Matapos ang nangyari nung gabi na yon, medyo nailang na ako kay Leonard, syempre, pinahahalagahan ko pagmamahal ko kay kuya King. Pero ang bilis ata ng panahon. Third year na kami at ang panahong nagdaan ay magkasama na kami ni Leonard sa lahat ng bagay. Di parin sya sumusuko sa pag aalok nya ng pagmamahal nya sakin. Actually, naguguluhan na ako, ang bilis kasi eh, mahal agad? Gara di ba!! Maging sa school, kahit na tuloy ang awayan namin, nagkakabati pa din kami. Lagi nya akong hinahatid sundo.Walang sablay. Halos kilala na ng pamilya nya ang pamilya ko. Gaya kahapon, nagkaroon ng isang kainan, nagsama ang pami-pamilya namin. At dito, nagbukas ang usapin tungkol samin. And you know what? Aba! Suportado nila si Leonard! Maging ng tunay kong mga magulang!
Kulang na nga lang ay ikasal na kami ng sapilitan sa sobrang kagustuhan nila!! Oo. Mabait si Leonard, may katangiang di dapat pinalalagpas, pero nagingibabaw pa din si kuya King ehhh..nangako ako, ayokong baliin yon. Bakit ba ganon? sa lumipas na panahon,....di ko talaga magawang bigyan ng pansin ang panliligaw ni Leonard.
Pero sa araw nato, di ko na lang muna bibigyang pansin ang tungkol sa love love na yan, di na bagay sakin. Anyway, this is the most precious day of my life, oktubre na ngayon, matapos ang sandamukal na exams sa unang semester, nasa library kami ngayon ni Leonard, excited para sa pagbubukas ng bagong atraksyon. Binago namin ang library, yung planong matagal ko nang pinagisipan, nabigyang katuparan dahil sa tulong ni Leonard. Halata nga dahil madaming tao na ang nasa labas ng silid aklatan. Di makapag intay na buksan ito. Ngayon na kasi ang "BOOKTRIP" isang programa na kung saan maraming matututunan ang mga magpupunta sa library liban sa mga nakasanayan na natin. Madaming nakakamanghang handog an gaming pinaghandaan.
3...........................2............................................1...................................... at binuksan na namin ang pintuan. Di magkahulugang karayom ang mga taong nagpapasukan. Nagkangitian na lang kami ni Leonard ng dahil dito. At sabay kaming pumasok nang magkahawak kamay.
Sa unang pagpasok, pilahan sila sa pag log, at pagkatapos nito, di sila makapaniwala sa improvement ng dating "BORING" na library..ang dating puno't tambak ng mga libro ay nahaluan na nang pagbabago. May labing walong computers na kasi ang nasa gitna ng mala-gazebong silid. Palibot sa octagon shape nito. Sa bawat dingding naman, nakasabit ang iba't ibang artikulo na naglalaman ng makasaysayang kwento. Mula sa pagbabalik tanaw sa nakaraan, mula sa makasaysayang paglalakbay ni Magellan, hanggang sa sipi ng nobela ni Rizal,, mula sa sertipiko nang iba't ibang treaty na nilahukan ng Pilipinas. Pati ang mga dyaryo na mula pa 60's at 70's maging ang martial law at panuntunan nito.
Sa kabuuan ng unang palapag, nakasalansan ng maayos ang mga general works, buo at kumpletong encyclopedia britanica, macro at micro pa yan. Iba't ibang thesaurus, Atlas at up to date Alamanacs, di lang only for the Philippines ang Alamanc dito, dahil may pang ibang bansa pa............ may galing din sa National Library,. May isang cabinet na naglalaman ng iba't ibang kasaysayan ng mga bayan bayan, lalawigan, at rehiyon sa Pilipinas. Ang library of Congress at Dewey Decimal System na shelves, punong puno at hitik na hitik sa iba't ibang libro. Hiwalay pa ang pang elementarya, highschool, at college. Syempre para madaling mahanap :D
May pwesto din syempre ang mga librong pang eskwelahan, academica na agham, matematika, maging pampalakasan. Kumpleto mula grade 1 to 4th year, at syempre may pang k to 12 din.
Kumpleto din ang mga pangkolehiyo, mula sa iba't ibang kurso, abogasya, guro, pang medical, pang inhenyero, arkitektura, atbp. May mga nakasabit pang iba't ibang trivia sa dingding. Nakakatuwa din ang mga pintang solar system at atoms. May palaruan din na pambata mula sampo pababa, may coloring books at drawing materials. May pang siesta pang chess, scrabble, at games of the general. Dami kayang naghandog nun para dito! :D
Kung nagsasawa ka sa puro pag aaral, pwede ka ding maglibang sa second floor. Bago muna yan, aakyat ka muna sa hagdanang animo patong patong na mga libro dahil sa pinta nito. At ang balostre nitong tila mga ballpen, lapis at markers. Pag akyat mo sa 2nd floor, tatambad sayo ang magical at historical ambiance nito,. Mula sa mga nakaguhit sa kisame na animo nasa loob ka ng libro, puno ng iba't ibang cartoon at anime gaya ni spongebob, naruto, conan, cast ng one piece, slumdunk, kuroko, reborn, bleach, doraemon, pokemon, at syempre may free photoshoot kila Edward Cullen at Bella, may pahabol pang Vampire Diaries, Teenwolf at Frozen.
Makikita mo din ang iba't ibang klase ng libro mula sa iba't ibang fictional works at sikat na mga manunulat. May mystery, thriller, magical, fantasy, adventures,witchery and wizardry, vampires, werewolf, at hybrids, sections. at may pahabol pang Philippines and world chronicles, urban legends and supertitous beliefs!!!
Grabe ang daming natuwa sa pagbabago ng library. Halos umabot sa tenga ang aming ngiti! Sa wakas at napuno ang library! Marami pa ang dumadating, may galing pa mula ibang probinsya at maging mga dayuhan!!! At alam nyo ba? Ito na ngayon ang panibagong tourist destination sa bayan namin!
Ang bilis talaga ng panahon!! Apat na buwan na ang nakalipas!! Hindi na bumababa sa isang daan ang bumibisita dito. Lubos namin itong ikinatuwa. Pinarangalan pa nga kaming dalawa ni Leonard, di lang sa school, maging munisipalidad, at kapitolyo ng lalawigan namin! Wala na kong masabi at mahihiling pa, proud samin ang pamilya namin, kung di dahil sa tulong ni Leonard, di ito magtatagumpay, syempre salamat din kay ate anne, sa local government Units and Sectors, at maging sa iba't ibang personalidad maging pribadong tao na tumulong at naghandog ng mga libro, pintura at pangpinansyal.
Tsss........... wala na akong masabi.... Kita ko sa mukha ni Leonard ang lubos na kagalakan. Ang magaganda nyang ngiti at hagikgik. Ah......... unti-unti na ata akong nahuhulog sa kanya??? Tsss. Mukhang di masasayang effort nya para sakin dahil.Sa palagay ko, may pwesto na sya sa puso ko.........
BINABASA MO ANG
Di Tayo Talo Sa Library BOOK 1 and 2
Storie d'amoreMeet Alvin, the nerd, the geek and the vampire lover. Isang book worm na pursigidong bigyang pansin at pagpapahalaga ang mga silid aklatan. Meet Leonard, school heartthrob, astig, ngunit book lover. Mahilig sa magic at wizardry. How come kapag nagta...