Chapter 10 – Nowhere to be found
It's been 2 months and 3 days to be exact simula nang lumayas ako sa amin.
Only things na dala dala ko ay cellphone, bag na may lamang damit, at mga mahahalagang papeles ko gaya ng ID at any documents ng pagkakakilanlan ko in case na may mangyaring masama sa akin hehehe. Baliw na ba ko?
Inisip ko dati na baka mamatay o magpakamatay ako dahil sa problemang kinakaharap ko.
Anyway, kung tatanungin nyo ako kung ano pinagdaanan ko sa loob ng dalawang buwan, well, masasabi kong, ANG TANGA KO PALA.
Aba! Ginawa ko talaga yung plano ko! Nag iiiyak ako, nagpakagutom! Tapos iiyak ulit, tapos yung tipong isang hingahan na lang ako dahil sa kakulangan ng nutrisyon, ayun, nag apura naman lamon ko! Nakakahiya dito sa simbahang tinutuluyan ko! Daig ko pa pulubi dahil sa inaasal ko! Kakahiya talaga!
Naging arugaing bata ako. Kay tanda tanda ko na eh. Tsk.
Nagpunta ako sa lugar na to para magsilbi sa mga tao hindi para lang sa sarili kong ikakamove on. Aba, ang hirap kayang makiusap kay father Jaime na isama nya ko sa mission nya dito sa Batanes. Nagmakaawa ako sa kanya nun para lang ibilang nya ko sa mga isasama nya.
>>FLASHBACK<<
Kagagaling ko lang noon sa office para kunin ang huli kong sahod at syempre para maclear na di pa sigurado kung kelan ako babalik sa trabaho kaya maghanap na agad sila ng kapalit ko.
Pagkaraan noon, naisipan kong magsimba sa Quiapo church, after kong magdasal at humingi ng sign kung pano ko malalampasan ang nagbabadyang divorce namin ni Leonard, kung pipirma ba ko o hindi.
Sabi ko, pipirmahan ko agad yung divorce paper na dadalhin ni mama (mama ni Leonard) kapag may nakita akong may nagbreak sa harapan ko. Indication yun na talagang wala ng kami at hindi na magkakaayos pa ni Leonard.
Syempre, kampanteng kampante isip ko na walang magbe-break up sa harapan ko, kasi nasa loob ako ng simbahan eh, Malabo yun di ba. Kasi kadalasan sa mga magsyota na pumapasok sa simbahan ay para magdasal at mangako sa harap ng altar na magatatagal sila, na habang buhay silang magmamahalan, till death tear them apart.
At sakto, wala pang 20 seconds, may narinig akong umiiyak sa bandang harap ko, nagkakatinginan na nga mga tao sa lalaking umiiyak. Bago lang kaya sa paningin ng iba na may lalaking umiiyak.
Nakiusiyoso ako, pinatatahan kasi sya nung mga katabi nya, nasa simbahan nga kasi kami di ba, kasagsagan ng kantang papuri.
Hindi sya sumagot bagkus ay umiiyak na lumabas ng simbahan.
Nacurious ako kaya sinundan ko, hanggang sa maabutan ko sya na nagpupunas ng luha sa may lilim ng punong acacia.
"Okay ka lang ba?" tanong ko
"Tingin mo? Syempre hinde!" sagot nito. Aba suplado, pero syempre, di ko na kinulit, iiwanan ko na sana sya ng bigla nya kong pinigilan.
"Pasensya na kung sinungitan kita pare, nagbreak kasi kami ng girlfriend ko." Sabi nya na ikinanganga ko. Sign ba to? Break up talaga? Sa loob ng simbahan?
"N-Nagbreak kayo ng girlfriend mo? Sa loob pa talaga ng simbahan" tanong ko ulit
"O-oo, yung babaeng naka pink dress na katabi ko, sya yung girl- este ex ko" ang medyo naiiyak nyang saad, "Dinala ko pa naman sya dito sa Quiapo church para ipakilala kay Lord kasi balak ko na syang pakasalan, pero sabi nya sakin, hindi nya ko mahal, pinagpustahan lang daw nila ko ng mga kaibigan nya. At ayaw daw nyang lokohin pa ko lalo nat nakita nyang mabait at seryoso ako sa pagmamahal sa kanya"
Awtss. Yan ang nadama ko pagkarinig ko non.
Hindi ko inaakalang may ganto sa reyalidad.
Naiyak din ako dahil don, sign na siguro to ni Lord para lumaya ako sa sakit ng kalooban.
At doon, naikwento ko din kay Paolo ang pinagdaanan ko. At first nagulat sya ng malaman nyang bading pala ako, pero tinawanan na lang nya dahil naiyak din sya sa kwento ng masalimuot na buhay pag ibig ko.
At habang umiiyak kami, may isang pari ang lumapit sa amin, sabi nya baka kailangan naming ang tulog nya para mapagaan ang dinidibdib naming problema.
At first, tunay namang nabigyan nya kami ng word of wisdom from God, hanggang sa nasabi nya na magkakaroon sila ng mission sa Batanes, pwede daw kaming magvolunteer kung gusto namin. Way na din daw yun para mag unwind at makamove on.
Syempre, hindi ako umoo, dahil nahihiya ako. Pero sabi ni father Jaime, kung magbago daw isip ko, tawagan ko daw sya sa number nya. Kaya binigay nya contact number nya. Ganun din si paolo.
>>END OF FLASHBACK<<
At ayun na nga, di ko naman talaga balak na sumama, pero nung dumating ang araw na di ko kinaya yung divorce thingy na yun sa buhay ko, naglayas agad ako sa amin, buti nakaempake na gamit ko. At wala na kong maidahilan kila nanay kaya sinabi kong pupunta kong semanaryo.
At yun na, habang nasa daan ako, di alam ang pupuntahan, tinawagan ko si father Jaime, nasa Batanes na pala sila kahapon pa. sabi ko, baka pwedeng humabol, sasama ako.
Sabi nya sakto na daw bilang nila, pero dahil sa wala akong alam na matutuluyan, nakiusap ako, nagbabakasakali, nakwento ko agad ang pinagdadaanan ko. Kaya napapayag ko sya. Kaya nagcommute na ko papuntang Batanes. Hahaha
At heto na nga, kasalukuyan akong hindi mahagilap ng pamilya ko, masama na ko kung masama dahil pinag aalala ko sila, di ko kasi sinasagot tawag nila, at dito sa Batanes, mahina sagap ng signal, minsan malakas minsan naman sakto lang.
"Oh pare! Tara kumain na tayo, pinagluto kita ng favorite kong lutuing ulam"
"Ay palaka!" napasigaw ako dahil sa gulat, bwisit talaga tong si Paolo, nanggugulat ang mokong!
"Hahaha! Sarap mo talagang gulatin hahaha, cute mo kapag namumula ka sa inis" ani nito
"Bwisit ka talaga! Buti wala akong sakit sa puso!"
"hahaha ikaw kasi eh, kanina ka pa nakatulala dyan" ang natatawa nitong sabi habang naghahain ng pagkain.
"Teka, kailan ka pa natutong magluto aber? Ikaw ha, wag kang magsisinungaling, magagalit sayo si father, nangupit ka ng ulam no? ikaw ha, para sa mga batang ibatan yung hinahandang pagkain sa kusina ah" ang pangungunsensya ko.
"Oy, grabe ka naman sakin, hindi ko kinupit to, ako talaga nagluto, atsapa, nilagang baboy niluluto nila sa kusina na umagahan ng mga bata, ikaw talaga, ang sama mo sa akin, ako na nga itong nagpakahirap na ipagluto ka eh"
"Eh ikaw naman kasi eh, kay aga aga, nanggugulat, tapos may niluluto naman palang ulam sa kusina, nagluto ka parin ng sinasabi mong paborito mong pagkain, dapat isinama na lang natin yang baboy na niluto mo sa niluluto nila para marami pang makakain" suhestyon ko
"Eh yaan mo na, espesyal kaya ngayong araw kaya espesyal din tong niluto ko. At for your information, ipinapaalam ko kay father Jaime yung rekados ng adobong baboy na to. Maging kay chef gab, ipinagpaalam ko, ganun kasi kaespesyal araw nato"
"Ah, okay, sabi mo eh, ikaw ha, may paespesyal ka pang nalalaman, may ano ba? Birthday mo?" tanong ko
"Loko re, hindi ko birthday, tsk tsk, may tama ka na talaga sa ulo. Birthday mo di mo maalala? Tsk tsk. Tama na pagiging tanga sa pag ibig okay? Move on na. 2 months na ang nakakalipas okay. Sapat na sigurong panahon yun para tumino ka na? oh sya, kainin mo na to hanggang mainit pa yung kanin, pagkatapos mo, sumunod ka na sa paaralan, maaga pa turo natin ngayon sa mga bata." Sabi nito sabay alis.
The heck, ang bilis ng pangyayari, birthday ko na pala?
Aist. Ito na nga siguro ang tamang oras para tumino.
The weak Alvin is nowhere to be found na, it is a brand new day na for me J
BINABASA MO ANG
Di Tayo Talo Sa Library BOOK 1 and 2
RomanceMeet Alvin, the nerd, the geek and the vampire lover. Isang book worm na pursigidong bigyang pansin at pagpapahalaga ang mga silid aklatan. Meet Leonard, school heartthrob, astig, ngunit book lover. Mahilig sa magic at wizardry. How come kapag nagta...