Sa sobrang kagalakan ko, di ko napigilan ang sarili ko na yakapin at halikan sya. Kaya ng matauhan ako, bigla ko na lang syang itinulak na kamuntikan pa nyang ikatumba. Pero di ko na pinansin yun, dahil pulang pula na ko sa hiya, napayuko na lang ako. Maya maya'y napatingala ako dahil sa kakatawa nya, halos daig pa bata sa kagalakan. Wagas oh!. Aba aba, tuwang tuwa pa ang loko sa ginawa kong kabalbalan. Shemay! Kaines! Bakit ko ba kasi nagawa! -_-#
"Yun oh! Hinalikan ako ni Love, kaw talaga, dapat inabisuhan mo ko hindi yung sunggab ka ng sunggab" sabi nya na dahan dahang lumalapit sakin with matching nakakalokong tingin.
"Ha? Ah eh, d-di ko sadya!"
"Di daw sadya? Eh gustong gusto mo kaya" may ngiting malisya ng turan.
"Kapal mo rin!"
"Ako makapal? Nako Love naman eh, ayaw pang umamin" isang hakbang na lang magkatapat na kami ulit ng sobrang lapit.
"Excuse me. Ako aamin? Ano aaminin ko aber? And can you kindly shut your bad mouth! May pa love love ka pang sinasabi dyan! Mahiya ka nga!"
"Nako si love nama oh, nireregla ka na naman"
"Leonard!!!!!" may banta kong wika sinabayan ko pa ng masamang titig.
"Bakit may love?" may pacute nyang sagot.
"Aissst bakit di ka makuha sa isang tingin" sa isip isip kong pagrereklamo.
"Ahhhh!!! Akina nga yung libro! Salamat dito!" hablot ko sa libro sabay alis sa parte ng library na yon. Iniwan ko syang tawa ng tawa. Tss nababaliw na talaga sya.
Nasa may faculty room nako syempre, ipapakita ko na kay ma'am Zuniga yung book na pinapahanap nya, at whala!!! Instant celebrity, with v.i.p. treatment, sa library ng bayan namin ako mag o-OJT!!! Yeahh for the whole month of March!!! Yeah 1 month lang tong i-o-OJT ko kasi sa 4th year pa talaga ang real eh. And guess what? Dahil may 98% possibility na for the whole 4th year, dun na ako mag stay!! :)
Yehey!! Buti na kay Leonard lang pala yung book. Speaking of Leonard, kailangan ko munang kalimutan yung inis at galit dahil sa pagtawag nya sakin ng Love, at yung katangahan kong halikan sya. Dapat ko munang iwaksi iyon sa aking isipan, sa ngayon. Gusto kong magpasalamat kaya ililibre ko sya! Haha excited na ko :)
Palabas na ako ng faculty room ng madatnan kong nasa labas pala si Leonard. Iniintay ba nya ko? Bakit kaya?Hmmm? Ah baka nakatunog na ililibre ko sya hahaha masiba kasi eh!!!
"Oh Leonard kaw pala" bati ko "Buti nagkita ulit tayo"
"Syempre magkikita talaga tayo.Sabay kaya tayong nagpupuntang library" sagot nya.Tssk oo nga pala. Nakalimutan ko
"Ah eh sorry naman"
"Bakit miss mo na ba ako agad?" may ngiting aso nyang sabi.
"Loko hinde!"
"Weh di nga? Eh bakit excited ka nung nakita mo ko?" may panloloko nyang sabi na may pang aakit pang tingin
"Syempre ililibre kita dahil nakita mo yung libro na pinapahanap samin, at dahil don, sa library na ng bayan natin ako mag o-OJT!"
"Whoah talaga?" gulat sya.
"OO naman"
"Whoahh congrats!" sabay yakap sakin. Hmmm bakit ganon, parang may kakaiba, hindi ko ramdam na masaya sya, ramdam ko kasi na parang alam na nya talaga ang lahat pero itinatago lang nya, halata sa kanyang mga mata.
"Oh bakit parang di ka masaya?" sabi nya sakin nung kumalas na sya sa pagkakayakap sakin.
"Ha? Ako? Ano ka ba! Masaya kaya ako wahhhh!" may patalon talon ko pang monstra.
"Eh yung kiss ko?"
"Ha?!!" gulat kong pagkakarinig kaya napatigil ako.
"Yung kiss ko kako asan na?" nakanguso pa.
"Loko!!Asa!!"
"Ehh...."may pagkaisip batang pagrereklamo.
"Tumigil ka nga dyan!Di bagay sayo. Tara na nga"dali dali akong umalis at dumiretsong parking lot.
Makalipas ang ilang sandali, nakauwe na kami sa bahay nila, di na kami dumiretsong library. Nang makarating, nagpadeliver ako ng paborito nyang chum burger, tskk take note tatlo ung sa kanya! Tsk napakatakaw. Nang maubos na namin ang pagkain, inaya nya kong uminom, magcelebrate daw kami, kaso dahil di ako marunong uminom ng alak dahil sa good boy at liver lover boy ako haha kaya ayun. Nag juice na lang ako samantalang siya, madaming bote ng empi.
Nagkasiyahan kami tutal wala namang pasok bukas, kaya okay lang na magparty party kami. Wala naman sila mama at papa eh(yeah tinatawag ko na silang mama at papa). Nagsayawan kami buong magdamag hanggang nung nasa kalagitnaan kami ng rock and roll na tugtugin nang sumunod na magplay ang isang daring at seductive na kanta, ang walang katapusang careless whisper. Yung totoo?Nananadya ba ang music list?
Haist, di ako uminom ng alak pero bakit ganon, para akong lasing. Simula pa lang ng kanta, bumabagal na ang nasa paligid ko. Epekto ba to ng juice?Anlayo naman di ba? Lalo na nung nakatingin sakin si Leonard, na animo'y kay lagkit na may sabay pang pag indayog ng katawan na akala mong macho dancer, ang mokong nato. Ang lambot ng katawan.
Pagkasimula ng chorus, mas lalo pang bumagal ang nasa paligid ko, nag iinit ako at namamawis, dahan dahan kasing hinuhubad ni Leonard ang suot nyang damit, tsk shemay. Ano to? Pinagpapantasyahan ko na na ang anim na pandesal nya??!!! NO WAY!!! for the sake of kuya...ki...... Napatigil ako sa pagtatalo ng isip ko nung di ko namalayang yakap yakap na ako ni Leonard at ang init ng kanyang katawan ay damang dama ko. Maging ang salitang "I Love You" ay rinig na rinig ko.
Unti unti, nag angat na sya ng ulo at sinaklop ang labi ko, magkahinang ang aming labi, ang init at ang lambot, para akong nasa langit. Bakit ganon? Ano na ba ang nangyayari sakin? Di ko mapigilan. Napapasunod ako sa bawat pagkilos nya.... Ang bawat pamamaraan, may halong pagkalinga. Napapikit ako, di ko na makontrol katawan ko. "Hindeee!!! Ano na ba nangyayari sakin! Tumigil ka!!!" pilit na sinisigaw ng utak ko pero bingi ata ito kaya di ko namalayang nakahiga na kami sa kama at kapwa walang saplot ni isang damit.
Huminto sya saglit, nakangiting sumilay sa akin, at ang sumunod,... Isang masakit na pakiramdam ang pilit na gumagapang sa aking buong pagkatao. Mahapdi na nababayadan ng di maipaliwanag na sensasyon.
Ang sakit ay unti unting nawawala at napapalitan ng kaginhawaan. Sumasakop sa buong gabi ang kasiyahan ng puso namin at hanggang sa huling pag indayog... Hindi na namin alintana ang kagandahan ng kanyang "All of Me" dahil kapwa na kami pagod, hanggang sa aking pagpikit, may kung anong kasiyahan akong naramdaman, may bahagi ng aking puso ang nagsasabing "ang taong ito ay may parte na kukumpleto sa aking pagkatao"
Yun nga lang........
Handa na ba ko sa gantong bagay?
BINABASA MO ANG
Di Tayo Talo Sa Library BOOK 1 and 2
RomanceMeet Alvin, the nerd, the geek and the vampire lover. Isang book worm na pursigidong bigyang pansin at pagpapahalaga ang mga silid aklatan. Meet Leonard, school heartthrob, astig, ngunit book lover. Mahilig sa magic at wizardry. How come kapag nagta...