KABANATA XXIII

7 0 0
                                        

/ Kabanata XXIII /

"That's enough, Ryker," pagpuputol ni Amaris sa sasabihin pa ni Ryker. Tumingin muli si Amaris sa ina nito, "Nay, huminahon po muna kayo."

"Ipaglalaban ko po siya," muling singgit ni Ryker sa usapan, hindi niya matimpi ang kaniyang sasabihin, "wala akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao dahil lang po doon."

Napatingin ng deretso si Amaris at ang ina nito kay Ryker. "Alam kong 'yan ang isasagot mo, iho. Pero pasensiya ka na kung hindi kita mapagbibigyan sa hiling mo. Masyado pa kayong bata para sa mga ganyan."

Napayuko lang si Amaris mula sa kaniyang narinig. "Handa ko po kayong sawayin. Kung alam kong 'yan lang po ang makahahadlang sa pagmamahal ko para sa anak niyo. I will fight for him."

"Sa ngayon pa lang nga, ipinapakita mo na sa akin kung bakit hindi kita dapat payagan na ligawan ang anak ko. Hindi mo na nga kayang galangin ang desisyon ko ngayon pa lang, paano pa kung payagan kita? Sorry, iho. Maaari na kayong umalis. Pasensiya na ulit."

Napatayo si Amaris sa kaniyang pwesto. Lumapit siya sa kaniyang ina at hinaplos ito. Sinusubukan pa rin niyang pakalmahin ang kaniyang ina.

"Ryker, mag-uusap lang kami ni nanay. Madame Verity, pasensiya na po. Kung pwede po sana ay iwan niyo na lang muna kami ni nanay dito." Napalingon din siya kay Ryker, "sige na," usal niya sa lalaki.

"Sorry po, tita. But I really love your son. Ipaglalaban ko po ang nararamdaman ko para sa kaniya."

"Ryker, galangin mo naman ang nanay ko!" Hindi na napigilan ni Amaris na pagtaasan ng boses si Ryker. Masyado lang itong nadala dahil sa katigasan ng ulo ng lalaki.

"Anak."

Natawa na lang bigla si Verity. Kaya malaking katanungan ang rumihestro sa mukha ni Amaris at ang bunsong kapatid na si Ryker. "Hey, my silly little brother. You're so cute, when you're in love. Damulag ka na nga talaga," asar nito, patuloy pa rin sa pagtawa. "And you, kiddo. Ang se-seryoso niyo naman."

"We're serious here, ate. There's no point to laugh," giit ni Ryker.

"Anak, 'wag kang mag-alala hindi naman talaga ako galit."

"Nay, ano po bang nangyayari? Kanina galit ka, pero ngayon tumatawa ka na," pagtatanong naman ni Amaris sa ina, nang makitang nakangiti rin ito.

"Magaling na ba akong mag-acting, anak?"

"Huh? Ano po ba talaga ang nangyayari, nay?"

"Kasabwat ko kasi ang nanay mo, Amaris. Sorry," nakangiting sabi ni Verity.

"Akala ko po tayong dalawa ang magkasabwat?"

"Sorry, Amaris. I need to change my plan immediately."

"Ano na naman bang pumasok sa utak mo, ate?" pabulong na tanong ni Ryker, may halong pagbabanta sa boses. "So, may balak din pala kayo ng ate ko, Amaris?"

"Ang sabi niya lang, hahayaan muna kitang magpaliwanag. Hindi ko alam na ganito pala ang plano niya," paliwanag ni Amaris kay Ryker.

"We just want to know if you are really serious with your feelings towards Amaris. I knew you since then, silly boy. At least, we found out that you are really willing to fight for him. So, I am convinced na in love ka nga talaga sa kaniya," paliwanag ni Verity.

"You've fooled me again."

"Pasensiya ka na, iho. Napag-utusan lang din ako ng kapatid mo. Pero, wala naman akong problema kung nagkakagusto ka sa anak ko. Nasa kaniya pa rin ang desisyon dahil nandito lang ako para suportahan siya," tugon naman ng ina ni Amaris.

Hindi TugmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon