DTTSL2 - Chapter 5.1 - Daryll Part 1

414 22 0
                                    

Chapter 5.1 – Daryll Part 1

"IKAW?!!!" ang di ko mapaniwalang bulalas ng makilala ko ang taong nakabungguan ko.

"Oh ikaw pala yan! Hehehe kamusta ka na babe?" ang nakangiti nyang sagot na talagang ipinakita ang pantay pantay at maputing ngipin. Di alintana ang pagkabasa sa kanyang damit na syang nagpapakita sa mamasel masel na magandang katawan

"DA-Daryll?" ang halos mauutal utal kong anas.napapalunok pa ko ng laway

"Oo, ako nga bae. Kamusta ka na? whatta destiny naman ang pagkikita natin O.* " sagot nito na sabay yakap

Oohhh syemay, nabasa tuloy ako. Gusto ko man syang itulak. Di ko naman magawa. Sobrang higpit kaya nyang yakap nya! Halos din a ko makahinga. Pasalamat ako at may umubo sa likuran naming at ako'y kanya ng pinakawalan.

Salamat kay manang....kulang na lang e hampasin na kami ng bayong. Harang daw kami sa daan. Tss

"Ay nako...sorry, nabasa ka din O.* "

Yung totoo? Nananadya ba sya? Nakakaloko pa ang tingin nya weh

"Salamat sayo. Alam mo naming nabasa damit mo nagawa mo pang mandamay tss d ka na nagbago!"

"HAhahaha sorry namen XD"

"Ganyan ka naman e... dinadaan mo sa pagpapacute ang paghingi ng tawad. Tsss oo na...mang asar ka pa" ang may naiinis kong sabi. Kapal kasi ng mukha, iangat daw ba yung damit, halatang nagpapamalas ng katawan.

"Hahahaha ayun eh.. naalala mo pa pala ako...hahaha anyway, san ka nga pala galing? Bakit ka nagcommute? Hmmm hindi ka ba hinatid ng ASAWA mo?" ang may diin nitong bigkas.

Litek to. Nasamid ako dun ah

"Ahmm...hi-hinde eh..."

"Ah...okay,.. hmm pano, baka gusto mo munang magpalit ng damit? Grabe ka kasi, nagmamadali? Fun run ba to? Hindi ka kasi nag iingat" okay okay...eto na naman ang pagkasarcastic na pamumwisit nya

"Aba, sino ba satin ang haharang harang sa daan? Excuse me...wala ka po sa red carpet para magpapogi lang sa daan. Kitang may bumababa ng bus eh.....pero anyway, malamang sa malamang, magbibihis ako. Pasalamat ka at may dala akong damit...kung hindi.... Tsss"

"Kung hindi ano?"

"Kung hindi eh babambuhin kita ng bayong na hawak hawak ni manang"

"Hahahaha oo nay un lang pala...akala ko kung anon a....."

"What?!!!"

"Wala....sabi ko sorry nap o..... pero you know what, dapat ikaw ang nagpapasalamat sakin lam mo yon?"

"Bakit naman aber?'

"Aba, ako na nga tong nabunggo mo dahil sa pagkaripas bibe mong pagbaba eh hindi ako mababasa...pasalamat ka at mabait ako,. Boyscout ata to na lagging may ekstrang damit na dala. Nako kung hindi lang kita......"

"Kung hindi ano Daryll?"

" Kung hindi lang kita mahal...ikaw ang papabilin ko ng damit ko"

"WHATT????" di ako naorient dun ah..... bigla bigla syang bumabanat ng ganon! Nakalimutan nab a nya atraso nya sakin? Kapal ng face. Matagal ng Tapos ang love love issue na nayan. Alam naman nyang ang mahal ko ay si Leo......nevermind.

"HAhahaha joke lang syempre. Sorry naman na babe. Alam ko naming wala me pag asa sayo e"

"loko loko ka talaga. Buti naman alam mo"

Ang patutsada ko na syang nakapagpatahimik sa amin panandali

"O-oo naman ha- haha" ang may pagkailang nyang sagot na tila maiyak iyak...maya maya pa...."Ano ba yan....litaw na tuloy ang macho kong katawan....tara na ngat makapagbihis baka magkasakit pa tayo"

Di Tayo Talo Sa Library BOOK 1 and 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon