DTTSL2-Chapter 2 - Doubt

422 20 4
                                    



"Paanong?..." ang nakayuko ngunit naguguluhan kong tanong kay Leonard

"H-hindi ko a-alam...... Lo-love, please, pakinggan mo ko?" ang nakayuko din nyang sagot na di magawang tumingin sa akin

Samantalang ang buong pamilya naman namin ay kapwa nakatingin lang sa amin, naninimbang sa mga usapan at maging sa sitwasyon

Nasa loob kami ngayon ng bahay. Halos ang lahat ay nawalan ng gana sa party na sanay puro kasiyahan at sayawan dapat. Tanging buntong hininga ng bawat isa ang tangi mong maririnig na saliwan ng minsanang pag ubo ng batang si Luxus. Ang apat na taong gulang na batang anak ni Leonard at ang ina nitong si Jewel.

Base sa pagpapakilala nila kanina, ngayo'y alam ko na ang totoo.

Nang magsimulang mag aral at mag OJT si Leonard sa Australia naging magkaklase at magkatrabaho sila ni Jewel. At hanggang sa dating sa punto na naging magbestfriend sila. At heto ngang huli, nagkaroon ng relasyon. Lintek na buhay to! Umasa ako na kaya nya kong hintayin, ganon din naman ako. Pero bakit? Bakit di sya nagsabi sakin ng totoo? Alam naman nyang may babalikan sya sa Pilipinas, pero nagawa pa nyang makipagtalik kay Jewel bilang despedidas sa pag uwi nya?

Sa dinami rami ng gagawin, yun pa?! At ang malupit, walang contraceptives na gamit. Ansakit. Sobrang sakit. Para akong binalatan ng buhay. Buo ang tiwala ko sa kanya, bakit hindi nya naisip na maaaring magbunga ang ginawa nila? At oo, nagbunga na nga, heto ang kinalabasan, si Luxus.

Halos pinagbiyak na bunga sila. Malamang daddy nya si Leonard. Pero, the bottom line for this, ano na gagawin ko? Sobra akong nasaktan pero,... ang malaman ko pang.....kailangang panindigan ni Leonard ang pagiging ama kay Luxus ay sadyang nakakadurog na ng puso

For my whole life of existence, this is the worst, minsan na nga lang ako magmahal, iniwanan pa ko, at ngayon namang may mahal na ako ulit ng sobra,.......humantong pa sa ganitong sitwasyon.

"Love.....please......makinig ka sakin. Eto tatandaan mo, mahal na mahal na mahal kita. Ikaw ang buhay ko. Hindi ko aakalaing dadating sa ganto ang relasyon natin. Hindi ko alam ang gagawin ko. May kasalanan akong hindi ko alam pano harapin" ang nangingiyak na nitong pagsasalaysay sakin

"Leonard? Hindi lang naman din ikaw ang syang nahihirapan sa nangyayari nato. maski ako rin. Alam mo yung feeling na di ko lubos maisip na magagawa mo to sakin. Alam mong mahal na mahal na mahal kita, pero pano na ngayon? Wala akong laban!" ang hindi ko mapigilang bugso ng damdamin

"Sorry love. Sorry!" ang paulit ulit nitong litanya

Niyakap nya ko at pilit pinakakalma

Sana lang, alam nya na kahit anong paraan pa gawin nya, ako at ako pa rin ang syang talo. Saan mang anggulo, ako pa rin ang syang masasaktan ng sobra. Halos di rin ako makatingin kay Jewel. Ako ang nahihiya sapagkat isang gaya ko ang kapiling ni Leonard sa halip na sila ng anak nito ang syang dapat

"Ouch" bulong ng isip ko na tagos sa puso ko sa tuwing papasok ito sa aking pasaning sakit. Hindi ko nga ma-visualize na hindi ko na makakasama si Leonard. Paano na ang pamilya na balak naming buuin? Ansakit pang isipin na sya, magkakaroon ng bagong family picture. Kumpleto na may asawang babae at anak pa. "Ouch" dagdag ko pa. Parang sandaang karayom ang tumutusok sa puso ko

Pero magkaganoon man, nanatiling tahimik ang paligid. Tanging iyak na lang namin ang tunog.

Nang lumipas ang sandali,......isang tanong ang bumasag sa katahimikan

"Uhm..excuse me sir,....is it true that you are my daddy?" ang medyo nahihiyang tanong ni Luxus. Ang cute nya, pansin na pansin ang kainosentihan at tanging mapupugay na mata ang panlaban sa kalituhan.

"Uh..y-yes L-Luxus.. I-I'm your daddy" ang medyo nailang na sagot ni Leonard

"If you are my daddy, why are you crying? Is it because of me?"

"Uhmm. N-No no.. It's not because of you okay?" ang nangangatal pa nyang sagot sabay lapit at lumuhod sa harap ni Luxus.

"But, why are you still crying?"

"I'm crying because.... I don't know what to do... I don't know what will happen to me,...to you....and to your mom and to....to your another daddy...." ang nahihirapan nyang pagsasaad habang hinahawakan ang kamay ni luxus

"A-another daddy? Why? I thought that, I only have one daddy, my mom told me that"

"Ahmm..a-actually s-son, the truth is.... Me and your mommy are not inlove with each other. Your daddy is having a relationship with Alvin, he is your soon to be second daddy if you want"

"What? I-I don't understand you daddy. I don't know what are you saying"

"It-it so hard to explain everything to you son, you're a kid and yet, don't know what is reality"

"Owkay? But.... How come that you are having a relationship with A-alvin?"

"It's a long story son, but that is true, me and Alvin is inlove with each other. I'm his partner, and we are living together"

"Do you mean, you were living together? As in like husband and wife?"

"Y-yes?"

"Ahh...that means that, dad, you're gay and that is the reason why you left me to mom?"

Natahimik kami. Lalo na sa aming narinig. Nabilaukan ata ako ng di oras dahil sa sinabi ni Luxus. Nakakabigla tong batang ito. 4 years old pa lang yan, pero kahit hindi pa nya alam ang lahat ng bagay sa mundo, eh umiiral ang kainosentihan at puno ng katanungan.. Matalino tong si Luxus, di ko tuloy lubos maisip na may alam sya tungol sa mga gay couple sa society.

"Hey daddy? You did not answer my question?" ang pangungulit nito

"You know daddy, even if you are a gay, I still want you to be my father, I don't want to be alone with mommy. My playmates, they were scolding ang nagging me that I don't have daddy!" ang medyo may inis nitong tono. "But because finally I met you now, I'm very very happy!" sabay yakap kay Leonard

ahhhhh... Nakakainis, gusto kong umiyak na ewan. Ansakit. Sobrang sakit, ang hirap naman na nandito ako sa tagpong ito. Nagdadalawang isip tuloy ako. Paano na kami ni Leonard? Hindi ko naman pwedeng ipagdamot sya kay Luxus, karapatan nila yon bilang mag ama na magsama. Pero ayoko namang dumating sa puntong kailangang mamili ni Leonard between me and ayokong mangyari yun.

masakit man sa dibdib, nagawa ko pa ding tumayo at lumabas ng bahay. Alam kong sinundan ako ng mga magulang ko, pero di ko na nagawang makausap sila kasi sa puntong ito, gusto ko munang magpahinga sa labas, gusto kong ilabas ang nagtitimpi kong emosyon.

Nalilito na ko. Gusto kong maging fair sa lahat ng bagay... Kahit na..... magsakripisyo pa ako




Di Tayo Talo Sa Library BOOK 1 and 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon