Heto ako ngayon, nasa loob ng cafeteria, kumakain ng spaghetti at cake, habang nagbabasa ng favorite kong genre ng mga novel story. Vampires. I love vampires, but actually di ako fan ng twilight, mas gusto ko yung vampire diaries. Blah blah blah, heto ang magulong nangyari dito sa cafeteria.
May umupo kasing isang maputi at mala anghel na lalaki sa harapan ko, wait, I know him! Siya lang naman ang mahanging school heartthrob, what his name? King Leonard Cortez! 2nd year architect siya, and what I know, he's a book lover like me, pero ang nakakainis sa kanya, mahangin nga, pa cool effect pa. kala mo kung sino.
Gaya ngayon, ibalumbon daw ba sa harap ko yung bag nya, tapos di man lang nagpaalam nung kainin nya yung black forest cake ko.(Buti na lang at walang rabbies laway ko, sayang, ng malason sya haha sama) at nagtaas pa ng paa habang nagbabasa ng isang librong, I think ay tungkol sa witchery, grabe, napaka walang modo.
"Excuse me po. Baka may balak kayong magpaalam sa pagkain nyo ng cake ko. At please, pababa naman po ng paa nyo senyorito, may kumakain kaya"
"May sinasabi ka?"
"AHHHHHH!!! Ewan ko sayo!!!"
"Okay" sagot nya. Tsss!!! Nakakainis sya!!! kaya ang ginawa ko, sinipa ko ang kanyang angry bird. Total magkatapat lang kami
"Aray!!! Lintek namang tao to!! Ang saket!! " hiyaw nya
"You deserve it!" sagot ko
"Ano ba problema mo????"
"Tinatanong mo kung ano problema ko? IKAW!!!"
"Me? And why???
"tinatanong mo? Malamang! Kinain mo kaya yung cake ko! Tapos pinagtaasan mo pa ko ng paa!!" sagot ko na halos mapatid na litid ko
"Ah,, yun ba, eh di bumili ka na lang ng bago."
"Bibili? Hello? Yun na lang kaya ang huling bake!!!"
"Ah ganun ba? Eh di bumili ka na lang ulit ng bago"
"Ahhh!! Ano ba!! Napakalokoloko mo!"
"oy! Sa gwapo kong ito, loko loko pa ako sa tingin mo?"
"Wow, gwapo ka? Sang banda?"
"Whoahhhh" rinig kong hiyaw ng mga nasa paligid namin.
"naku LQ na naman yung dalawa, tssk, kay gwapo eh, di bagay na nag aaway"
"Hay nako, yaan na natin sila, magbabati din yan, pabayaan nyo na" dagdag pa ng mga nag uusap usap sa loob ng cafeteria
"AHEM, baka gusto mong magsorry?" sabi ko sa kanya. Pilit na binabalewala ang sinasabi ng mga nasa paligid namin.
"At bakit?"
"Dahil sa ginawa mo"
"Eh kung ayoko?"
"Eh napaka kapal ng apog mo! Di na nga kita pinagbabayad eh, sorry na lang di mo pa magawa?"
"Okay, okay. Sorry po...................(gaya nung kay chichay sa got to believe) ano okay na??"
"K" yun lang at sinukbit ko na bag ko at umalis sa lugar na yun. Dumiretso na ko sa library kung saan, dun lang ako matatahimik.
Pasado alas dos na, pero nasa 2nd floor pa din ako, naiinis kasi ako. Sa dinami rami ng makikita ko, siya pa ulit. Ang mahanging taong yon! Lintik sya, ang yabang!! By the way, he is King Leonard Cortez, ang taong panira ng college life ko, nang dahil kasi sa isang contest sa school, nagtagpo landas naming at nabansagang magkarelasyon kami.
Pano ba naman kasi, quiz bee yun, kasali sya nun. 1st year pa lang kami nun eh, nagkataong couple shirt suot naming damit. Yung may broken heart na kapag tumabi ka sa couple mo, mabubuo yon, and take note, walang character indicator. Ano ba malay ko, eh may nag abot lang sakin ng damit at yun daw suotin ko. Eh nagkataong magkatabi pa kami. And unexpected, ginawang doubles ang contest, no choice kami, kahit di ko pa sya kilala, alam kong di sya mabait, his so rude! Super! Daig mo pa nagtampo sa bigas. Masama ugali! Mahangin, buti na lang nanalo kami, 1st place
And after non, halos tampulan na kami ng tukso. Buti na nga lang nagbago ihip ng hangin, namatay kasi kuya niya, 2 years ang gap, ayun, naging malungkot siya, and it's my advantage. Di na kasi kami inaasar, siguro nakalimutan na din ng lahat yon sa wakas.
Yun nga lang, nagtagpo landas namin sa may cafeteria. Hay bwiset!!!!. Napakamot ulo na lang ako, tumayo na ko at bumaba para umihi. Pagbaba ko, napadaan ako sa log book, whoah... Leonard Cruz. Kakapasok lang nya, teka, sino kaya sya? Matagal ko nang inaasam na Makita at makilala ko sya. At dahil sa curiosity ko, di na ko nakaihi dahil agad ko ng nilibot ang buong silid. Sa paikot ikot kong paghahanap, sa wakas, may nakita din akong tao, kaso paakyat sa 2nd floor haixxtss "Leonard Cruz!" tawag ko, halos nag echo ang sigaw ko, pero di nya narinig. Kaya sinundan ko na lang sya sa taas.
Nilibot ko tingin ko at ayun din sa wakas, nandun sya sa magic and wizardry section. Tsssssk!! Witch ba sya? I hate pa naman nung mga magical creatures at witchcraft kaek ekan. Halos hingal akong lumapit sa nakatalikod na Leonard Cruz, wow, nakauniform sya gaya ng sa school namin? Halata sa I.D. lace hahahahaha
"Hello po...." Bati ko, pero nanlaki mata ko kung sino nakita ko. "IKAW????!!!!"
BINABASA MO ANG
Di Tayo Talo Sa Library BOOK 1 and 2
RomanceMeet Alvin, the nerd, the geek and the vampire lover. Isang book worm na pursigidong bigyang pansin at pagpapahalaga ang mga silid aklatan. Meet Leonard, school heartthrob, astig, ngunit book lover. Mahilig sa magic at wizardry. How come kapag nagta...