Chapter 16 - Near The Ending

662 26 1
                                    

Ang pag ibig nga naman ay parang libro. Lahat ng pahina may kaakibat na kwento. Maari mo ding balik balikang basahin o alalahanin mula sa panimula nito o ang wakas. May ala-alang may kapighatian, kalungkutan, kasiyahan at maging istorya ng pag ibig. Nagsisimula at nagwawakas at vice versa, nagwawakas sa bawat pahina at nagsisimula sa panibagong kabanata. Ngunit ang tiyak kong pinaniniwalaan, hanggat kaya mong alagaan ang libro ng iyong buhay, na may kalakip na pagmamahal, siguradong ito'y magtatagal.

Hindi ko pinangarap na nagmahal ng ganto. Libro lang, sapat na sakin, ngunit mabait ang Maykapal sa akin, biniyayaan nya ko ng makakasama sa buhay. Walang iba kungdi si Leonard.

Makalipas ang ilang oras na sorpresa. Malaking pagsasalo salo ang naganap. Nakakahiya mang sabihin, kahit na nadatnan kami ng pamilya namin na nakahubad at kakatapos lang magsalo sa mainit na pagmamahalan, mas lalo namang di kami makapaniwala na, ang lahat ang lahat ay alam nila!!! Tsssk. May CCTV pala sa loob ng kwarto!! In High Definition pa!!! At tuwang tuwa pa silang pinanunuod kami?!! What the, at talagang pinapanuod pa samin habang kumakain ng dinner!!! Kakahiya!!! Mabuti silang magulang hane???

Tapos nagpaskil pa sila ng malaking banner na nay naka print na CONGRATULATIONS!!! Ano to? Alam nilang mangyayari to? Tuwang tuwa pa nanay at tatay ko!!! Magkakuntsaba sila nila mama at papa! Maski nga si Leonard di alam na pinagtulungan kami ng mga magulang namin!!!

Sobrang pulang pula kami ni Leonard sa sobrang hiya. Tampulan kami ng tukso! Buti na lang kami kami lang ng pamilya ang nandito! Kung hindi, NAKOOO! MAGIGING ISA TONG PRIMERA KLASENG BALITA. SEX SCANDAL KAYA YAN!!!

Biruin ba naman eto pa, sinadya nila mama at papa na di kami magkacontact-an ni Leonard. Para daw may konting drama love life namin. Wew!!! At kaya pala lagi silang abala kasi nakahanda na pala kasal namin!!! What the!! Andaming nangyare!! Di ko na alam kung panaginip o bangungot ba to?! Quadro-celebration to! Graduation ko, graduation at home coming ni Leonard at advance wedding party daw!!

Ang kahihiyan namin ay napalitan ng saya.

Kulang man sa tulog, maluwalhati akong nakapagspeech sa graduaion ko.todo suporta ang mga mahal ko sa buhay. Kinabukasan, sunod naman ay si Leonard na naiyak pa. Summa cumlaude kaya sya!! At ang mas lalong nagpaiyak sa kanya ay nung......

Nung........magpropose sya sa harap ng maraming tao!!! Oo alam ng lahat na may relasyon kami, kaso dahil lang yun sa couple shirt, di nila alam yung buong kwento. Tssss. Namumula na naman ako. Kahit bisita lang ako sa graduation ng mga architect, nakakatuwang tanggap nila ako. Kami. Halos mag iyakan sila mama, papa, nanay at tatay dahil sa tuwa tsssss dapat daw bang ipangalandakan? Pano na to? Baka maging kahihiyan para sa kanya to.

Anyway, aarte pa ba ako? Ako na lang ang hinihintay na umakyat ng stage. Kahihiyan na kung kahihiyan, pero kapag nagmamahal ka, ang salitang hiya ay nawawala sa bokabularyo mo kaya.... Ayunnnnn!!! Naiiyak akong pumanhik sa entablado, lumuhod si Leonard at binuksan ang isang...... Libro???? Wow, interview with the vampire pa ang pamagat!

Sa loob ng libro, nakadikit ang isang singsing, isang magandang singsing, astig!!! May pangil at libro na naahulma sa gitna nito. May L.A. pang nakaukit sa ibaba nito!

"Alvin Calixto, my love. Ang singsing nato ay sumisimbolo sa pagmamahalan natin. Tanda at simula ng ating pagsasama. Pangil na ukit na nangangahulugang bampira. Ikaw na mahilig sa mga bampira ang kumagat sa buo kong pagkatao. Sinipsip mo ang pagmamahal ko. Kaya nga mahal na mahal kita eh. Mahilig ka sa libro,ganun din ako, magic at wizardry nga lang. Ang mahika ng pgag ibig ang umiinog sa ating dalawa. Mahal na mahal kita. Gusto kong makasama ka panghabambuhay. Will you marry me?"

"Ano ka ba Leonard, ang corny mo, di ka na nahiya ahehehe"

"Ganun talaga, mahal kita e"

"Oo na, mahal naman din kita eh. Oo ang sagot ko. Gusto kitang makasama habangbuhay"

"Salamat!!!" may ngiti nyang sabi sabay halik sa aking labi.

Ang lakas ng hiyawan at palakpakan ng mga tao. May naiiyak pa. Maging ang mga professors at ang dean ay tuwang tuwa. Ohhhh Leonard, ano tong pakiramdam na to? Nagagalak akong lubos. Tanggap tayo ng lahat. Mahal na mahal kita

Wala pang ilang sandali, matapos ang madramang proposal, agad nya kong hinitak paalis ng school. Teka? San kami pupunta? Iiwanan nya graduation nya? Di pa nga nagsasalita yung dean eh!

Maya maumaya, nakaangkgas na ako sa motor nya. San kaya kami pupunta? Kinakabahan talaga ako eh. Ambilis pa nyang magpaharurot. Nakalagpas na kami sa bahay nila "teka san ba talaga tayo pupunta?" tanong ko sa kanya, kaso ngiti lang ang sinagot nya at mas lalo pang binilisan ang pagpapatakbo kaya todo kapit ako ng mahigpit. Yakap kung yakap! Ayokong malaglag!

Ilang saglit lang, sa wakas huminto na din sya sa pagmamaneho, sa wakas buo pa din katawan ko, akala ko tinangay na eh. Bumaba ako, tumingin sa paligid, nasan kami? Bakit kami nandito? Nasang lugar kami naroroon? Nasa gitna kami ng center isle ng isang two storey library. Bakit ngayon ko lang nakita to? May library pa pala dito. At nasa exclusive village pa!

"Tara pasok tayo"

"Hah? Gabi na! Baka sarado na yan at magalit pa may ari!"

"Hindi yan, tiwala lang tara" wala na kong sumunod na narinig dahil hinitak na nya ko papasok. Pagbukas ng pinto, bumungad sa akin ang napaka aliwalas na sala. Punong puno ng libro ang bawat sulok. What the!!! Puro vampires at magic ang mga genre! Oh my! Nakikiayob ang may ari ng bahay aklatan na to! Favorite namin yan eh!!!

Napakaganda din ng mga antigo at classic na mga furniture. Ang pulidong pagkakagawa ng nakasabit na chandeliers, daig ko pa nasa simbahan.

"Ano? Tara sa itaas?" yaya nya sakin

"Ha? Baka magalit may ari!"

"Ano ka ba, wag mong intindihin yon"

"Ha? P-pero..." di ko na natapos sasabihin ko dahil hinitak na naman nya ako paakyat ng hagdan. Nang makapanaog,hinalikan nya ko at gaya ng kapangyarihan nya, napasunod na lang ako sa bawat galaw nya. Ang sarap at ang saya sa pakiramdam. Hindi ko na nga namalayang nakahiga na kami sa kama sa isa sa mga kwarto dito. Kapwa kami nakahubad. Marubdob na nagpapalitan ng halik. Hinihingal na kami at pagod. Di na namin namalayan ang oras sapagkat daig pa namin ang time warp, naka five rounds agad kami hahaha adik lang!!

Nakangiti lang kaming nagtititigan. At nakayakap at masayang pumilig sa dibdib nya. At dito. Isang mahimbing na pagkagkatulog ang aming pagsasaluhan

---Wakas---

AUTHOR'S NOTE:

SALAMAT PO DUN SA MGA NAGBABASA. MAY EPILOGUE PA PO THANKS XD

Di Tayo Talo Sa Library BOOK 1 and 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon