Kabanata XX

8 0 0
                                    

/ Kabanata XX /

Maraming tumatakbo sa isip ni Amaris habang naglalakad siya pauwi. Bitbit niya ang kwaderno na inagaw sa kaniya ni Ryker kanina. Lutang na lutang ang kaniyang isipan habang siya'y naglalakad. Hindi na nga rin niya namalayan na nakabanggaan niya ang isang babae.

"Ano ba't kasi-"

"Sorry," mabilis na paumanhin ni Amaris, nakayukong nagsalita sa nabangga.

Nasa tapat na siya ng botika. Hindi niya alam kung saan siya papunta ngayon.

"A-Amaris? Saan ka nanggaling? Bakit ka umiiyak?"

Napatingala si Amaris nang mabosesan ang nagsalita. Kaharap niya ngayon si Cleo na biglang nabalutan ng pag-aalala.

"Napaano ka?" tanong pa ng kaibigan.

"W-wala."

"Amaris? Kilala kita," hinawakan ni Cleo ang kaniyang kamay, "kahit nga araw nang pagtuli sa'yo alam na alam ko. Kaya wala kang maitatago sa akin," may biro pa nitong sabi. "Hintayin mo 'ko rito at may bibilhin lang ako, okay?"

Nagmadaling pumasok sa botika si Cleo para bilhin ang gamot na iniutos sa kanya. Ilang minuto rin bago ito nakalabas. Hindi naman umalis si Amaris sa kaniyang pwesto hanggang sa makalabas si Cleo.

Sinabayan si Amaris ng kaibigan na maglakad pauwi sa kanila. Hindi rin naman kalayuan ang bahay nila Cleo at ang sa kanila ni Amaris.

"Uyyy, isaw!" turo ni Cleo, nang makita ang paborito ni Amaris. "Ilan sa'yo?" tanong nito sa walang-imik na kaibigan.

"I'm not in the mood to eat."

"Asus. Manong sampung isaw at dugo nga po," sabi ni Cleo sa nagbebenta. "You need to tell me everything later, ha? Oh! English 'yon!"

Hindi umimik si Amaris. Parang wala siyang gana na sakayan ang mga hirit na biro ni Cleo.

Naghintay sila ng ilang minuto bago naihaw ang order ni Cleo na isaw at dugo. Iniabot ni Cleo kay Amaris ang limang dugo at isaw. Kinuha naman ito ng binata.

Nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang sa nakalagpas na sila sa bahay ni Cleo. Matatanaw na rin ang bahay nila Amaris sa 'di kalayuan. Nagpasya munang magpahinga ni Cleo sa tabi ng kalsada at sumunod na lang si Amaris. Nakaupo sila sa gilid, habang busy sa kinakain si Cleo.

"Himala, wala kang gana kainin 'yang binili ko? No worries, hindi kita sisingilin. Libre ko na iyan para sa 'yo. Kaya kainin mo na 'yan, agi," may pagbibiro ulit na sabi ni Cleo.

Napangiti ng bahagya si Amaris.

"Hayun at ngumiti ka rin kahit papaano. Bakit ka nga ba umiiyak kanina? Saan ka rin nanggaling at gabi ka na nakauwi?"

Kaunting katahimikan ang namayani. "Nagpahangin lang," maikling sagot ni Amaris.

"Ganoon kalayo sa bahay niyo? Nagpahangin lang? Haler? Buang ka ba? Pwede naman magpahangin sa loob ng bahay niyo. Hindi naman sira ang electric fan niyo pagpunta ko last time, hindi ba?"

"Kailan ka kaya matututong magseryoso sa usapan?" may inis sa boses nito.

"Sorry na. Ito naman masyadong high blood. May dalaw ka ba? Char."

Pinantirikan lang siya ng mata ni Amaris. "Nagkita kami kanina," putol niya sa usapan nila.

"Nino?"

"Nagkita kami ni Ryker."

"What?! Seryoso? For real? O to the M to the G! Paano siya nakarating ditto, eh, ang layo-layo ng bahay no'n?"

"Yes," sabat ni Amaris, "but his safe place is here."

Hindi TugmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon