DTTSL2-Chapter 4 - Acquaintance

400 23 0
                                    


Chapter 4 – Acquaintance

Alas syete pa lang ng umaga, nakagayak na ko at nakahanda na rin ang mga bagahe ko. Saktong kakaalis lang ni Leonard ni Leonard para sunduin si Luxus. Hindi ko na sinubukang ipaalam sa kanya ang desisyon ko. Alam ko namang di naman nya ko pipigilan. Masaya sya sa anak nya eh

Maging sila mama at papa, pilit akong inuunawa at pilit pinipigilan pero no choice. Nagdahilan na lang ako na I need to go home na, may trabaho rin naman kasi ako sa Pilipinas. Hello, di nauuso sa Pinas ang long vacation

Kaya heto, sila mama at papa na lang din ang umiiyak at ang naghatid sa akin sa airport. Bago pa tawagin ang flight ko...niyakap ko muna sila ng sobrang higpit at nagpasalamat bago tuluyang umalis.

Hayyyssst...nkakaiyak sa part ko na di ko na makikita pa ulit si Leonard. Di ko rin pinaalam ang totoo maging kila mama at papa na ako na mismo ang lalayo para magkaroon ng Masaya at buong pamilya si Leonard.

Ilang oras ang lumipas.......nagdadalawang isip pa rin ako. Tama ba ang ginawa kong desisyon? Pero huli naman na ang lahat. Kaya dapat ko ng tanggapin ang totoo.

Paglanding pa lang ng eroplano............hays....buntong hininga na naman ako.

Prior to my schedule......kailangan ko ng umuwi ng bahay. Sa totoong bahay....kila nanay at tatay.

Sumakay ako ng taxi at nagpahatid na sa terminal at ako'y uuwi na.

Nagkagulatan kani nila nanay at tatay ng maabutan ko silang kumakain ng tanghalian. Heto namang dalawa, todo yakap sakin na sa totoo lang ay miss na miss ko nang maramdaman

Pagod man sa byahe, eh sumabay na ko sa kanilang kumain. Syempre, ampalaya ulam eh. With matching sinampalukan. Although umaasenso na sila nanay at tatay, probinsyano pa rin kami. Kaya di mawawala ang kinagawian, di kasi komot maayos na pamumuhay nila eh dapat ng kalimutan ang nakasanayan. Hello, nasa puso na namin yon.

Tanyag man kami dahil sa achievements ko at ni leonard, di parin ako nagbago, pirmis na nakatuntong pa rin ang mga paa sa lupa.

Pagkatapos kumain, panay tanong naman sakin sila nanay at tatay. Syempre, kinwento ko ang lahat lahat. Kaya di ko din mapigilang di maging emosyonal.

Matapos ang iyakan, pinagpahinga na nila ako sa dati kong kwarto. Hay nako. I miss this room, buti kahit 5 years na ang lumipas, di pa din nagbago ang hitsura, ang mga posters ng mga favorite kong vampire anime, movie at tv series nakadikit pa din sa pader. Ang mga sulat ko sa cabinet nandoon pa rin J

Hay nako...nakakamiss ng sobra, sana ganto na lang ako gaya ng dati, hindi nagbabago. Puro kasiyahan.

Sa dami kong iniisip, di ko namalayang nakatulog na pala ako..........

-----------------------------------------------------------------------------

Nagising ako...bandang alas nuebe na ng gabi. Hahahaha salamat sa lamok. Hehehehe

Bumangon ako at lumabas ng kwarto. Naabutan ko sila nanay at tatay at mga kapatid ko na nanunuod ng tv. Niyakap ko sila isa isa at inabot ang mga pasalubong (wow, nagawa ko pang mamili ng pasalubong kahit malaki problema ko XD hahaha ganun talaga)

Tulog nap ala mga pamangkin ko kaya di ko tuloy naiabot ang mga bago nilang laruan

Buong magdamag, sinulit ko ang oras na kausap ang pamilya ko. Sobra ko talaga silang namiss. Di ko nga lubos maalala na may problema pala ako. Wala kasing problema kapag pamilya ang kasama. Hahaha

------------------------------------------------------------------------------

3 days later...

Gaya nginaasahan, walang ni hi ni ho o text o tawag man lang mula sa ASAWA kong si Leonard. Alright, move on, kahit masakit, tanging sila mama at papa lang kumausap sakin kung kamusta na ba ako?

Anyway, maganda gising ko, may lakad ako today. Pupunta akong National Library. Tapos magpapasa nadin ako ng resignation letter.

Ano pa ba gagawin ko? Gusto kong maging gaya ng dati. Sapat naman na siguro yung mga nagawa ko as Vice President ng NLCouncil. Gusto ko namang maging ordinary this time.

Pero biruin mo nga naman, kakadating ko lang sa office panay na agad kamusta sakin. Pero no choice eh, eh di nagkwento ako about sa KASIYAHANG naganap sa Canada, no more less. Binigay ko din ang mga pasalubong ko sa mga kasamahan ko. Pero sa halip na matuwa sila, sobra silang nalungkot nung nalaman nilang magreresign na ko. Biruin nga naman, sa halip na happy happy ang dulot ng pagbalik ko, eh puro kalungkutan pa dinala ko tsss

Pero anyway, napagaan ko naman kalooban nila nang sinabi kong PANSAMANTALA lang naman

Kaya heto, alas dyes na ng gabi, pauwe na ako. Nagpadespedida ako eh, celebration para sa pagreresign ko. Napilit ko silang maging Masaya. Kasi alam kong kahit di apruban nila ang resignation letter ko, buo na desisyon kong umalis na sa trabaho at walang makakapigil sakin.

Gaya ng dati,.....nagcommute nalang ako. Di bale ng traffic sa EDSA. Ang mahalaga, ordinaryong tao na ko.

Pero ang dami palang pakulo ng tadhana eh ano? Pagbaba ko ng bus sa may terminal,may nakabanggaan akong isang lalaki. Eh saktong umiinom sya ng tubig, ayun, naligo sya ng di oras. Panay naman ang sorry ko pero hala! Pagharap nya sakin.

Nabigla tuloy ako

"Ikaw?!!!" sigaw ko

"Hehehe, ikaw pala yan! Kamusta ka na babe?" sagot nito na todo pa ngiti kahit basing basa ang damit.


Di Tayo Talo Sa Library BOOK 1 and 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon