Chapter 14 - Di Tayo Talo!

653 29 0
                                    

Laking gulat ko nung makita ko ang pagmumukha ng gwapong nilalang na yumayakap at nanggising sakin.

"IKAW!!!!!!" ang malakas kong hiyaw

"Kamusta ka na babes?" tanong nya

"Pwede ba!!! Wag na wag mo kong matawag tawag na babes! Parang awa mo na! Di tayo talo! Tigilan mo na ko!!!"

"Babes naman oh, nireregla ka na naman ba?" may ngiting aso nyang tanong

"Please! Parang awa mo na! Ayokong makita pagmumukha mo!"

"Babes naman oh"

"Tang ines ka! Kung ayaw mo kong tigilan, manigas ka dyan!" sabi ko sabay tayo at akma na kong aalis nang hitakin nya ko at......... Halikan. Ramdam ko ang sakit sa kanyang paghalik sapagkat may halo itong dahas at panggigigil. Halos di na ko nakakilos para suntukin sya dahil sa lakas nya.

Ang pagpupumiglas ko ay humantong sa pagkaka-out of balance namin dahilan upang ako'y kanyang madaganan. Shet!. Magkapatong kami. Lintek! Bakit pa nangyari to? Parang binigyan ko lang sya ng pagkakataon upang magtagumpay sa hangarin nyang kay sama! Buong lakas na kong kumakawala sa kanya pero walang epekto, pilit nyang hinuhubad ang suot kong pantalon. At nang magtagumpay sya..... Sya namang paghubad din ng sa kanya.

Ohhhh! Ano ba tong nangyayari Oh Lord! Tulungan nyo po ako!! Ayokong mapahamak! Iligtas nyo po ako sa manyak na to!!!

Tuloy ako sa pagdarasal kahit na umiiyak at nagpupumiglas pa din.,..

At nang saktong nakatutok na ang ulo ng kanyang sandata sakin, ....... Nagkagulatan kami ng makarinig kami ng yabag paakyat. Agad syang nataranta, at nagbihis, ganon din ako na sobra pang nanginginig ang kamay. "Oh Lord, salamat po dahil dininig nyo po ako" maluha luha kong wika.

"Oh Alvin, okay lang ba kayo dyan? Nakarinig kasi ako ng sigaw dyan, eh baka kako napano na kayo dyan" nag aalalang tanong ni ate anne.

"O-okay lang po kami, natumba lang po yung mga libro" dahilan ng kasama kong manyak

"Opo ate anne, sorry po sa abala" sagot ko

"Ganon ba? Kinabahan naman ako sa inyo eh, buti na lang local holiday ngayon kaya walang bisita, kaya walang makakarinig at matataranta sa ingay nyo"

"S-Sorry po"

"Oh sya, tatapusin ko lang yung pag eencode"

"Sabay na po ako" nagdudumali kong sabi.

"Oh bakit?"

"Ah e bibili lang po ako" pagdadahilan ko

"Ah ganun ba? Sige"

"Sama na din po ako" sigaw nung manyak saktong nagmamadali na kong lumabas.

Yeahhhh, its local holiday, walang gaanong pupunta sa library, nagsi-siesta ang lahat. Nagtungo lang ako dito sa library dahil namimiss ko na si Leonard kaya nagbasa ako ng favorite nyang book. Tutal graduation ko na bukas, need ko ng inspirasyon para sa speech, yun nga lang, dahil sa pagiging emosyonal ko, nakatulog ako at di ko namalayang pinagnanasaan na pala ako ni Daryll. Sya yung manyak na muntikan na kong gahasain at dito pa sa library!! Shet sya. Dito pa sa pinakamamahal kong ikalawang tirahan. Buti na lang talaga at dumating si ate anne. Salamat kay Lord dahil dininig nya dasal ko.

Anyway, si Daryll lang naman ang makulit at manyak kong suitor. 4 months ago pagkatapos umalis ni Leonard ng bansa, pasukan na non, isang transferee si Daryll, may hitsura, mala Ruru Madrid ang mukha, maskulado nga lang, batak sa gym eh. He's from a private university, na kick out dahil napatunayang nagkasala. Biruin nyo ba naman, sex scandal yung ginawa nila ng girlfriend nya at sa mismong CR ng school nila!!! Di lang yon, eto pa, meron ding scandal sa may CR ng office, sa may canteen, sa may gymnasium, sa may likod ng school at eto malala, sa open field!!! Valentines party party etcetera program ng school! Huli sila na nagkakabayuhan sa may tabi tabi. Hayyyysssst ayun nakick out

At ang ending, walang school na tumanggap sa kanya except sa school namin, aba, welcome pa dito yan, Engineering ang course, kahit may bahid ng bad records, bagong school heartthrob na sya. And unfortunately, dahil sa gala ako sa school, naka encounter ko sya sa may CR ng building ng mga engineering students. Aksidente kong nabuksan yung cubicle na akala ko walang tao yun pala meron, at sya ang nasa loob, nag jajak en ol sa sarili (lam nyo na yon) Tssss eh panong di mabubuksan, gagawa ng milagro di man lang naglalock ng pinto. May sayad ata eh.

At doon nagsimula ang lahat. Di na nya ko tinigilan. Pinagtitripan nya ko, ipagkalat daw bang magsyota kami??? Eh gago pala sya ehhh!!! Muntik ng masira image ko sa school!!! Dahil timer daw ako etc. May Leonard na nga daw ako na komot nag ibang bansa eh naghanap pa ko ng iba?? Shet lang. Shemay, muntikan na kong maguidance, buti na lang di nangyari, kung hindi, tanggal ako sa running for honor.

Yun nga lang, buong 4th year life ko, buntot ko na sya, walang katigilan sa pagsunod sakin, maski sa bahay nagpakilala pang asawa ko na daw sya at sa harap pa ng buo kong pamilya. Walang kasing kapal na nagsalita ng ganon. Tang ines, gulat silang lahat, buti na lang may tiwala sakin pamilya ko na si Leonard lang mahal ko at impostor lang ang Daryll na to! Di kaya kami talo!

Ilang beses na rin nya akong pinagtangkaang halayin, buti na nga lang marunong akong ipagtanggol sarili ko (except sa nangyari kanina, emosyonado ako that time, yun weakness ko eh) Ilang beses na rin nya kong inayang makipagsex pero di ako pumapayag syempre! May ethics ako. Kung sino lang ang first experience ko, yun lang din dapat ang last! At si Leonard lang yon!

Anyway, balik sa realidad, pagkalabas ko ng library, sumagap agad ako ng sariwang hangin. Shemay, bakit walang tao sa park? Ganon na ba katamad tao kapag holiday? Sarado tuloy tindahan ng chick chow at kwek kwek tsssss. Bakit pagkain iniintindi ko sa halip na kaligtasan ko kontra manyakis na yon?

Naglakad na ko pabalik ng library nang may anong bagay ang tumakip sa aking mukha. Di ako makahinga..... Nawawalan na ako ng ulirat, tssssk, ano na naman ba to?? Seryoso talaga syang maangkin ako? Kaya kahit pagkidnap gagawin nya? Oh! Anong kamalasan to! Graduation ko pa naman bukas. Gusto ko pang mabuhay! Magsuot ng toga, sabitan ng medal, kumuha ng diploma at mag speech! Pero bakit nangyayari to?

Ang aking pag iisip ay tuluyang napawi, at tanging madilim na paningin ang sumunod kong nakita........... At tuluyan na ngang nawalan ako ng malay.

Di Tayo Talo Sa Library BOOK 1 and 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon