Chapter 14 - I'm Sorry
"Hoy bubwit! Kay aga aga nakabusangot ka na naman! Di ka parin ba nakakamove on sa EX-Husbamd mong hilaw na mukhang adik? Sya parin ba iniisip mo?"
Tingnan mo re, nandito ko sa library na TAHIMIK na nag aayos ng mga donated books ng bigla syang manggugulat at magtatanong ng ganon. Nanadya din eh!
"Ano bang kabaliwan yang tanong mo Paolo? Ako? Di pa nakakamove on? Hello, I'm sorry to tell you, I ALREADY MOVED ON! Masama na bang tahimik lang na nagaayos dine? Tingin mo sakin? Maingay na gaya mo?" sagot ko, artehan ko tong kumag na re eh!
"Ay iba ka din Alvin ha, nagulat ako sa fighting spirit mo ngayon ha, akala ko nagmumukmok ka dyan eh, sahree naman ha, sahree, I'm not informed na naka move on ka na pala" taas kilay nitong asik
"Naman, tingin mo sakin? Tanga sa love? Excuse me, I'm not T.A.N.G.A. and another excuse me, sino ka para sabihan ko na nakamove on na ko, tatay ba kita? And ANOTHER EXCUSE ME, dadaan ako, kukuha pa ko ng mga books na ilalagay sa shelf sa box na nandyan sa likuran mo"
"Huh? Talaga lang ha? Siguraduhin mo lang na nakamove on ka na, kasi sa pagkakaalala ko, di ako nakatulog ng maayos kagabi kasi may ngumangawa at nagmomoryonet na nagngangalang ALVIN. So sino ang nakamove on ngayon?" nakahalukipkip nitong pang iinis
"Huh," naismid ako dahil sa tama naman talaga sya na apura iyak ko kagabi.
"Oh ano, bat di ka makapagsalita ngayon? Yan ba nakamove on? Para dalawang buwan mo lang di nakita DATI mong asawa eh nag aala babae ka na sa kilig plus iyak dahil sa naalala mong hiwalay na kayo at galit ka sa kanya"
"Magkalinawan nga tayo Paolo, kaibigan ba talaga kita? Naiinis na kasi ako eh. Lagi mo na lang akong binubwisit " Paglilihis ko sa usapan. Kasi naman eh!!!
"Hahaha sarap mo kasing asarin. Ang tanga mo kasi eh, ayaw mo pang gumising sa katotohana, tandaan mo to, kapag nagmumove on, dapat pati feelings kinakalimutan. Nasasaktan ka tuloy. Ako ay concerned lang sayo hane? Kaibigan mo ko. Look at me, pareho lang tayong nagmumove on sa lugar na to, naunahan na nga kitang makalimot eh. Nagbabagong buhay na ko. Sana ikaw din, tingnan mo nangyare, affected ka parin, parang kahapon lang kayo nagkita ulit, what more sa susunod na magkaharap kayo, 2 weeks from now? Ano gagawin mo? at kung naiinis ka sa mga pinaggagagawa ko sayo, normal lang yan, kasi talagang tinatamaan ka ng masakit na katotohanan"
Hay nako, haba ng sinabi, OO, ako na mali. Sya na tama. Tsssk
"Sorry naman po TATAY" sarcastic kong tugon
"Wag ka sakin magsorry. Dapat dyan sa KATANGAHAN mo ikaw mag sorry. Sa sarili mo, kasi sinasaktan mo sarili mo sa bagay na ikaw lang din ang gumagawa ng ikinasasakit mo. tigilan mo na kakaisip sa kanya. Hayaan mo, magdasal ka lang lagi, at saka nandito pa naman kaming mga kaibigan mo. di kawalan yang DATI MONG ASAWA na mukha talagang hilaw." May ngiti na sa labi nito na syang nagbigay liwanag sa aking kaisipan, truth hurts naman kasi talaga eh
"Oo na, ikaw na ang guru, tsssk. Daming alam, pagligo lang hindi tsk." Pang aasar ko dito
"Aba, kapal naman ng mukha na re, baka gusto mong amuyin kili kili ko para malaman mong mabango ako at naliligo, tssk"
Kakatuwa naman sya kung mapikon haha. Parang bata.
"Biro lang Paolo, anyway, thank you sa lahat ha, kasi lagi kang nandyan para suportahan ako kahit na binubwisit mo ko, I really appreciate it."
"Hay nako, drama mo talaga, oh sya, tapusin mo na yang ginagawa mo, matutulog na muna ko, pinuyat mo kasi ako kagabi nyemas ka, oh basta, wag ka ng iiyak ulit, iisipin ko na lang na kaya ngumangawa ka kagabi ay dahil sa di mo nacelebrate birthday mo."
"Oo na, dami mong alam, salamat sa tulong ha, at talagang ako lang mag isa dine, di man lang ako alukin ng tulong? Kapal mo talaga"
"Hahaha ganun talaga kapag gwapo, atsaka, may mumu dito kaya mauna na ko sayo. Bye"
ARGHH!!!!! Kainis sya!!!
-------------------------------------------------------------
2 weeks later........
Heto na, hindi ko na mawari ang aking mararamdaman sa mga oras na ito.
Ang araw na babalik na ako sa normal kong pamumuhay.
Alas singko pa lang ng umaga nung umalis kami sa Batanes, at pasado alas dose na nung makarating ako sa bahay namin.
Mula sa labas, tanaw ko ang pagbabago ng anyo ngaming bahay, tila napabayaan masyado.
Pagkababa ko sa kotse ni Paolo, nagpaalam nako sa kanya at dumiretso na ko papasok sa amin.
Agad kong hinanap si nanay at tatay na saktong naabutan kong nagtatanghalian, nasamid pa nga sila ng makita nilaang pigura ko. Agad napatayo si nanay at niyakap at pinaghahalikan ako sa pisngi.
"Ano ka bang bata ka! Ping alala mo kami! Di ka namin macontact! Buti at maayos ang kalagayan mo. ikaw ha! Sa susunod na maglalayas ka, ipagbigay alam mo muna samin! Para di kami nagpaparang tanga kakahabap sa kinaroroonan mo!"
Tingnan mo rin tong nanay ko, shunga lang?
"Excuse me nanay, may naglayas bang nag paalam muna kung san pupunta? Kapag meron nay, pakilala mo ko ng mabatukan ko."
"Taragis na bata ka, napakapilosopo! Isipin mo na lang na concerned kami okay? Anyway, san ka galling at magkwento ka samin!"
At ayun na, napakwento ko ng di oras, tsk. Di man lang ako inayang mananghalian hayssss. Anyway, masaya naman ang araw ko na to. Gumaan pakiramdam ko, liban sa........
May BWISITANG dumating.
Sino pa ba? edi si Leonard, kasama ang magaling nyang fiancee', walang iba kungdi si Jewel, na hawak hawak ang kanang kamay ng anak nilang si Luxus. At take note, there's more. Malaki ang tyan ni ateng, tskk alam ko na.
Buntis sya. Sino kaya ama?
Malamang si Leonard, tanga lang ba?
"Ano ginagawa nyo dine?" mapakla kong tanong sa kanila.
"Kailangan ka namin Alvin, please, nakikiusap ako sayo, pilitin mo na sila mama na ikasal ako kay Jewel, para sakin at sa magiging anak namin" ani nito sabay luhod sa aking harapan.
BINABASA MO ANG
Di Tayo Talo Sa Library BOOK 1 and 2
RomanceMeet Alvin, the nerd, the geek and the vampire lover. Isang book worm na pursigidong bigyang pansin at pagpapahalaga ang mga silid aklatan. Meet Leonard, school heartthrob, astig, ngunit book lover. Mahilig sa magic at wizardry. How come kapag nagta...