Sa sobrang kalungkutan namin ni Leonard na parehong nawalan ng minamahal sa buhay, di na namin namalayan na makatulog. Ramdam ko sa bawat oras, habang ako'y nakahiga, dama ko ang paghaplos ng aking mahal na kuya king. Ang pagiging mapagmahal nya at maalagang kuya, tinatawag ko syang kuya pero sa totoo lang, mas higit pa doon ang turing ko.
"Kuya King, mahal na mahal kita, patawarin mo po ako sa ginawa kong pagtaboy sa inyo. Mahal na mahal po kita, narealize ko lang iyon kung kelan di na po tayo nagkikita. Kung bakit kung kelan ko pa kayo nais makasama atsaka nyo ko iniwan"
"Alvin, mahal din kita, patawarin mo ako kung iniwan kita agad" sagot nya. "Siguro may plano si God para sa atin, hindi man tayo nagkatuluyan baka may mas nararapat sayo kaysa sa akin"
"Pero kuya, kayo lang po ang kailangan ko. Kayo lang po ang mahal ko. Sayo ko lang po natagpuan ang gantong pakiramdam"
"Alam ko ang nararamdaman mo Alvin, mahal na mahal kita, yan ang lagi mong tatandaan, kaso, magkalayo na ang mundo natin, hindi na tayo maari para sa isa't isa."
"Mahal kita Kuya, kung maari po sana magsama na po tayo, gusto ko pong kayo lang ang makasama ko hanggang sa huli"
"Pero hindi yan maaari Alvin, madami pang nakaplano sayo ang maykapal, kahit na hindi tayo nagkatuluyan, ito ang tatandaan mo,. Mahal na mahal kita at lagi lang akong nasa tabi mo para alagaan at gabayan ka. Hayaan mong kahit sa ganitong paraan, maipadama ko pa din sayo ang pagmamahal ko."
"Pero kuya...." Maluha luha kong wika.
"Alvin, di pa huli ang lahat, may taong nakalaan sayo na magpapasaya sayo, hindi man ako yon, nandito pa rin ako para sayo"
"Kuya King mahal na mahal kita"
"Ako din Alvin, mahal na mahal din kita, basta magpakabuti ka ha, pagbutihan mo ang pag aaral mo, ingatan mo sarili mo, at lagi mong tatandaan, magtiwala ka kay God, marami syang plano para sayo at sa pamilya mo. Naririto lang ako para sayo, nandito ka naman sa puso ko magpasawalang hanggan. Paalam na sayo aking mahal....................."
"Kuya! Kuya! Wag nyo po akong iwan! Kuya..mahal na mahal ko po kayo!!" sigaw ko habang umiiyak, pilit hinahabol ang papalayong si kuya King,..kahit anong takbo ang gawin ko, di ko na sya maabutan..........hanggang tuluyang nawala na sya sa paningin ko.....................
"Kuyaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhh!!.............................................." humahagulgol kong anas....
"Alvin!!! Gising!! Hoy Alvin!!" isang boses ang aking narinig. Leo-leonard??
"Hoy Alvin!!! Gumising ka!!!! Alviiiiiiin!!!!!!!!!!!!"
"Leonard? Leonard?" sigaw ko at.....teka,.......anong?...... panaginip lang ba ang lahat? Kuya King???? Tanging bulong ko kasabay ng pagluha ko.... Napayakap na lang ako sa unan. Hindi ko na napansin ang dalawang tao na nakatayo sa may pintuan......
Lumipas ang ilang oras.....nahimasmasan na ako. Lumabas na ako sa kwarto ng mahal kong si kuya King, ngunit bago ako tuluyang lumabas, isang pangungusap muna ang aking binitawan. "mahal na mahal kita kuya King, asahan nyo pong kayo lang ang nasa puso ko... Paalam......." At tuluyan ko nang isinara ang pintuan kasama ang malulungkot na pangayayari.
Paglabas ko, ngayon ko lang napansin ang kagandahan ng bahay, may 2nd floor ito at may naggagandahang paintings, ang paligid ay maaliwalas, habang dahan dahan akong bumababa, palinga linga ako kung saan saan upang hanapin si Leonard. At di nga ako nagkamali at nakita ko na sya kasama ang dalawang tao sa pinto kanina. Nasa sala sila at naguusap.
Sa aking pagbaba, kapwa sila nakangiting nakatingin sa akin. Unang nag abot ng kamay sa akin ay ang nasa mid 40's na babaeng di mo aakalaing may edad na dahil sa ganda ng mukha, suot ang dress nitong bulaklakin. Sumunod ang nasa 43 years old na lalaking naka polo shirt at maong pants.
"Hello anak, ano? Okay ka na ba?" bati sa akin nung babae.
"O-opo ,tingin ko po okay na po ako" sagot ko.
"Siya nga pala, ako si Marites, ang mama ni king at Leonard" may konting lungkot nyang sabi.
"Ako naman si Jaime, ang papa nila, kamusta ka na anak? Ano nga pala pangalan mo?" tanong nya sa akin. Ibig sabihin nito, sila pala ang mga magulang nila kuya at leonard.
"O-okay naman po ako, medyo konting pahinga na lang po muna ako. Ahmmm,, Alvin Calixto po. Nice to meet you po ma'am, sir" sagot ko sabay abot sa mga kamay nila.
"Nice to meet you too Alvin, nga pala, please call us na lang as papa at mama okay? Total parte ka nang pamilya namin" sabi sakin ni sir Jaime.
"P-po?" di ko maintindihang sagot.
"Wag ka nang mahiya anak, tanggap ka namin, kami na bago mong pamilya, at alam mo ba, matagal ko nang hinihintay na makilala ka, si K-king kasi, di ka agad pinakilala samin" may emosyong sabi ni ma'am marites.
"Oh, mahal, wag ka nang malungkot, magagalit anak natin nyan sige ka!" sabi ni sir Jaime kay ma'am marites.
"A-anak, Alvin, okay lang ba sayo? Alam mo naming ikaw lang ang minahal ng anak ko, gusto ko sanang makilala ka pa at ituring na anak?? Kahit na wala na si King, gusto kong matupad ang pangarap nyang makilala ka namin?"
"O-okay lang po ma'am"
"Please, call me mama anak, please" mangiyak ngiyak na ito
"O-opo,...m-ama" may konting hiya kong anas.
"Salamat anak!" sabay yakap nya sakin, lumuluha, maya maya'y sumunod si sir-este-papa at si Leonard, tila ba isa kaming buong pamilya na nag family hug........at dito.......................... Magsisimula ang bago kong buhay...........sa piling ng bago kong pamilya...........................
BINABASA MO ANG
Di Tayo Talo Sa Library BOOK 1 and 2
RomanceMeet Alvin, the nerd, the geek and the vampire lover. Isang book worm na pursigidong bigyang pansin at pagpapahalaga ang mga silid aklatan. Meet Leonard, school heartthrob, astig, ngunit book lover. Mahilig sa magic at wizardry. How come kapag nagta...