/ Kabanata VII /
Nalibot na nina Milio at Ryker ang buong campus, ngunit hindi nila mahagilap si Amaris. Bakas na rin ang pagod sa kanilang mga mukha. Tumatagaktak na ang kanilang pawis sa kaliwa't kanang katatakbo.
"What is happening, Ryker, Milio?"
Napalingon sila sa nagsalita. It's Mr. Aldrine Gabayas, one of their professors, who gave them a what-is-wrong look. Nagkatinginan muna sila Ryker at Milio. Nagtatanungan kung sino ang sasagot sa kanilang propesor. Sinagot ni Milio ang gurong kanina pa naghihintay sa kanilang sagot.
"We have a problem, prof," habol-hiningang sagot ni Milio. "One of our freshmen is missing."
"Who?!" biglang tanong ng propesor.
"Mr. Amaris Redeo from 1-A," kaagad na sagot naman ni Ryker.
"And you are?... Oh! You are from the College of Engineering, right?"
"Yes, Prof. Sa Engineering Department siya. Pero, we need to first search for Amaris, prof," singgit ni Milio.
"Paano niyo naman nalaman na nawawala siya?"
"Instead of asking us why, can you just use your authority to help us look for that guy?" inip na nasagot ni Ryker.
"Ryker, professor namin ang kausap mo," pagpapaalala ni Milio sa kaibigan.
"I'm sorry." Humingi naman ng tawad ang binate sa propesor. "Nadala lang po ako."
"Okay, tatawagan ko ang guards para tulungan kayo. Tawagan mo 'ko Milio kung may balita ka na sa kaibigan mong nawawala, and I'll do the same."
"Opo, Prof."
Iniwan sila ng guro na dumeretso sa guard house. Bumalik naman sina Milio at Ryker sa pool area para balitaan si Cleo na hindi pa nila nahanap ang kaibigan. Subalit napahinto sila ng may nakasalubong na tatlong lalaki.
"Mukhang pagod na pagod yata kayo, ha. Ano bang nangyayari? May running events pa rin ba sa field?" pilosopong tanong ng isang lalaki, suot ang t-shirt ng College of Education.
"I know you," sabi ni Milio, tinutukoy ang lalaki. "Hindi ba ikaw ang nambastos kay Amaris sa library?"
"Paano mo naman nasabi? Anong pruweba mo, part?"
"I have pictures!"
"Saan? Sa isip mo? Wala kaming oras para sa kahibangan mo, part," sagot ng kausap.
"I am still your senior, bata. Kaya wala kang karapatan na bastusin ako ng ganyan."
"Wala akong pakialam kung sinong senior citizen ka man, part!" diin na sambit ng lalaki. "Tara," anyaya nito sa mga kasamang kaibigan.
Tinabig ng siko ng lalaki si Milio nang maglakad ito sa gitna nila ni Ryker. Hindi naman nakapagpigil si Ryker at hinawakan ito sa balikat para pigilin. Mabilis niyang pinatamaan ng suntok ang lalaki. Agad naman na gumanti ang kasama ng lalaki kay Ryker, kaya napasabak na rin sa suntukan si Milio.
Nagkainitan ang dalawang grupo. Ilang minuto din ang nagtagal bago sila maawat ng kararating lang na guwardya. Mabilis silang pinaghiwalay at nagtamo naman ng pasa ang nakasuntukan ni Ryker.
"Ano bang problema mo, part?!" galit na tanong ng lalaki, nang humupa ang tension.
"Anong problema ko? 'Yong utak mong ugok ka nilagay mo sa bibig mo," sagot ni Ryker.
"F*ck you!" galit na sabi ng lalaki.
Ngumiti lang si Ryker sabay sabing, "F*ck yourself, asshole!"
"Magkikita pa tayo! Hindi kita papatulan ngayon! Isa ka pang bakulaw ka!" tukoy nito kay Milio at Ryker.

BINABASA MO ANG
Hindi Tugma
Roman pour AdolescentsIsa lang ang hinangad ni Amaris Redeo pagtuntong niya sa kolehiyo. Gusto niyang maging isang magaling na guro. Subalit hindi nakitugma ang kapalaran sa kaniya na maging simpleng estudyante siya. Nakilala niya ang isang sikat na lalaki na nag-aaral...