Kabanata XXV

1 0 0
                                    

/ Kabanata XXV /


"Kabaliwan."

Kinalas ni Amaris ang malaking kadena sa gate. Pagkabukas nito ay bumalandra sa kaniyang harapan ang nakahalerang mga kapwa niya mag-aaral. Nakangiti silang binungad niya. Napukaw naman ang atensiyon ni Amaris nang makita ang babaeng kaniyang hinahanap.

Kinawayan siya ng kaniyang kaibigan sa kabilang dulo ng pool.

"Amaris! Dali!" tawag sa kaniya.

Hindi na niya pinansin ang medyo weird na tingin sa kaniya ng mga estudyante. Pero laking gulat niya ng may lumapit sa kaniya na lalaking naka-blue polo shirt.

"Ano 'to?" nagtataka niyang tanong.

Iniabot sa kaniya ng lalaki ang isang susi na may naka-engrave pang pangalan niya. Makikitang naguguluhan talaga si Amaris sa mga nangyayari.

"Hoy! Para saan 'to?" tanong ulit niya.

Hindi naman siya pinansin ng lalaki. Umalis lang ito pagkatapos niyang maabot sa kaniya ang susi. Nagpatuloy siyang naglakad papunta sa direksiyon ng mga kaibigan. Kaya nga lang, napapahinto siya dahil panay abot sa kaniya ng mga nakakasalubong niyang estudyante ang mga susi. Sa dami ng hawak niya ay nailagay na niya ito sa kanyang t-shirt.

"Anong pakulo na naman ito, Cleo," tanong niya sa kaibigan, hindi gaano kalakas dahil malayo pa siya sa kinatatayuan nito.

Alam niya na pinagtri-tripan lang siya ng kaibigan. Nakaramdam siya ng inis dahil sa ginawa ni Cleo sa kaniya. Kung alam sana niya ay hindi na lang siya nagpunta ng campus muna.

Nakangiti na para bang inaaasar na nakatingin si Cleo. Tinatapunan naman ni Amaris ng masamang tingin ito. Nasa isip niya na babatukan niya talaga si Cleo sa kalokohan nito.

Nang ilang hakbang na lamang ang layo niya kay Cleo ay biglang lumitaw ang limang pamilyar na mukha. Hindi kasi napansin ni Amaris ang mga ito dahil sa patuloy na pag-abot ng mga susi. Ngayon ay klarong nakikita niya ang kasama ni Cleo.

Tumatakbong lumapit sa kaniya si Janea. Kaagad siyang niyakap nito. "Amaris, I'm so happy for you," kinikilig nitong sabi, habang nakayakap pa rin sa kaniya.

"H-huh? Why?" tanong nito.

"Hopia. Tama na 'yan. Ang tagal mo nang niyayakap ang jowa ko. Pwedeng ako naman?" singgit ni Erzhian, ikinalas silang dalawa.

"Defensive," tugon ni Amaris. "Ano ba talaga ang nangyayari, huh?"

"Kami nga dapat ang magtanong sa'yo niyan. Bakit ngayon lang namin nalaman?"

"Ang alin?"

"Sus. Oh, pinabibigay sa'yo." Iniabot na lang ni Erzhian ang susi na hawak niya kay Amaris. Naka-imprinta rin sa susi ang pangalan niya.

"Ang yakap ko nasaan na?" bwelta pa ng kaibigan.

Inakap naman siya ni Amaris bilanng simbolo ng pasasalamat. "Masayang-masaya kami para sa'yo," bulong ng kaibigan sa kaniya.

Tsaka lamang nagkaroon ng ideya si Amaris kung ano nga ba talaga ang nangyayari. Hindi lang siya kumibo at hinayaan ang nangyayari. Hindi na rin niya pansin ang mga kapwa niya estudyante sa pool na nakatingin sa kanila.

"Thanks. Hindi mo nga talaga ako binigo. Kung hindi yari ako sa amo namin," biro ni Atticus nang iabot ang susi na hawak nito.

Bahagyang natawa lang si Amaris. "Loko ka talaga," saad nito.

"Congratulations, Amaris," bati naman nina Don at Asher.

"Thank you sa effort, huh," pasasalamat niya.

Hindi TugmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon