Chapter 13 – Worried Heart
Kay tagal kong kinimkim ang lahat ng sakit na dinanas ko, at ngayong nalabas ko na ito, gumaan ang pakiramdam ko, tila nabunutan ng isang malaking tinik na matagal ko ng dinadamdam.
Ngunit, oo nga't nasabi ko na ang lahat ng hinanakit ko kay Leonard, ibayong pag aalala naman ang gumugulo sa aking puso't isipan ngayon.
Paanong umabot sa ganito ang pagmu-move on ko? Tipong ikaw na ang lumayo, yung problema naman yung humabol sayo.
Pano ko maaayos ang problemang iniwan ko?
Di ba nga dapat hinarap ko na lang ang katotohanan? Hindi yung tinakasan ko kaya nagdulot ito ng pag aaalala sa parehong malalapit kong pamilya.
Aist! Tuloy tuloy ang pagtulo ng luha sa aking mga mata.
Sobra akong nagugulumihanan. Ano na mangyayare pagkatapos nito?
Alam kong wala na kong babalikang Leonard, pero pano ko haharapin ang pamilya kong nag alala sa ginawa kong paglalayas? Pano ko haharapin si mama (mama ni Leonard) na kasalukuyang nasa ospital pala?
"Ayos ka lang ba?" ani ng isang boses na nanggagaling sa aking likuran. Honestly, napapitlag ako sa gulat. Pero nung lingunin ko kung sino ang nagtanong, nawala ang medyo inis ko,
"O-opo father, okay lang po ako" ang sagot ko sabay punas ng mga luhang walang tigil sa pagtulo.
"Alam kong nahihirapan ka dahil sa nangyari, pero gusto ko lang sanang sabihin sayo na bilib ako sa katapangang pinakita mo kanina. Alam kong masakit para sayo na sabihin ang matagal mo ng kinikimkim sa taong hanggang ngayon ay mahal mo. Pero yung katapangang ginawa mo ang syang magpapalakas at magpapakatatag sayo."
"Salamat po father Jaime" ang may ngiti kong pagtanggap sa mga sinabi nito.
"Oh sya, wag ka ng magmukmok dyan, balik ka na sa quarters, naayos na ni Paolo mga nagkagulong gamit mo sa kwarto."
"Salamat po, sige po susunod na po ako"
________________________________________
Matapos ang usapan namin ni father Jaime sa labas, pumasok na ko sa loob, at pinilit itulog na lang ang lahat.,....kaso hindi na talaga ako makatulog ng maayos, ayaw akong dalawin ni antok!.
Di ko parin madigest ang mga naganap, birthday na birthday ko pa man din eh! Di ko tuloy naipagdiwang! Kainis yan!
Nakakahiya tuloy, ang malas malas talaga ng araw nato! Nagkaroon ng gulo sa buong simbahan, tapos yung mga ibang gamit nasira, sino magpapalit non? Ako? Kaiyak naman!
Tapos yung mukha ni Paolo, pano ko aayusin yon? Matagal ng panget yon!
Haysss, kidding aside, totoong naapektuhan ako, Tsk, wag kayong ano ha, di komot na natuloy na i-celebrate ng maayos kaarawan ko eh magiging bitter na ko..
There's some point nama kasi from what leonard's said earlier ang tumama sa kaisipan ko, I know, there's a guilt inside of me na nagsasabing dahil nga sa paglalayas ko, madaming nag alala sakin. Yet at the same time, I know na ginawa ko lang naman yung alam kong nararapat at tama para makalimot sa pighati.
Pero pinagtataka ko lang, kasalanan ba ng paglalayas ko yung ikinagagalit nya? Na di siya mabigyan ng basbas para sa pagpapakasal nya sa babaeng yun?
Alam kong gusto lang nyang magkaroon ng masayang pamilya, matagal na nyang pangarap yun eh, pero bakit kailangan pa nya ng presensya ko para makuha nya yun? Di pa ba sapat yung hinayaan ko na syang maging MALAYA? Aba, kalabisan na yung ako pa kakausap sa magulang nya para payagan syang ikasal uli? Nako nako, I will never ever do that! Baka kapag ginawa ko yun, magulat ako, magkaroon na ko ng monumento! Ang monumento ng dakilang TANGA!
Naiisip ko pa lang yun eh feeling ko di ako magiging okay. Ang hirap maging famous no! baka sambahin ako ng sangkatangahan! hahaha
Hayssss, kung sana nga lang naging okay na ko agad para di nagmumukhang bitter. Tumatanda na rin kasi ako, nangangarap lang din ako gaya ng karamihan na magkaroon ng katuwang sa buhay, na mamahalin din ako higit pa sa pagmamahal ko. Yung handang tanggapin lahat ng flaws ko, kakulitan, at mga kabaliwan.
Ano na kaya mangyayare sakin after nato? 2 weeks na lang din kasi ang pamamalagi namin dito sa Batanes. Matatapos na yung mission nila fater Jaime dito, magiging balik sa normal na ulit ang lahat. At ngayong nakaharap kong muli si Leonard, handa na ba ko para makita ulit siya?
Handa na ba kong masaktan ulit? O handa na ba ang sarili ko para tanggapin ang lahat?
Kaso iniisip ko lang, kakayanin ko na ba talaga? Sabihin na nating oo, kaya kong ngumiti, at sumaya kahit papano, pero yung sakit nanduon parin. Sariwa pa kasi lahat ng sugat. Hindi ganun kadali makabawi.
Argggh!!!!!!!!!! Sumasakit lalo ulo ko dahil sa dami ng iniisip ko haysss.
BINABASA MO ANG
Di Tayo Talo Sa Library BOOK 1 and 2
RomanceMeet Alvin, the nerd, the geek and the vampire lover. Isang book worm na pursigidong bigyang pansin at pagpapahalaga ang mga silid aklatan. Meet Leonard, school heartthrob, astig, ngunit book lover. Mahilig sa magic at wizardry. How come kapag nagta...