/ Kabanata V /
Binungad ng magulong seniors ang loob ng library. Doon pinili ni Amaris magpunta para makapag-isip ng maayos. For regular students like him, tuloy pa rin ang klase nila bago ang Sportsfest. Wala naman siyang sinasalihan kaya kailangan niyang pumasok sa klase. Besides, anim na lang silang magkaklase ang pumapasok dahil ang iba ay mga kalahok at may iba't-ibang patimpalak na sinalihan. Gayunpaman, mas pinili na lang niya munang lumiban sa isang subject.
"Hi!" bati sa kaniya ng isang lalaki. Tumigil ito sa lamesa kung saan siya nakaupo.
"Yes?" walang emosyong sagot niya, habang nagbabasa ng libro.
"Can I take a sit here? Wala na kasing bakanteng mesa."
"Hindi naman sa akin ang mesang 'to. Wala sa akin ang tamang desisyon para payagan kita. It means, pwede kang umupo," pagsusungit niya.
"Thank you."
Hindi nagtagal ang salitan ng kanilang mga salita. Tila wala namang balak si Amaris na kilalanin ang umupo sa harap niya.
"I'm Reymar Grinfford, Rey for short," pagpapakilala ng lalaki.
"I know you. Ikaw 'di ba yung full of confidence kong blockmate? So, you don't need to introduce your name."
"Pasensiya ka na kung na-offend kita no'ng una tayong nagkita. I didn't mean it."
"It's okay. Ganoon naman talaga kapag mayaman at pinagkakaguluhan ng marami. You have the audacity to belittle someone below your level, right?"
"No- I mean, seryoso naman ako sa sinabi ko."
"Really? Seryoso ka saan? That you have a crush on me? Haha... are you an idiot? Hibang ka ba?" natatawang sagot ni Amaris. "No, I won't like you. I like girls not someone like you, okay?"
"Aminin mo na kasing hindi ka straight!" pagpupumilit ng lalaki.
"Kung aaminin ba ako, titigil ka ba?"
"No!"
"See, there's no point to tell you who I am and what really my gender is. I know for myself that I am a man and I only had a crush to girls. Kung nakiupo ka rito para bastusin o guluhin ako, Please, marami pa akong gagawin."
"Tandaan mo 'to. Hindi ako titigil hangga't hindi ko mapapatunayan na gusto mo 'ko," bulong nito, "I'm sure, magiging akin ka rin," nakangiti pa nitong usal.
"Break a leg," pang-aasar naman ni Amaris.
Hindi na nakapagtimpi ang lalaki at bigla na lang hinablot ang kwelyo ni Amaris. Napatayo si Amaris sa kaniyang kinauupan dahil sa ginawa ni Reymar. Naglapat ang kanilang mga labi na siya namang kinabigla ng mga estudyante sa loob ng library.
"Tarantado ka, ha!" galit na saad ni Amaris, sabay sinuntok si Reymar.
Napaatras si Reymar nang masuntok ito sa mukha. Nagkaroon ng konting dugo naman kaagad ang bibig nito. "Gusto mo rin naman 'yan, hindi ba?! Bakit ba ang arte mo?!"
"Nag-aral ako rito hindi para magpabastos. Kaya galangin mo ako bilang mag-aaral ditto, dahil hindi ako bastos na kagaya mo. Mahiya ka naman tarantado ka!" sumbat ni Amaris.
Umiiyak na lumabas si Amaris sa library. Hindi niya inasahan na ganoon siya kalala tatatruhin ng isa nitong kaklase.
"What is happening here?" tanong naman ng kararating na librarian.
"None, Ms. Librarian. May konting 'di pagkakaintindihan lang," pagsisinunggaling ng isa sa mga seniors na nakakita ng nangyari.
"Thanks,"sabi ni Reymar sa nagtakip ng pangyayari, bago nilisan ang library.

BINABASA MO ANG
Hindi Tugma
Teen FictionIsa lang ang hinangad ni Amaris Redeo pagtuntong niya sa kolehiyo. Gusto niyang maging isang magaling na guro. Subalit hindi nakitugma ang kapalaran sa kaniya na maging simpleng estudyante siya. Nakilala niya ang isang sikat na lalaki na nag-aaral...