Chapter 13 - Painful Truth After Goodbye

684 35 0
                                    

Nagising ako mula sa aking mahimbing na pagkakatulog ng may mainit at malambot na bagay ang dumampi sa aking pisngi, dahan dahan, palapit ito ng palapit sa aking labi. Dumilat ako at laking gulat ko nang mapagtanto kung ano yon!!! Ang labi ni Leonard!!!!

Nang makita nyang gising na ako, nagdudumali syang halikan ulit ako na akala mong wala nang bukas animo'y magneto ang kanyang labi dahil sa ako'y napapasunod nya at walang anu ano'y, isang marubdob na pagtatalik ang naulit.

Kasalukuyan akong nakahiga sa kanyang mga bisig, nakatulala at pilit nag iisip kung anong nagtulak sa akin para mapapayag ng ganun para maulit iyon? Tssskk!!! Anong kasalanan ito!...... Ang aking pagninilay nilay ay naputol ng aing marinig ang tinig ni Leonard bumibigkas ng katagang "Mahal na mahal Kita".

Umayos ako ng upo at sumandal sa headboard ng kama. Tumingin ng mataman sa kanya, bawat anggulo ay sinusuri at nang mapagtanto kong seryoso sya, napaluha nalang ako. Pansin nya ang aking pagluha. Nang mahimasmasan, agad akong nagbihis at walang imik na lumabas ng kwarto. Kahit napakahirap sa akin ang lumakad, pinilit ko pa din. Tsk, shet ansaket talaga!! Daig ko pa ang tinuhog. Ang sakit! Binibiyak ata ako shet.

Di ko tuloy namalayan na nahabol na ko ni Leonard. Kahit wala pa din syang saplot, sinundan nya ko. Pababa na ako ng hagdan nang yakapin nya ko.

"Alvin, mahal kita, mahal na mahal. Patawarin mo ako kung naging mapusok ako, kaya ko lang nagawa yun dahil ayokong mawalay sayo. Natatakot ako."

"Natatakot?Para san pa? Eh tapos na nga di ba!"

"So-Sorry, alam kong naging mabilis ang lahat para satin, p-pero......."

"Pero ano?"

"Natatakot kasi talaga ako"

"Natatakot para san?"                                                          

"Na mawala ka sa akin ng tuluyan"

"Bakit naman? Eh dahil nga dyan sa nangyari, malamang mawala na ko sayo"

"I know. Pero hindi iyon ang rason."

"Eh ano nga?"

"Natatakot akong di na ulit tayo magsama dahil aalis na ako"

"Ano?!!"

"Aalis na ko ng bansa" may lungkot nyang sagot. Naguguluhan ako.

"A-Anong ibig mong sabihin?"

"Napili akong mag OJT bilang architect sa Australia"

"Ha? P-pano? Bakit ngayon ko lang nalaman yan?"

"Biglaan ang lahat. Pinili ako ng partner ng school natin Internationally, at...... At......."

"At ano?"

"M-mamaya na ang alis ko"

"ANO?!!!!"

"Aalis na ko mamaya, s-sorry kung di ko nasabi agad. Natatakot akong iwanan kang mag isa, natatakot akong magalit ka lalo na't maiiwanan ka naman"

"Leonard, ano na naman bang kalokohan to?!!!" may pagkalito ko nang usal.

"Di kita binibiro, totoo ang sinasabi ko. Kaya ko nagawang angkinin ka para may dahilan akong umuwi. Para sayo."

"At bakit??" tanong ko.

"Dahil mahal na mahal kita!!!!" sigaw nya, na lalong nagpaluha sakin, tila isa akong kandilang nauupos. Napaluhod ako at niyakap ang sarili. Di ko na alam ang totoo.

"Alvin, will you be mine?" sabi nya pagkadaka.Yakap yakap ako.

"I love you very much Alvin, ikaw ang buhay ko. Ikaw ang lahat sa akin, di ko ineexpect na matatagpuan kita" tuloy tuloy nyang sabi samantalang di na ako umimik.

"Alvin will you be mine? Promise ikaw lang ang mamahalin ko. Papaligayahin kita araw araw, magsasama tayong dalawa pang habangbuhay. Pangako yan" alam kong may sinsiridad nya itong binigkas ngunit di na lang ako kumibo. Hanggang ngayon kasi, di ko pa alam ang isasagot ko.

Namayani ang katahimikan, hanggang siya na ang bumasag nito.

"Alam kong di mo pa akong kayang mahalin, dahil si kuya King pa din ang laman ng puso mo. Pero maghihintay pa din ako. Pangako babalikan kita.Tandaan mo yan. Papanagutan ko pa ang magiging anak natin. Mahal na nahal kita" salaysay nya. Di ko nga alam kung matatawa ko sa sinabi nya. Magrereklamo na sana ako ng bigla na lang nya akong halikan.

Nang magkahiwalay na ang aming mga labi, ako na mismo ang naglakas loob na magtanong.

"Hanggang kailan mo ako kayang hintayin?"

"Hanggang sa may pag asa pa akong mamahalin mo" sagot niya.

"Kung ganon. Hanggang kailan mo ako paghihintayin na balikan?" di sya sumagot, yumuko lang sya.

"Ano Leonard! Sumagot ka!!!" may emosyon ko ng tanong.

"I-Isang taon at kalahati" mapait nyang sagot.

"Ha?? B-Bakit antagal?"

"S-Simula kasi bukas hanggang matapos ang March, doon na din ako mag papatuloy ng 4th year. At babalik ako dito sa Pinas pag graduation ko na"

"Teka?B-Bakit?Di ba tayo magkakasabay gumraduate?"

"Masakit mang tanggapin, oo, magiging octoberian ako"

Napayuko na lang ako. Di ko lubos akalaing maiiwanan na naman ako.

Lumipas ang mga oras, di na ko tumuloy na umuwi samin, doon na ako kila Leonard nagpalipas ng tanghalian. Hanggang sa dumating sila mama at papa bandang alas tres na ng hapon. Maya maya'y, sabay sabay na kaming naghatid kay Leonard sa airport. Mahirap mang tanggapin, aalis na ang isang parte ng puso ko. Ang alalahanin tungkol sa nangyari kanina ay di ko na binigyang pansin mas mahalaga sa ngayon ay ang nalalabing oras kasama sya.

Alas sais trenta ng gabi, tuluyan ng nawala sa piling namin si Leonard.

——————————————————————-

Ang tulin ng paglipas ng panahon. 4th year na ko. At bukas,.... Proudly to say.......Gagraduate na ako.....with honors..... Magna cumlaude at student of the year, hay....... Ang bilis talaga, heto ako ngayon nasa library. Abalang abala sa pagsasalansan ng mga libro.....at guess what? Nasa may fiction sectoon ako..... Sa lugar kung saan nagsimula ang lahat.

Hawak hawak ko ang dalawang librong kinahuhumalingan ng dalawa kong pinakamamahal.

Ang secret circle ng mahal kong si kuya King.

At ang Forbidden Magic ng future boyfriend kong si King Leonard Cruz Cortez.

Yeahhhh pagkatapos ng pamamaalam, atsaka ko lang naamin sa sarili kong mahal ko na sya. Di bilang kaibigan o kapatid kungdi bilang isang taong pupuno sa parte ng puso ko at maging ng buhay ko. Yun nga lang, di ko din masabi... Kasi maging sila mama at papa, walang komunikasyon kay Leonard. Nag aalala na nga sila eh, 1 year and 1 month na nga ang lumipas, gang Ngayon wala padin.

Ano na kaya balita kay Leonard? Tsk. Para kasing footnote ang love eh. Kung kelan nawala, atsaka mo malalaman na napakahalaga ng markang naiwan nito.

Haixxxt, napapaluha na naman ako. Yung feeling na kahit hundreth times mo ng nabasa yung book, ganon pa din ang impact sa pakiramdam ko. Puno ng pangungulila at pagmamahal. Leonard, kamusta ka na ba mahal ko?

Sa aking pagluha,..... Di ko na namalayang nakatulog ako.

Naalimpungatan lang ako ng may tila yumayakap sa akin, at pilit dinadama ang init ng aking katawan. Dumilat ako, at lumingon. Laking gulat ko nang makita ko muli ang may kagwapuhang lalaki ang nakangiti sa akin.

"Ikaw?!!!!!!" malakas kong sigaw.

"Oo ako nga, kamusta ka na babes?Miss me?" sagot nya.

Di Tayo Talo Sa Library BOOK 1 and 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon