Chapter 8.1 - I'm Dead Serious
"Anak okay ka lang ba?" ang nag aalalang tanong ni nanay
Ngunit tango at pilit na ngiti lang ang ibinigay ko.
Kakalabas ko lang ng kwarto at dumiretsong banyo. Naghilamos ako kapagdaka. At sa bawat saboy ng tubig sa aking mukha, nilalabanan ko ang mga ala ala kahapon. Yung reaksyon nila mama at papa at yung pagtangis nila. Pati yung pagpunit nila sa divorce paper maging ang pagwo-walk out nila ng may galit sa mukha.
Natawa tuloy ako sa banta nila sakin bago sila sumakay ng kotse
"Mananagot sakin yang asawa mo na yan Alvin, kung ayaw mo syang makitang namamaga ang pwet kakapalo ko sa kanya, mag isip isip ka na. Hanggat maaga ipaglaban mo sya. At wag na wag kang pumayag na makipagdivorce"
Tsk tsk tsk. Natawa ako nung muli kong maalala ang sandaling iyon.
Napapailing tuloy ako. Wala naman kasing point kung ipaglaban ko pa sya di ba.
Pagtingin ko sa salamin, mugto ang aking mata at halatang puyat pa.
Haysst. Oo na mahal ko pa talaga sya at gusto kong bigyan pa sya ng chance. At Ayoko syang isuko.
Napangiti tuloy ako. Baliw na ata ako. Nagtatagisan ang puso at isipan ko kung ano na gagawin ko.
Then reality hits me...AGAIN. Parang may palasong tumusok sa dibdib ko ng maalala yung divorce paper na may pirma nya maging yung post niya na picture sa fb kung saan masaya at magkahalikan pa sila ni Jewel
Tsss nakakasakit talaga ng damdamin ang ginawa sakin ni Leonard. Sobra syang nagbago in a span of one month lang! Nasan na yung dating sya? Yung laging nagsasabi ng "Hi my Love! I Love You so much" tsss mukhang sa ala ala na lang ata sya ganon
Tapos sinabayan pa ng tumawag sya kagabi. Tingnan mo rin kapal ng mukha. Naalala pa nya kong tawagan kundi pa dahil sa nalaman nyang sumang ayon ako sa divorce na gusto nya!
Tuwang tuwa pa ang mokong!
Lintik to! Talagang nasiyahan sya sa balitang yon? Napaka ano nya!
Ayan tuloy mga luha ko! Nagbabagsakan na naman. Kay aga aga eh!
Dumating ang ika alas dos ng hapon........
Tulala pa rin ako.
Pilit akong pinasasaya ng pamilya ko pero tanging nagawa ko lang ay tumunganga at magmasid sa kawalan. Nag iisip ng dahilan kung bakit nararanasan ko ang ganito. Nagpakabait naman ako nung bata palang ako. Hindi naman ako nangongopya nung nag aaral pa ko. Di ako nagbibisyo. Di ako nanlalamang ng kapwa ko. Di naman ako kriminal. Eh bakit ganon? Bakit nararanasan kong lagi na lang ako nasasaktan ng dahil sa pag ibig?
Lintik na walastik!
"Kring! Kring! Kring!"
May tumatawag sakin.
Sinagot ko agad ito at sa aking pagkasorpresa, againnnnnn si Leonard na naman
"Hi Alvin!" ang masayang bungad nito tapos maya maya biglang naging seryoso
"I want to inform you na hindi ako natutuwa na pinalo ako ni mama sa pwet dahil sayo."
"S-sorry" ang naiiyak ko ng turan. Aysst bat nga ba ko naiiyak?
"Wag kang umiyak, baka pag nalaman ni mama eh paluin na naman ako. Anyway, Nalaman kong pinunit din ni mama yung divorce paper. Pakiexplain naman kung bakit?"
"A-ano kasi...a-ayaw nya kasi na madivorce tayo kaya ayun hinablot nya yung papel tapos pinunit"
"Ano ka ba naman? Bat di mo pinigilan? Alam mo bang ang hirap kumuha non?! Matagal na process!!"
"H-hindi ko naman alam ehh..!!"
"Tanga ka ba at di mo alam yon? Magna cumlaude ka pa man din nung college pa tayo!"
"teka teka, grabe ka naman kung makapagsalita sakin! Ano kinalaman ng academic awards ko sa sinasabi mong divorce na yan ha?"
"Di ka bobo kaya ikaw na ang humanap ng connection. Anyway, After 2 days, babalik na ng pinas sila mama, I'm sure dala na nila yung bagong divorce paper na may pirma ko. Pagnakuha mo na, pirmahan mo na agad at ng maprocess agad. Pag naging successful ang divorce natin, magpapakasal na kami agad ni Jewel. Gusto ni Luxus ng complete family. Naiintindihan mo naman ako di ba?"
"O-oo" mahina ngunit buo kong sagot kahit na pinipigilan kong hindi marinig ni Leonard ang pag iyak ko
"Salamat naman kung ganon. Naiintindihan mo naman pala ako. Nga pala, Alam mo bang gusto kang makita ni Luxus. Miss ka na daw nya. Matagal ka na daw nyang di nakikita. Kaya kunin na kitang bestman sa kasal ko. Inaasahan ka ng anak ko kaya We will expect na pupunta ka ha."
ARGHHHHHHHH!!!!! BAT NA NAPAKAMANHID MO?!!!!
GUSTO KONG UMIYAK NG DUGO SA MGA ORAS NATO!! KUNG ALAM MO LANG!!!
Ang sakit, sobrang sakit.. Hindi ko na kayang pigilan tong nagpupuyos kong hinanakit
"HOY LEONARD!!" ang bungad kong sigaw sa kanya. Hindi ito ang oras para magpigil. Ayoko ng maging kaawa awa
"SORRY PERO DI KO KAYA! KUNG PWEDE LANG NAMAN SANA, TIGILAN MO NA ANG PAGPAPAKASAKIT SAKIN! SOBRA NA KONG NASASAKTAN! IBINIGAY KO NAMAN NA ANG GUSTO MO! PUMAPAYAG NA NGA AKONG MAKIPAGDIVORCE SAYO TAPOS ANONG KATARANTADUHAN TO? GAGAWIN MO PA KONG BESTMAN MO? GAGO KA PALA EH! TANDAAN MO! SINABIHAN MO KO NG MAHAL MO KO NG MARAMING BESES PERO ANO GINAWA MO SAKIN? WALA KANG ISANG SALITA! GINAWA MO PA KONG PARANG BASURA NA KAY DALING ITAPON! SANA MAUNAWAAN MO TONG SASABIHIN KO HA, MINAHAL KITA NG BUONG PUSO! BINIGAY KO SAYO ANG LAHAT. KAYA KONG TIISIN LAHAT MAGING YANG DIVORCE DIVORCE NA YAN! PERO ETO TATANDAAN MO! WAG MO KONG ASAHANG PUPUNTA AKO SA SINASABI MONG KASAL! AYOKONG MASAKSIHAN ANG SINASABI MONG MASAYA MONG ARAW! GOOD BYE!..........and I love you...."
SHEMAYYYY!!!! MABABALIW NA KO!!!! YUN ANG PINAKA MAHIRAP AT PINAKA MASAKIT KONG NASABI SA BUONG BUHAY KO!!!!!!!!
Humahagulgol akong dumukdok sa tuhod ko. Nanggigigil ang buong sistema ko. Nakakahighblood!!
Narinig ko pang tumunog ang cellphone ko tiningnan ko kung sino at ng malaan kong si Leonard yon. pinatay ko agad cellphone ko. Hindi pa ko nakontento, binato ko to sa may pader at pinagbababasag gamit yung marmol na trophy na nakadisplay!
Mas mabuti ng ganyan ang inabot ng cellphone ko kesa naman magkabasagbasag muli ang puso ko kapag narinig kong muli ang boses nya!!!
Ahhh shit!!!! Ang sakit talaga!!!!! Bakit ba napakamanhid nya!!!! Nagawa nyang sabihin sakin na gagawin nya kong BEST MAN!!!!! Hindi ko kakayanin na nabalewala nya yung pinagsamahan namin!!!!
Mas lalong madudurog puso ko kapag nakita ko syang masaya na ikinakasal sa altar!!!
Gusto kong takasan ang sakit na nadarama ko.........
Pero paano???
Nag iisip ako ng solusyon hanggang sa...... Mapansin ko yung cutter sa ibabaw ng study table ko
Hindi ko alam kung bakit pero di ko mapigilan ang sarili ko.
Dahan dahan.. Nanginginig ako na kunin ito.
At nang ito'y akin ng hawak..
Tumingin ako sa kabuuan ng kwarto ko at
Isang bagay lang ang naiisip kong gawin
At ito ay.......................................
BINABASA MO ANG
Di Tayo Talo Sa Library BOOK 1 and 2
RomanceMeet Alvin, the nerd, the geek and the vampire lover. Isang book worm na pursigidong bigyang pansin at pagpapahalaga ang mga silid aklatan. Meet Leonard, school heartthrob, astig, ngunit book lover. Mahilig sa magic at wizardry. How come kapag nagta...