Naguguluhan na ako, ano ba talaga ang totoo!!! Hindi ko na kaya!!
Nagmulat ako ng mata. Nagising ako na nakahiga sa balikat ni kuya este Leonard. Haist! Di ko na alam ang totoo!! Nagising ko tuloy sya. Pero pansin ko, mugto rin mga mata nya, at sa pag aanalisa ko, totoo ang lahat ng sinabi nya. P-pero? Hindi ako makakapayag, nagsisinungaling sya! Pilit na sinisigaw ng isip ko.
"Tara?" aya nya sakin nung makakuha sya ng lakas ng loob magsalita. Hindi na ko sumagot dahil hinitak na nya ko palabas..... mabilis pa sa alas kwatro, nakasakay na ako sa motor nya at mabilis nya itong pinaharurot. Nakarating kami sa bahay nila ng di mabilang ang oras. Pagkaparada ng motor nya, nagmamadali nyang hinitak ako paakyat sa kwarto.
Sa loob nang kwarto, maraming litrato ang nakadikit, puro naggwagwapuhang mukha ni kuya King. Ngayon ko lang napagtanto ang pinagkaiba ng kanilang mukha. Magkahalintulad sila sa lahat ng aspeto. Parang si Michael Pangilinan, yun nga lang si kuya King, may nunal sa kanang kilay samantalang si Leonard ay wala. Ahhhhhhhhhhhhh!!!!!!!! Di ko matanggap na wala na ang mahal ko!!! Yeah!! I admit!! Bakla ako!!! Pero kay kuya King lang!!!!
Umupo kami ni Leonard sa kama. Pansin ko ang lungkot sa mukha nya.
"Alam mo Alvin, mahal ka talaga ng kuya ko" panimula nya. "Unang kita nya sayo, nahulog na sya sayo, araw araw syang nagtutungo sa library, para pagmasdan kang magbasa at alam mo ba, sinadya nya talagang punitin yung last page para may dahilan para magkita kayo. At he never expected na magawa nyang halikan ka nya, sinisi nya sarili nya dahil doon sa halik nagalit ka at ayaw mo na syang Makita.
"Kaya tanging pagpapadala ng bulaklak, chocolates at letter ang nagawa nya para humingi ng tawad at para iparamdam nya sayo na mahal ka nya. Every month, di sya nagpapaltos na padalhan ka at sa kanyang paghihirap, di sya sumuko. Para makamit nya ang matamis mong oo.
"Graduation mo, nandun si kuya, lihim na pinagmamasdan ang kasiyahang nagaganap sa buhay mo. Hindi sya makalapit dahil sa hiya, pero hindi sya sumuko. Lubos nyang ikinatuwa na sa school ka nya ikaw mag aaral. Kaya nga todo pilit nya akong kumbinsihin na doon na din ako mag aral para daw makilala din kita. Kaya para sa kanya, kaya ako nag enrol sa school natin. Laking kagalakan ni kuya nung nakikita kang masaya. Lubos naman syang nasasaktan kapag nakikita ka nyang malungkot.
"Hanggang isang araw, magtatapat na sana sya sayo ng personal, araw ng quiz bee, balak nya na kapag natapos ang quiz bee, kikidnapin kanya para dalin sa pinaghandaan nyang date nyo. Kaso nung nakita nyang naka couple shirt tayo, kinalungkot nya ito, nadepress sya at inatake ng sakit sa puso.
"Nalaman nalang namin ito nung naconfine na sya sa ospital. 2 weeks lang ang natitira sa kanya non. Inilihim nya samin ito, gusto nya kasi na kapag nawala na daw sya, mapasaya ka nya sa piling nya kahit saglit. Yun nga lang, hindi nangyari. Kinausap ako ni kuya na bago sya mawala, subaybayan kita. Kaya araw araw nagtutungo ako ng library, dahil di ko magagawa yon sa school. Magiging tampulan na naman tayo ng tukso atsapa, sinisikreto lang namin nila mama at papa ang tunay na pagkatao ni kuya, na nagmamahal sya ng kapwa nya lalaki..... at ikaw iyon.
"Mabilis ang 2 weeks para samin ni kuya. Gustong gusto ka nyang Makita ulit, mahalikan, mayakap, at mahaplos ang maamo mong mukha, yun nga lang hindi pwede, sobrang hina na ng kanyang katawan. Kaya isang pangako ang ginawa ko, yun ay alagaan kita at mahalin para sa kanya. Pagkatapos ng pangako ko ay tuluyan na kaming iniwanan ni kuya" umiiyak na salaysay ni Leonard.
Halos madurog puso ko sa aking nalaman, nakakalungkot, di ko ito kaya. Iniwan na nya ko. Di ko tuloy nasabing mahal ko sya. Di ko na sya mayayakap, ang masaya kong mundo, ang mga pangarap ko para sa amin ay bigla na lang gumuho, ang saklap ng nangyari samin. Sana kuya kasama kita ngayon, miss na kita, sana alam mo kung gano kita kamahal.
Halos napuno ng pag iyak ang buong kwarto, puro kalungkutan, kapighatian, kasawian, at pagsisisi. Huli na ang lahat, wala na ang mahalagang tao sa buhay namin ni Leonard, pano ko na haharapin ang mga araw na paparating? Wala na ang taong nagbibigay inspirasyon saken, wala na...wala na sya...... iniwan na ko ng taong mahal ko......................................
BINABASA MO ANG
Di Tayo Talo Sa Library BOOK 1 and 2
Storie d'amoreMeet Alvin, the nerd, the geek and the vampire lover. Isang book worm na pursigidong bigyang pansin at pagpapahalaga ang mga silid aklatan. Meet Leonard, school heartthrob, astig, ngunit book lover. Mahilig sa magic at wizardry. How come kapag nagta...