Chapter 15 – Unbearable Pain
Kasalukuyan akong nakaupo sa terrace ng aming bahay. Apura pagseselfie ko.
Pose dito pose doon, at sa kalagitnaan ng aking pagwawacky pose, isang hindi inaasahang bisita ang aking nakita.
Si Leonard, kasakasama ang fiance' nitong si Jewel, karay karay naman ang anak nilang si Luxus.
Nakakatuwa naman, hindi ko inaasahan ang kanilang pagdating. Ngunit nasa kasukdulan na ko ng pagdadalawang isip kung pagbubuksan ko sila ng gate o hindi, nang mapansin ko ang tila kakaiba sa hitsura ni Jewel ngayon. Kakaiba ang itinaba niya at ng tingnan ko ang kanyang tiyan, ganun ganun na lamang nawala ang panlasa ko sa laway ko.
Buntis sya, at tingin ko, may limang buwan na ito.
"Ano ginagawa nyo dito?" walang gana kong bungad na tanong.
Nakita ko kung pano nagreact si Jewel sa sinabi ko.
Napayuko sya at tila nakagat ang dila. Anyare sa babaitang ito?
"Ahm Alvin, pwede bang papasukin mo muna kami? Sa loob na lang natin pag usapan pwede?" ani ni Leonard
"Pano kung ayoko? Pwede naman dito ah, bakit ba kayo naparito?" ang pagtanggi ko
"A-ano kasi Alvin" tila nahihirapang magsalita na si Leonard
"Kelan ka pa naging bata Leonard? Bakit nauutal ka? Sabihin mo na ng diretsahan sakin gusto mong sabihin."
"Ano kasi, makikiusap kami sayo na kung sana pwede bang kausapin mo si mama at papa na payagan na kaming ikasal ni Jewel? Parang awa mo na Alvin, buntis si jewel, at ayokong manganak sya ng hindi pa kami kasal. Parang awa mo na oh" sabi pa nito na lumuhod pa talaga sa aking harapan. Di na nahiya na pinagtitinginan na kami ng mga kapitbahay naming chismoso't chismosa.
"Alam mo Leonard, ang kulit mo rin ano? Pwede bang tigilan mo nako. Bakit ako nilalapitan mo sa ganyang bagay ha? Hindi na ko parte ng pamilya nyo. Bakit di mo maintindihan yon? Kung gusto nyong magpakasal, gawin nyo, wag nyo na kong pinahihirapan ng ganito. Kung ayaw sa inyo nila mama at papa, di ko na kasalanan yun! Ang masasabi ko lang sa inyo, eto ay payo lang ha, wag nyong masamain, SUBUKAN NYO SILANG KAUSAPIN AT PATUNAYAN NYONG TOTOO YANG SINASABI NYO, ipaalam nyo sa kanila na talagang mahal nyo ang isat isa. Kayo ang mangumbinsi, wag ako okay. Di naman ako tumututol sa kasal nyo kaya wag nyo nakong gambalain. Bye." sagot ko sa kanila sabay sarado ng gate.
Hays, kay hirap talaga ng ganitong buhay. Nananahimik na ko eh, dinadamay nila ko sa problema nila.
Tsssk. Ilang katok pa narinig ko pero hinayaan ko na lang sila.
Hindi naman sa bastusan pero, sino ba ko para tulungan sila? Hamak na nakaraan lang ako. Hindi na dapat nila ko kinakausap sa ganyang bagay. Dapat patunayan nilang deserve nila ang makuha basbas ng mga magulang ni Leonard. Matagal na kong wala sa linya ng pamilya Cortez kaya sino ba ko para maging sagot sa hinihingi nilang OO? Kausapin ko man sila mama at papa (magulang ni Leonard), alam kong di magma-matter sa kanila yun. Kilala ko sila, maayos na pagkausap lang katapat, I'm sure mapapa-OO nila ang mga yun.
Anyways, makalipas ang mga oras, umalis na rin sila.
At iyon ang ginamit kong way para umalis na din sa amin. Pupunta ko sa library ng bayan namin. Dun muna ko mamamalagi. Kailangan kong magtanggal stress. Naligo muna ko syempre at nagbihis at maya maya ay nag abang ng masasakyan papuntang library.
Ilang saglit lang, nakadating nako. Laking pagkagulat ko pa nga ng maabutan kong nasa may computer area si Daryll at ito nakakagulat, magkatabi sila ni Paolo.
BINABASA MO ANG
Di Tayo Talo Sa Library BOOK 1 and 2
RomanceMeet Alvin, the nerd, the geek and the vampire lover. Isang book worm na pursigidong bigyang pansin at pagpapahalaga ang mga silid aklatan. Meet Leonard, school heartthrob, astig, ngunit book lover. Mahilig sa magic at wizardry. How come kapag nagta...