/ Kabanata II /
"Talaga?! Kaklase natin siya?!" hindi makapaniwalang reaksyon ng isang chinitang babae na katabi ni Amaris.
"Oo! Ang swerte talaga natin, no?" sabat naman ng kaklase nito.
"Kaya nga. Ang daming mayayaman at guwapo pala na dito rin nag-aaral," singgit naman ng isa pa.
'Yon ang mga narinig ni Amaris ng makahanap na siya ng pwesto sa kaniyang napiling upuan sa kanilang block. Mas pinili niyang maupo malapit sa bintana para makapag-relax sa ganda ng view sa labas. Hindi na niya pinansin pa ang bulong-bulungan na naririnig niya sa loob ng kanilang block.
"Nandiyan na siya!" sigaw ng isang babae, na halos pumutok ang cheeks dahil sa blush-on nito.
Napalingon naman ang lahat sa kaniya nang pumasok siya. Hindi naman maipaliwanag ang bulungan at tilian ng mga babae sa narinig. Naguguluhan si Amaris kung bakit ganoon na lang ang mga reaksyon ng kaniyang mga blockmates.
They are education students, the future teachers of the country, pero sa kanilang pinapakita mukhang hindi. Inis na inis si Amaris dahil sa ingay na namumuo sa loob ng block kaya nag-earphone na lang siya.
Nakuha lang ang atensiyon niya ng may biglang kumuha ng kaniyang earphone. Nakapikit na pala siya sa musika na Paubaya ni Moira. Through Moira's music he was unconsciously asleep in the middle of yells. Naging therapy niya sa inis at yamot ang pakikinig ng musika.
"May nakaupo ba dito, bata?" tanong ng lalaki na kumuha ng earphone niya.
Nagulat siya sa inasal ng lalaki. Mas lalong nainis si Amaris. "Kung wala kang nakita na bag, ibig sabihin wala," anito at hinila ang earphone.
"Okay. This is now my spot," tugon naman ng lalaki.
"Akala mo kung sino."
"Hindi naman gwapo."
"Ang chaka nga eh."
Ito ang ilan sa mga nadinig niyang bulungan nang pilosopong sinagot ni Amaris ang lalaki. Muli siyang napalingon sa gawi ng lalaki na katabi na niya ngayon. Makikita sa kaniyang mukha ang ganda ng pagkahulma ng ilong nito at ang mapungay nitong mga mata.
"Am I cute?" biglang tanong ng kaniyang katabi, "baka inaakit mo na ako niyan, huh. H'wag kang mag-alala, alam ko namang walang gayuma sa titig lang," dagdag pa ng lalaki nang mahuli siyang nakatingin dito.
"As if may ikakagusto ako sa'yo," kaagad na sabat ni Amaris.
"Hindi lang natin alam," sagot naman ng lalaki, "co'z, I know when I entered that door―" sabay turo niya sa pinto ng room, "I already find the spark to you― just a spark."
Natutop sa kaniyang upuan si Amaris dahil sa narinig. Hindi siya makapaniwala na ang lalaking katabi niya ay ganoon din pala kaloko. He hates playing around especially kung pinaglalaruan din siya. Besides, he's not interested to have flings because he only attracted to girls.
"Kung wala kang matinong magawa sa buhay mo, tirintasin mo ang kapal ng kilay mo," pagtataas nito ng boses, bago umalis sa kanilang block.
Pinili na lang ni Amaris bumalik sa old library na pinanggalingan niya kanina. Mas alam niyang panatag ang kaniyang kalooban kapag nandoon siya pumupunta. Besides, they will only meet their teachers to give their class cards. Hindi pa naman magsisimula ang klase. At saka, hindi rin iyon ikababawas sa grades niya.
"Amaris, saan ka pupunta?" napalingon siya sa boses ng nagtanong. "Bakit lukot 'yang pagmumukha mo?" dagdag pa nito, may halong pagtataka sa boses.
Lumingon siya. "Ikaw lang pala. Ah, pupunta lang ako ng old library. Wala pa naman kaming klase," sagot ni Amaris.

BINABASA MO ANG
Hindi Tugma
Teen FictionIsa lang ang hinangad ni Amaris Redeo pagtuntong niya sa kolehiyo. Gusto niyang maging isang magaling na guro. Subalit hindi nakitugma ang kapalaran sa kaniya na maging simpleng estudyante siya. Nakilala niya ang isang sikat na lalaki na nag-aaral...