DTTSL2-Chapter 9 - Can I Really Do This?

341 15 3
                                    


Chapter 9 – Can I Really Do This?

Ang hirap isipin at ang sakit tanggapin na ang lahat ng pinagsamahan, pinagdaanang pagsubok, saya, lungkot, lumbay at pagmamahal na inilaan ko para kay Leonard ay mababalewala na lang ng ganun kabilis. Ano ba nagawa kong pagkakamali para iwanan nya ko? Para sirain ang lahat ng mga pangakong binitawan nya sa akin noong nililigawan nya pa lang ako, noong ikinasal kami at noong nagpaplano kami na bumuo ng isang masayang pamilya.

Pero bakit? Bakit nagkaganito ang lahat?

Bakit ako nasasaktan ng sobra. Bakit parang dinudurog ang puso ko sa tuwing maaalala ang mga mapapait na sandaling kapiling ko sya.

Yung mga ngiti nya dati na alam kong ako ang dahilan ng pagngiti nya ng ganon.

Yung mga tawa at halakhak nya na halos lumabas na ang tonsil.

Pero ngayon, ibang iba na ang lahat. napakasakit, harap harapan kong nasaksihan na HINDI LANG PALA AKO ANG MAY KAYANG MAGPATAWA AT MAGPANGITI SA KANYA.

Araw araw, tinitiis ko ang sakit na binabalewala nya ko. Na tila ba isa na lang akong hangin sa kanya. Yung lamig ng pakikitungo nya sakin, at ang pagpapadama sa akin na SINO BA KO SA KANYA?

Yung mga tingin nya sa akin na noon ay may mga kislap, ngayon blangko at kay lamig pa.

Ano ba problema ng tadhana sa akin para pahirapan nya ko ng ganito. Hindi pa ba sapat yung ipinamukha nya sa akin na ang katulad kong kabilang sa ikatlong lahi ay walang karapatang maging maligaya sa buhay? Na ipamukha sa akin ang katotohanang, ang lalaki ay para sa babae at ang babae ay para sa lalaki, at ang mga gaya ko ay walang karapatang manghimasok sa natural na batas ng pag-ibig?

Tao rin naman ako ah?

Masama na bang magmahal ng kapwa ko kasarian? Ginusto ko bang humantong ang lahat sa ganto?

Ginusto ko bang masaktan ng hindi ko man lang ginawang ipaglaban ang pagmamahal ko sa kanya?

Para saan pa?kung ang katotohanang, may anak na sya, at buo na ang pinapangarap nyang pamilya kapiling ng babaeng tunay na bagay para sa kanya.

Arghh!!!!!!!!!!! Gusto kong iuntog ang ulo ko sa salaming bintana na aking kinasasandalan!

Hindi ko alam kung pano ko maaalis ang sakit ng pagkabigo ko sa pag ibig.

Kanina pa ko walang tigil sa pag iyak, pagkaraan kong pirmahan ang divorce paper, nagpasya agad akong umalis. nagmadali agad akong tumakas sa nakakasulasok na pighati. Buti at nakaempake na ang mga bagahe ko at sandalian ko lang syang nabitbit.

Walang paalam akong umalis at tuloy tuloy akong lumayas sa amin.

Iniwanan kong nabigla at nag iiiyak sila nanay, tatay, mama at papa. Nagawa pa nila akong habulin para pigilan pero hindi din nila ako naabutan.

At ngayon nga ay kasalukuyan akong nakasakay sa isang provincial bus.

Nag iisa sa isang gilid. Emote kung emote kasi ako, iyak kung iyak kaya walang nangangahas na tumabi sa akin. Akala siguro nila baliw ako kaya ganon.

Ganito pala ang pakiramdam ng broken hearted. Yung wala kang maisip na tama para masabi sa sarili mo na tama na iyak, mag move on ka na.

Hindi kasi ganon kadali ang lahat. Lalo na at ang dami naming pinagsamahan. Hindi talaga sya madali para limutin ng ganon ganon na lang.

Kaya nga siguro tama ang pasya ko na this is the time to take myself back. I know naman na sooner or later, makakamove on din ako. Its takes time to heal nga di ba? Makakaya ko to. Tiwala lang.

Mga ilang araw, lingo o buwan lang naman ako iiyak ng iiyak, tapos magpapakagutom, magsesenti, tapos iiyak ulit tapos kakain ng marami, lamon naman kung lamon tapos babalik ulit sa simula, ganun lang naman ang routine pag broken hearted di ba? And at the end, kapag natauhan na ko na para saan pa at pinahihirapan ko sarili ko? Para akong tanga sa kaartehang routine na yun di ba? At doon na ko magsisimulang bumangon muli.

Magsisimula, at magpapakatatag.

Hayssss.... Go Alvin, kaya mo yan, may tiwala ka sa sarili mo na makakamove on ka din J

And at the end, you can be proud to yourself that YOU CAN!

Di Tayo Talo Sa Library BOOK 1 and 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon