Chapter 2 - Is That A Kiss?

1.6K 62 0
                                    

"Ikaw! Ano karapatan mo para punitin yung last part?!!!" galit kong sabi sabay labas sa pinagtataguan ko

"Ah, eh, I don't care" sagot nya na sumandal pa, nakataas kilay

"Huh?" react ko. ano to maang maangan pa e huli naman.

"Sabi ko pakielam ko ba"

"Ayssst!!! Ang sama mo! Kung bakit kasi naisipan mo pang punitin yung last part! Di ko tuloy nalaman kung sino traydor!"

"Haha.so binasa mo pala?"

"Malamang.Kaya nga nanggagalaiti ako sayo di ba?"

"Watever"

"Kapal mo talaga! Kay lalake mong tao kung makaarte ka ng ganyan! Akina yung papel!"

"Anong papel?"

"Oh tapos ngayon, nagmamaang maangan ka pa? Akina Dali! Bigay mo na!!!"

"Lakas naman ng loob mo na utusan ako?"

"Malamang ayaw mo ng isang mahinahong usapan kaya dapat sa ganitong paraan!Akina kasi Dali na!"

"Eh kung ayoko?"

"Susumbong kita sa librarian!"

"E di sumbong mo" walang paki nyang sagot.

"Talagang isusumbong kita!"

"E di gawin mo" sabay halukipkip ng mga kamay

"Aba nagmamatigas ka?nako kuya. susumbong talaga kita!"

"GO"

"Ayssst" bulong ko sa sarili ko. Napakawalang modo ng taong to! college pa naman din!! ano ka na lang kapag sinumbong na kita!!! dahan dahan na kong naglalakad palayo sa kanya ng tawagin nya ko.

"Oy batang mainitin ulo!"

"Hah?" sabay harap ko sa kanya "Ano ulit sabi mo?"AKO?mainitin ulo?"

"Ay hindi binge pa"

"Arghh napakasama talaga ng ugali nyo!!!!!!"

"Di nga?"

"Nang iinis ba kayo?"

"Hindi, baka ikaw"

"Tss. Grrrr. Nakakainis na kayo!!!Susumbong kita!!!!"

"K"

"Ano ba meron sa utak ng taong ito? Hangin lang ata, napaka insensitive! Di makaramdam. Manhid!!" dahil sa inis ko, binato ko siya ng librong nadampot ko.... at ayun.. Kapol sa mukha! HAHA!!!

"Aray!!! Bakit mo ginawa yon?!!!!!"

"Pakielam mo?!!!"

"Grabe kang bata ka!!!Napakainitin talaga ng ulo mo!!!"

"Excuse me, di na po ako bata, 4th year na po kaya ako!!!"

"Who cares? ARAY!!!!" binato ko kasi ulit

"Ano gusto mo???DICTIONARY?"

"As if kaya mong ibato sakin? HAHAHA"

Sa  sobrang inis ko, lumapit nako sa kanya at aambahan ko na sya para suntukin, kaso.....mabilis siya, nakailag siya at dahil don, tumama ako sa book shelf at ayun, napahiga ako.

"Aray!" reklamo ko.

"Ayan kasi, di tumitingin sa dinadaanan, sino susuntukin mo dun?" pang aasar nya.

"Ay malamang, baka ikaw!!! ikaw at ako lang kaya ang nandito!"

"Talaga??bakit mo naman ako susuntukin?" Umupo siya sa tabi ko at parang walang pakiramdam

"Tanga ka ba talaga?Aba kuya, nakakabwisit ka kaya!!"

"Weh di nga?" sabay tingin sakin ng makahulugan, ngumiti siya at ngayon ko lang napansin, may hitsura pala tong mokong nato. Ano ba tong naiisip ko. pakielam ko ba?

"OO!!" sabay taas ng aking kamay upang puntuhin ang nakakabwisit niyang pagmumukha.

"Oops, too close haha" Bakit ba lagi niya kong naiiwasan?

"EEEEEEhhh!!!" umakma ulit ako para suntukin siya kaso, nakuha niya kamay ko at ngayon, hawak hawak na nya.

"Alam mo, mabagal ka kasi" panunudyo nya.

"Ahhhhhhhhhh!!!!" nagpupumiglas ako.pilit kong binabawi ang mga kamay ko. "Ano ba! Bitawan mo kamay ko!!!" utos ko.

"Hay nako bata. Ikaw kaya diyan ang nag abot ng kamay eh" may ngiti pa nyang sabi.

"Ayssst!!!! Bat ba napakasabog nyo!!!"

"Huh?"

"Sabe ko!!! bakit napakaloko loko niyo!!!! Napakasama nyo!!! at nakakabwisit!!!"

"Haha iyon ba? I don't care, tanong mo sa parents ko"

"Ay, pakielam ko sa kanila!!!"

"Eh tinatanong mo kasi ako eh."

"Ayyyyyyy!!!nakakaloko  na kayo, di ko kayo maintindihan!!! Bitawan nyo na lang kamay ko!"

"Ayoko nga"

"Hah? bakit naman"

"Gusto ko lang"

"Aysssssssst!!!Ano ba?!!una yung punit na page ngayon naman kamay ko!! ano pa ba gusto nyong angkinin?!!"

"Puso mo"

"Hah?" napatigil ako dun. tila huminto ang paligid ko, tumingin ako sa kanya, nakangiti siya. Shemay! lintek naman. Bakit  nag islow mo ang lahat? Ano na ba nangyayare sakin?

"HOY bata! Baka malusaw ako kakatingin mo"

"hah? a-ako? tinitingnan ka? H-hindi a!" sabay tingin ko sa kaliwa. Ayokong makita nya ko na namumula. tsssk Bakit ba nangyayari to? napakapanget tingnan lalo na sa posisyon namin.

"Alam mo bata, cute ka, ang problema mainitin ulo mo." rinig kong sabi nya. Kaya humarap ako.....pero mali ata naging kilos ko.....is this a kiss? but why? How come na siya pa ang first kiss ko? O_O

Di Tayo Talo Sa Library BOOK 1 and 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon