DTTSL2 - Chapter 16 - Too Good to Say Goodbye

393 12 2
                                    


Chapter 16 – Too Good to Say Goodbye

Pasado alas dos na ng madaling araw pero heto, nakaupo parin ako sa bench sa may park. Para akong timang na mag isang nakadukdok na di mo malaman kung aning ba ko o sadyang sira ulo na apura untog sa ulo.

Eh kasi naman eh!!! Alam ko namang tama desisyon ko pero bakit tila gusto ko ng umatras sa laban na ako ang nagsimula?

Kainis! Tama ba naman kasi yung ginawa kong pag OO sa kondisyon na binigay ni mama para payagang magpakasal ang dati kong asawa?

Arggh!! Nakakabaliw!

Gusto ko ng kainin ng lupa para tuluyan na kong mawala. Ayokong naiipit sa ganitong sitwasyon! Nakakahiya!

Tama ba kasi na ang huling kondisyon sakin ni mama ay... MAKIPAGSEX AKO KAY LEONARD, SA HULING PAGKAKATAON, THE NIGHT BEFORE THE WEDDING!!!

Whahh!!!!!! Nakakabaliw di ba??!!! ano ko nahihibang ba? magpapakasal na nga yung lalaki na yon sa isang babae eh!! Tapos makikipagsex pa ako? Nakakadegrade naman sa part ko yun, baka isipin ni Jewel na naninira ako ng family at mas nakakahiya yung tawagin akong third party. Awtsss. Mas masakit yun.

Pero... in some angle of the situation, kaya yun ang gusto ni mama kasi...para mapatunayan DAW naming dalawa na hindi na namin mahal ang isa't isa. Total wala naman daw mawawala kung susubukan di ba?

At kapag nakapagsex na kami, at wala na talaga kaming feelings sa isa't isa, better. Tuloy ang kasal kinabukasan.

At kapag napatunayan pa naming mahal namin ang isa't isa, wag na daw tumuloy si Leonard sa simbahan. YUN DAW AY MAS BETTER. Sa part ni mama.

Haysss...

Sa katangahan ko, napa-OO na lang ako. Hinamon kasi ako ni mama eh... gusto nyang makita akong puno ng kumpyansa sa sarili na kaya ko ng mamuhay ng wala na ang presensya ni leonard. Kung talagang nakamoved-on at okay lang sakin na magpakasal ulit si Leonard sa iba, bakit daw ako tatanggi pa?

Kaya ayun. Wala na kong choice. Ang iniisip ko na lang, ano kaya reaksyon ni Leonard at Jewel kapag nalaman nila yun? Nahihiya na ko promise!! Huehue

"Ano ba tong napasok ko!" ang naiiyak kong pag untog muli sa sarili ko.

At makalipas ang ilang sandal, napapitlag ako ng tumunog ang cellphone ko. Walang kagana gana kong sinagot ang tawag, ni pagtingin kung sino iyon ay di ko na nagawa. Laking pagkagulat ko ng boses ng taong pinoproblema ko ang aking narinig. Napaupo ako ng maayos dahil doon

"H-Hello?" ang medyo kinakabahan kong pagsagot

"Ahmm a-ano Alvin, nasabi na sakin ni mama kundisyon nya para payagan na nya kaming magpakasal ni Jewel at about don ay---"

"Sorry Leonard!" agad kong pagputol sa sasabihin nya. Nahihiya kasi ako, alam kong hindi naman nya gusto yun kasi, sya na nga nagsabi di ba, isang pagkakamali ang pagpatol sa katulad ko.

"Oh bakit ka nagso-sorry?" ang natatawang sagot ito sa kabilang linya.

"Eh ano kasi eh, ang panget lang tingnan, ikakasal ka na sa babae tapos makikipag ano ka pa sakin na isang bakla. Edi ba nga ayaw mo non. Kaya ayun, humihingi ako ng sorry"

"Alvin, I know you, kaya wag kang mag sorry, kaya napatawag ako dahil gusto kong sabihin na okay lang sa akin at kay Jewel na gawin natin yun. Kaya wag ka ng magmukmok kung saan dahil sigurado akong minamaliit mo sarili mo ngayon at kung ano anong himutok ang ginagawa mo" natatawa nitong sabi.

"Oho, alam ni Jewel?!!" ang gulat na gulat kong reaksyon. Hays, nagtinginan tuloy sakin yung magcouple sa may gilid ng well. Tsk, nako mga batang re, kung saan saan na lang nagtitirahan, di na nahiya. Wala atang pambayad sa motel. Anyway, matapos kong tanguan at humingi ng dispensa sa pag iingay ko, yung magsyota, tinuloy na lang ang naudlot na pagtatalik ng palihim. (wews)

Di Tayo Talo Sa Library BOOK 1 and 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon