, wag nyo na kong binibiro" ang ngiti ko ay nabahiran na ng lungkot at pagkalito.

"Please, Alvin, listen to me. Hindi ako si kuya King mo!"

"Hah? P-pero panong hindi ikaw yan, eh samantalang alam nyo nangyari nung una nating pagkikita"

"Please, listen to me! Hindi ako si kuya!  Patay na si kuya King! Ang totoo nyang pangalan ay King James Cortez! King ang palayaw nya samantalang ako Leonard! Magkapatid kami! At kaya alam ko nangyari dahil kinukwento ka nya sakin. 4th year high school pa lang ako!!!"

"h-ha?A-anong ibig sabihin nito? W-wag ka pong magbibiro ng ganyan please kuya" lumuluha na ko, di ako naniniwala.

"Totoo sinasabi ko!!! Sinugod sya sa ospital nung nag Quiz Bee tayo! 2 weeks lang after non, namatay na sya! Dahil sa lintek na couple shirt na yan!!! Na depress si kuya at di kinaya!!!"

"H-hinde!!.............." Hindi ko na kaya ang sakit ng nangyayari. Hindi ko na kinaya ang lahat ng nalaman ko... unti-unti, nagdilim na paningin ko. Ang tangi ko na lang naalala ay ang pagsigaw nya ng aking pangalan..............................

Di Tayo Talo Sa Library BOOK 1 and 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon