Chapter 3 - Get Lost

1.5K 58 2
                                    

Daig ko pa ang pinagsakluban ng lahat. Animoy kalangitan, napakataas, napakalawak, puno ng kainosentihan na pilit na dinudumihan ng mga usok. Gaya ko, kasalukuyang nakahiga, kapiling ang isang estranghero, nagpapakasasa sa walang puwang kong kaisipan. Ang una kong halik ay nakuha na lamang ng ganung kadali.

        Di ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sapagkat ang sensasyon na bumabalot sa aking katauhan ay di ko maipaliwanag. Sa daloy ng kanyang pamamaraan, alam kong bihasa na sya, at ito ang bagay na lalong nagpasidhi ng inis ko sa kanya.

        Pilit kong binabawi ang aking lakas,at dali dali kong ibinuhos  ang lahat patulak sa kanya at sa kabutihang palad, ayun, tumilapon sya. Haha, what a adrenaline rush to save my life? (ano daw? xD) Anyway, di ko pa din maibangon sarili ko, halos nasagad na ata sa pagtulak ko sa kanya. Napatingin na lang ako sa natatawa pang mokong na gaya nya. Ano nakakatawa?di nya ba alam na ang ginawa nya ay isang uri ng pang aabuso?

"Alam mo bata, malakas ka, yun nga lang duwag ka, pero alam mo, nag eenjoy na ko sayo" rinig kong sabi nya "pero ang tanong, anong laban mo sa akin?"

Wala na kong sumunod na narinig. Nagitla na lang ako na ngayon ay nasa ibabaw ko na sya hawak ang dalawa kong braso. Unti-unti, naglapat na naman ang aming mga labi....

"Bakit ba napakalampa ko? napakahina, kanina ang King Cruz na ito ay napakabwisit ngunit ngayon? natatakot na ko sa kanya, ano bang kamalasan to?" bulong ng aking isipan. Alam kong tumutulo na ang aking mga luha. Luha ng pangamba.lalo na't unti unti kong nararamdaman ang paghahangad nito. Sa di ko malamang dahilan, nagmulat ako at isang malakas na sipa ang ginawa ko. lahat na ata ng lakas na maari ko pang gamitin ay ginawa ko na. Isang suntok ang pinatama ko sa mukha nya. Ramdam ko ang sakit sa aking kamao kaya alam kong napuruhan siya.

        Susuntok pa ulit sana ako ng mapansin kong wala na syang malay. Huminto ako at dahan dahang lumayo sa lugar nayon. Natatakot ako, ang lugar na tinuring kong ikalawang tahanan ay nabahiran ng masamang ala-ala.

Bumaba ako, pigil hiningang sumalampak sa hagdan, pigil sa pag iyak, at pigil sa paggawa ng anumang emosyon na maaring marining ng librarian. Napadukdok ako sa aking tuhod. Hanggang sa abutan na ako ng pagod at antok.

Naalimpungatan ako ng isang kamay ang gumagapang sa buo kong katawan, naglalakbay pataas at pababa, humahagod sa aking balikat, paakyat sa batok. Nag angat ako ng ulo, at nakita ko ang may pasang mukha ng walang modong King cruz.

        Pinigil ko ang ginagawa ng kanyang kamay, at piniga ito hanggang sa mamilipit sya sa sakit. Impit at pigil ang hiyaw.

"Alam mo kuya!hindi ko ineexpect na mangyayari ang lahat ng ito sakin! dapat pala di ko na inisip ang pansarili kong kagustuhan na malaman ang katapusan ng kwento sa libro. Para di na kita nakilala pa! Isang bangungot ang binigay mong karanasan sakin!" may halong pagdaramdam, inis, galit at pagdaramdam kong pahayag.

Napahinto siya, at daglian ding umupo ng maayos, pinunasan nya ang tumutulo kong luha at nagwika.

"Patawad"

"Sorry? kuya di ko alam kung sapat na ba yon para sakin, lalo na sa mga ginawa mo, pero OA na kung OA but I WANT YOU TO GET LOST!!!!!!!!!!" may otoridad kong wika. NApansin kong napayuko siya. Maya maya'y tumikhim sya saglit at tumayo, humarap sa akin at ako'y hinalikan panandalian at niyakap, bumulong sya sakin "Patawad, promise you won't see me again" at dali dali, parang bula na lang siya na naglaho sa aking paningin.

 

Di Tayo Talo Sa Library BOOK 1 and 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon