Kabanata XXI

9 0 0
                                        

/ Kabanata XXI /

Hindi pa sumisinag ang araw ngunit nakaabang na si Ryker sa main gate ng kanilang unbersidad. Maaga niyang hinintay ang pagdating ni Amaris. May ilang estudyante na dumarating na rin na siya namang nakapansin sa kaniya. Hindi sila makapaniwala na ang isang Ryker Levious ay himalang umaga pa lang ay nasa campus na.

"Oh, bro! Hanep ang aga mo ngayon, huh?" may halong gulat na sabi ni Asher sa kaniya. "Mamaya pa naman ang klase natin, 'di ba?"

Tiningnan lang siya ni Ryker. "And you? What make you early?"

"Training," sagot ni Asher. "Calm down, bro. Ang aga pa para maging beast mode ka kaagad," biro pa ng kaibigan.

Hindi siya pinansin ni Ryker.

"O siya, bro. Mauna na ako sa'yo. Kung sino man 'yang Amaris... este ang hinihintay mo diyan, sana dumating kaagad. Baka abutan ka ng sikat ng araw diyan," pagpapaalam ng kaniyang kaibigan.

Pumasok na si Asher sa campus at naiwan na nakatayo pa rin si Ryker. Naabutan din siya ni Atticus sa labas ng gate at binati lang ito.

Nakalipas na ang isang oras ngunit wala pa rin si Amaris. Alam niya na maaga itong pumapasok kahit na hapon pa ang klase nito. Alas siete na at nagbabadya nang magpakitang gilas ang araw. Hindi pa rin siya umaalis kahit na nasisikatan na siya.

"Nasaan ka na ba?" napatanong niya sa kaniyang sarili.

Ilang oras pa ang lumipas, ngunit hindi pa rin niya nakikita ang bulto ni Amaris. Napaupo na siya sa tabi ng pader na humaharang sa unibersidad. Marami ring estudyante ang nakakakita sa kaniya. Subalit wala siyang pakialam sa mga ito. Si Amaris lang ang gusto niyang makita ngayon. Hindi pa rin siya naiinip sa kahihintay kahit na lumipas na ang dalawang oras. Pawisan na rin siya dala ng mainit na panahon. Hindi pa rin siya umaalis sa kaniyang pwesto.

"Uy, Ryker! Anong ginagawa mo diyan?"

Napatingala siya sa nagsalita. Napatakip siya sa kaniyang mukha dahil sa sinag ng araw mula sa likuran ng taong nasa harap niya. Doon niya lang namukhaan ang kaharap niya na puno ng pagtataka.

"Oh, Cleo! Ikaw pala," turan nito.

"Naghihirap na ba kayo kaya ka diyan namamalimos?"

Napangiti ito sa biro ng kausap. Kaagad naman siyang napatayo. "I'm waiting for him."

"Kay Amaris? Pwede ka namang maghintay sa loob o di kaya sa building namin, bakit dito pa? Haler, sino naman ang magbibigay sa'yo ng pera sa mukhang mayamang 'yan?" sabay turo ni Cleo sa mukha ni Ryker.

"Nasaan ba siya?"

"Hay naku! Nagsayang ka lang ng oras mo sa paghihintay sa lakba na 'yon. Hindi siya makakapasok ngayon dahil may sakit siya sabi ni tita."

Nagulat si Ryker sa kaniyang nabalitaan. "A-anong nangyari kay Amaris?" tanong niya, nais na siguraduhing tama ang narinig niya. "Nagka-usap pa kami kahapon, ha?"

"Alam mo, Ryker, 'yon din ang pinagtataka ko. Simula ng na ospital si Amaris panay na ang absent niya dahil nagkakasakit siya. Nagwo-worry na nga rin ako sa kalagayan ng kabigan ko, eh," paliwanag ni Cleo. "And, I won't forget that you hurt his feeling last night."

"What do you mean?" Nakarehistro ang mga katanungan sa kaniyang mukha.

"Nakita ko siyang umiiyak kagabi habang pauwi siya. I talked to him. He was frightened to your reaction, when you asked him about the picture. Bigla ka lang daw nagalit sa kaniya. May hindi lang kayong pagkakaintindihan siguro, ng kaibigan ko. I hope mapag-usapan niyo 'yan bago pa bumalik ulit ang dating sitwasyon na mayroon kayo."

Hindi TugmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon