Kabanata VIII

22 0 0
                                        

/ Kabanata VIII /

"Bilisan niyo! Gamutin niyo siya!" umiiyak na utos ni Ryker.

Kaagad na isinugod sa ospital si Amaris dahil sa malubhang kalagayan nito. Halos magwala si Ryker nang makita ang nakakaawang kalagayan ng binata. Hindi naman mapagilang humagulgol ng ina ni Amaris at Cleo nang makita ang lagay ni Amaris, habang minamadali itong ipasok sa emergency room.

"Gamutin niyo po ang anak ko! Parang awa niyo na!" umiiyak na pakiusap ng ginang sa mga naka-uniporme sa ospital.

"Opo, Ma'am. Hanggang dito na lang po muna kayo," pakiusap ng nurse na nag a-assist.

"Tita, hanggang dito lang po tayo. Dito na lang po tayo maghintay," pagpigil ni Cleo sa ina ng kaibigan.

Hindi na nagmatigas ang ina ni Amaris at nagpaiwan sa labas ng Emergency Room. Nandoon din sila Milio at Ryker na tahimik nang pinagmamasdan ang ina ni Amaris. Patuloy pa rin ito sa pag-iyak dahil sa sinapit ng anak. Wala pang nakakaalam kung ano na ang kalagayan ni Amaris. Puno kasi siya ng pasa at dugo sa mukha. Marami ring sugat sa buo niyang katawan.

Hindi mapatawad ni Ryker ang sarili nang makita si Amaris sa ganoong estado. Sinisisi nito ang sarili na hindi man lang nabantayan si Amaris sa mga oras na iyon. Nararamdaman niya na parang wala siyang kwentang tao. Hindi man lang niya nailigtas kaagad ang binata kahit iyon lang ang paraan para makabawi siya sa kaniya.

"We need to find him," ma-awtoridad na sabi ni Ryker.

Napadako ang tingin ni Milio sa kaibigan. "W-who?"

"That bastard!" Napakuyom ng kamao ang binata dala ng galit.

Tumayo siya. Iniwan ang kaibigan habang dere-deretsong naglakad palayo. Hinabol siya ng kaibigan at sinundan kung saan pupunta. Lumabas ito ng ospital at nagmamadaling nagtungo kung saan nakaparada ang kanyang sasakyan. Ramdam sa kaniyang boses ang galit at sakit dahil sa nangyari.

Sumakay siya sa kaniyang sasakyan. Wala na ring nagawa si Milio kung hindi ang sumama. Hindi na sila nagsayang ng oras at kaagad na bumalik sa campus. Pagkarating nila roon ay kakatapos lamang ng last set sa swimming kaya maraming tao ang nagsisilabasan na sa pool area.

Wala sa sarili na nilalakad ni Ryker ang daan papasok sa pool area. Hindi rin nito sinasadyang makabunggo ang ilang estudyante. Ang ilan ay naging masaya pa dahil nakabanggaan nila ang binata. Si Milio naman ay panay ang hingi ng sorry sa nakakabangga ng kaibigan. Patuloy pa rin niyang sinusundan ito kung saan pupunta.

"S-Saan ka ba pupunta?" Hindi na napigilan ni Milio ang magtanong. Panay pa rin ang paghahabol niya sa mabilis na paglalakad ni Ryker.

"You've just said na baka may kinalaman ang kumag na 'yon, 'di ba? We have to give him a lesson he deserves," bakas pa rin ang galit sa boses nito.

"B-baka wala naman siyang kinalaman-"

"Walang akong pakialam kung siya ang may gawa o hindi. May kasalanan pa rin siya kung bakit nasaktan si Amaris," usal nito, patuloy pa rin sa paglalakad, "walang sinuman ang dapat makapanakit sa mga taong mahalaga sa 'kin, Milio!"

"Ryker, marami sila at baka-"

"Wala akong pakialam!" putol nito.

Hindi na napigilan ni Milio si Ryker dahil nababalot na ito ng galit. Nagtungo sila sa comfort room ng mga lalaki. Alam niyang nandoon pa rin ang grupo nila Reymar. Hindi pa sila nakakalabas malamang dahil nagpapalit pa.

Kalahok din kasi sila ng kanilang department. Kaya tiyak niya na nagbibihis pa ito kasama ang kaniyang mga kaibigan.

Napahinto sila sa labas ng pinto nang marinig nila ang nag-uusap sa loob. "May pulis at ambulansiya raw dito na nagpunta kanina, pre," dinig nila na pagkakasabi ng isang lalaki.

Hindi TugmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon