Kabanata XXVI

3 0 0
                                    

KABANATA XXVI

"Ano ang ibig sabihin nang nalaman kong may kasintahan kang bakla, Ryker?" galit na tanong ni Don Hanson kay Ryker.

"Who's that guy, iho?" may kuryosong tanong naman ng kaniyang mommy.

"He's Amaris, mom. He-he's my boyfriend."

"Boyfriend?!" napataas ng boses ang kaniyang daddy, "nahihibang ka ba, Ryker? Hindi ka ba nandidiri sa mga pinagsasabi mo?!" galit nag alit na sabi pa nito. "You're a Levious! But you're acting like you're not!"

"If loving a man is a sin for being a Levious, dad... maybe, it's better to carry other surname than to be a Levious, isn't it?"

"Are you disobeying me, huh, little brat?!"

"No, dad. I'm just stating the fact that I'm in love to Amaris. At wala kang karapatan na baguhin kung sino ang dapat kong mahalin."

Lumapit sa kaniya ang kaniyang mommy. Hinaplos siya nito sa kaniyang likuran, "Iho, gusto lang namin ng daady mo na maging maganda ang iyong kinabukasan. Hindi namin nakikita sa lalaking iyan ang ginhawa na gusto namin ng Daddy mo para sa'yo. He's too young and innocent. Mukhang walang alam sa mga bagay na mayroon tayo. He has a poor life. You don't deserve to be with him, Iho," paliwanag ng kaniyang mommy.

Ryker smiled sarcastically; offended expression registered on his face. "I-Is that how you see Amaris, mom? Poor? Young? Walang alam? Siguro kaya niyo 'yan nasasabi dahil wala kayong alam tungkol kay Amaris, noh?"

"Hindi sa ganoon, Iho. I'm just saying na mas maraming tao na mas bagay sa'yo. 'Yong desente at tunay na babae. Ayaw ka lang namin ng Daddy mo mapunta sa taong kapareho mo. Si Mirielle... she's waiting for you to court her again. Ligawan mo ulit siya. Huwag mong sayangin ang oras mo sa taong hindi mo mapapakinabangan."

"Mom, naririnig niyo ba ang mga pinagsasabi niyo? You're acting like a homophobic, mom. Ayaw niyo kay Amaris dahil lalaki siya? If that's the case, I don't want to be part of this homophobic family!"

"You faggot!"

Hindi na nakaiwas si Ryker nang tumama sa kanyang mukha ang kamao ng kaniyang ama. Nagdulot ito ng kaunting dugo sa kaniyang bibig. Ngunit hindi niya ininda ito at inayos ang nagusot na damit.

"I'm sorry for disrespecting you, mom, dad. You're my parents and I owe you a lot. Sana masuportahan niyo naman ako sa taong pinipili ng puso ko. Ayaw ko nang makulong sa mga kamay niyo," tumingin siya sa direksyon ng ama, "nasunod ko na ang mga gusto niyo, dad. Ngayon, susundin ko naman kung ano ang gusto ko. Excuse me."

"Where are you going, brat?!"

Kaagad tinalikuran ni Ryker ang kaniyang mommy at daddy. Hindi na niya nilingon pa ang mga ito. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad palabas ng kanilang kompanya. Pagkabukas ng elevator sa ground floor ay isang pamilyar na babae ang tumambad sa kaniyang harapan.

"Ryker..."

Galit nag alit niya itong tinapunan ng tinging. "Kung ano man ang pinunta mo rito, sana wala 'tong kinalaman kay Amaris. Hindi mo alam ang kaya kong gawin, Mirielle."

Binangga ni Ryker si Mirielle pagkalabas nito ng elevator. Naging sentro sila ng atensyon ng matumba ang dalaga sa sahig. Ngunit hindi ito tinulungan ni Ryker at dere-deretsong naglakad palabas ng building.

"Ryker!"

*****

Ilang araw ng nakauwi galing sa ospital si Amaris. Hindi muna siya pinayagang sumali sa kanilang practice para sa darating na commencement exercises. Pinayuhan muna siyang magpahinga sa kanilang bahay. Masyadong komplikado ang kaniyang karamdaman kapag pinilit niya ang kaniyang sarili.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 01, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hindi TugmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon