Kabanata VI

17 0 0
                                    

/ Kabanata VI /

"Nakita mo ba si Amaris?" natatarantang tanong ni Cleo kay Milio.

"Hindi- teka, b-bakit ano bang nangyari?" nagtatakang tanong ni Milio.

"Kanina pa siya nandito sa campus sabi ni tita sa 'kin. Pero hindi ko pa rin siya nakikita," balisang sagot ni Cleo sa kausap.

"Baka nasa library lang. O sa swimming pool area."

"Paano? Opening ng Sportsfest kaya ngayon. Imposible naman 'yang sinasabi."

Nasa gymnasium na ang lahat ng education students para sa huling announcement ng kanilang Dean. Bubuksan na ang ika-45 taon ng SportsFest ngayon araw. Subalit, hindi pa rin mahagilap ni Cleo ang anino ng kaniyang kaibigan. Sinundo niya kasi kanina si Amaris sa kanilang bahay, pero sabi sa kaniya ng ina nito ay maaga siyang umalis papuntang campus. Magsisimula ang buong event sa hapon. Ngayong alas-dies ng umaga naman magsisimula ang opening program. It's already nine in the morning pero wala pa si Amaris sa campus.

Malakas ang kutob ni Cleo na baka may masamang nangyari sa kaibigan. Kakambal pa naman ng gulo si Amaris kaya mas lalo siyang kinutuban. Kakarating niya lang din sa campus kaya ganoon na lang siya kabalisa. Lahat ay dapat nasa loob na ng kanilang gymnasium, kaya imposibleng wala si Amaris. Hinanap niya ito at nagtanong-tanong sa kanilang mga kaklase, subalit hindi rin nila ito nakita.

"Tatawagan na lang kita kapag nakita ko siya. Kailangan ko na kasing pumunta backstage. Magsisimula na mayamaya ang opening program," paalam ni Milio.

"S-sige, salamat."

Isa sa department officers ng kanilang departamento si Milio. Kaya masyado itong busy simula pa noong nakaraang linggo. Hindi na rin ito nakakasama sa kanila Cleo, kaya hindi niya siguro napansin si Amaris.

"Janea!" tawag nito nang makita ang kaibigan, kausap ang ilan sa mga estudyante.

"Oh, bakit parang praning ka diyan?" tanong ng kaibigan nang lumapit ito.

"Nawawala si Amaris!" sabi niya.

"Huh? P-paano? Nakita ko pa siya kanina, ha."

"Really? Bakit wala siya rito ngayon? Dapat nandito lang 'yon!"

"Baka lumabas lang at may binili? Hintayin mo na lang kaya. Para ka na kasi diyang baliw."

"Anong nangyayari?" Mya biglang nagtanong sa likuran ni Cleo.

"'Yan na pala siya, eh," tukoy ni Janea sa nagsalita.

"Amaris!" Mabilis na niyakap ni Cleo ang kaibigan.

"B-bakit? Ano bang mayroon?" nagtatakang tanong nito.

"A-akala ko kasi nawala ka! Nabalitaan ko kasi ang nangyari no'ng Friday. Natakot lang ako baka ginulo ka na naman ng kumag na 'yon," nababahalang litanya ng kaibigan.

Napangiti si Amaris. "They can't do it to me, okay? Baliw ka ba? I can protect myself," paggulo kaagad ni Amaris sa buhok ni Cleo.

"O siya, maiwan ko na kayo, kasi kailangan ko pang mag-interview, okay? Anyway, Anais assignment mo 'yong swimming event mamaya, ha. See you around," pagpapaalam naman ng kaibigang si Janea.

Tumango lang si Cleo bilang sagot.

"Ikaw talaga pinakaba mo 'ko!"

"Ganyan mo ba talaga ako kamahal? Naku! Wala ka lang kasama sa event kaya mo 'ko hinahanap, ano?" pagbibiro ni Amaris.

"Oo, ano? Happy ka na?" pagsusungit ng kaibigan.

"Noong Friday, wala 'yon. Bastos lang talaga ang kaklase natin. Ang bilis din pala kumalat ng chismis sa campus, no? Sa tuwing ako 'yong issue, sobrang bilis. Nang nakilala ko si Appolirio, nakaaway ko si Ryker, at nakagitgitan ko si Reymar, parang kakainin ako ng mga estudyante. Hindi ko ba rights na ipagtanggol ang sarili ko?"

Hindi TugmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon