Prologue

4K 83 0
                                    

Library, ang kinaiinipang lugar ng lahat, mapa estudyante o karaniwang tao lamang. Ang mahigpit na panuntunan nitong "Silence Please" at ang nakakabinging katahimikan at tanging lagaslas ng paglipat ng pahina lamang ang iyong maririnig.

Dito, kailangan mo pang hanapin sa card catalog nito ang mga librong iyong kakailanganin. o di kaya'y magtyaga sa paghahanap sa tambak, puno at nagtataasang shelves. Dewey Decimal System man o Library of Congress ang gamit o di kaya'y magtanong o magpatulong sa minsa'y masusungit na librarian.

        Pero sa panahon ngayon, isang click mo lang , pwede ka nang magsearch. Sa dinami rami daw ba naman ng mga search engines: yahoo, google, mozilla firefox etc. Di ka pa mahihirapang maghanap. Isang enter mo lang madami ka ng impormasyon na makukuha. Magbrowse ka lang, tapos ang problema. At dahil sa patuloy na pagababago ngtakbo ng pamumuhay ng lahat, nakakalimutan na natin ang kahalagahan ng mga institusyong ito.

        Liban sa nakakainip dito, iba na din ang bansag natin sa mga silid-aklatan. Hay buhay, sana may kagaya pa ako na binibigyang pansin at binubuhay muli ang kahalagahan sa tinatawag na Depository of  Human Knowledge o mas kilala sa tawag na Library.

        Gaya ngayon, kakapasok ko lang sa Library ng bayan namin. Mula sa pintuan, tanaw ko na ang mga punong -punong shelves na palibot sa kabuuan ng silid na hugis octagon. Nagmasid muna ako bago mag log. Wushu, pangatlo ako sa listahan ng mga pumasok dito ngayong araw. Alas singko na ng hapon pero halos wala pa ding nagpupunta.

        Yung librarian, yung Leonard Cruz at ako lamang ang halos araw araw na nagpupunta dio. Sa halos apat na taon kong pagbisita dito araw-araw, kilala na ako ng librarian pero yung Leonard Cruz? ni anino nya di ko pa nakikita...Hayaan muna nga tsss. :)

        Dumiretso ako sa gitnang bahagi ng silid, umupo muna ako sa kahoy na upuan. Ibinaba ko din muna yung shoulder bag ko sa mahaba at antigong mesa na gawa pa sa puno ng maliveles. Tssss. nakakapagod na araw, di ko namalayang unti-unting sumasara ang talukap ng aking mga mata.

Di Tayo Talo Sa Library BOOK 1 and 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon