/ Kabanata XVIII /
Ilang oras nang naghihintay si Cleo sa pagdating ng malapit na kaibigan. Nakatayo siya sa harap ng isang kilalang mini-stop habang kausap ang kaibigan sa cell phone. Halatang naiinip na rin si Cleo sa kahihintay dahil sa matinding init ng panahon. Tagaktak na ang pawis sa kaniyang mukha na naging dahilan nang pagtanggal ng kaniyang inilagay na pulbo.
"Nasaan ka na ba?" naiinip niyang tanong.
"I'm on my way, just wait for more five minutes," sabat ng kausap.
"Ikaw talaga! Kung hindi ka lang anak ng mayaman iniwan na kita. Kanina pa ang five minutes na 'yan, eh," reklamo ni Cleo sa kausap.
Nakapamewang na si Cleo sa sobrang pagkainip. Paglingon nito sa kaniyang likuran ay nakangiti sa kaniya ang isang babae na may kausap rin sa telepono. Ibinaba ni Cleo ang kaniyang cell phone habang magkadikit na ang kaniyang mga kilay.
"It seems that you're not excited to see me," the girl said, smiling to Cleo. "It has been a while!" she said, giving a hug to her friend.
"Ewan ko sa'yong babae ka. Don't English me because I'm Filipino ha!"
"Okay. I'm so sorry-"
"Oopsss, anong sabi ko ngayon lang?"
"I mean, pasensiya ka na dahil pinaghintay kita," paumanhin ng kausap. "Saan ba tayo sasakay?" napatanong niya.
"Hoy, babae mukhang ibinilad sa gatas! Sa yaman mong 'yan 'di ka nagdala ng sasakyan?"
"Nagpahatid lang ako sa driver namin."
"Hayun naman pala. Sana hindi na ako naghintay sa'yo, noh. Akala ko pa naman makakasinghot na naman ako ng aircon ng sasakyan mo."
Natawa ang kaibigan. "Don't worry, I'll bring my car next time."
"Shhhhh..." biglang pagpapatahimik ni Cleo sa kausap.
"Is there any problem?"
"Oo, anak ng mayaman," napakamot-ulong sagot ni Cleo.
"What is it?"
"Ang pagiging palakang Englishera mo! Hay naku! Dudugo lang ilong ko sa tuwing kausap kita. Kaya nga si Amaris lang gusto kong kaibigan, eh."
"Sorry na kasi. Hindi lang ako nasanay talaga," may tono pa sa kaniyang pagkakasabi.
"Biro lang. Ang totoo kasi niyan wala akong pera pamasahe."
Napahalakhak na nga ng tuluyan ang kausap. "I knew it. Ako ng bahala sa-"
"Alam ko naman. Halika ka na baka maubusan tayo ng karne do'n." Sabay nitong hinatak ang kaibigan at tumawid sa kalsada kung saan nag-aabang ang jeep patungo sa kanila ni Amaris.
*****
Ryker has sent you a message.
BINABASA MO ANG
Hindi Tugma
Genç KurguIsa lang ang hinangad ni Amaris Redeo pagtuntong niya sa kolehiyo. Gusto niyang maging isang magaling na guro. Subalit hindi nakitugma ang kapalaran sa kaniya na maging simpleng estudyante siya. Nakilala niya ang isang sikat na lalaki na nag-aaral...