Kabanata XIV

2 0 0
                                    

/ Kabanata XIV /

"Amaris!"

Napalingon si Amaris nang marinig niyang may tumatawag sa kaniya. Huminto ito sabay paghinto rin ng sasakyan sa kaniyang harapan. "Oh, Atticus! Himala ang aga mo yata ngayon, huh?"

"Ah, may practice kasi ng swimming for the upcoming national event. Tara na. Sumakay ka na!" anyaya sa kaniya ni Atticus.

"Naku, h'wag na. Malapit na rin naman ang campus. Ilang hakbang na lang, oh," pagtanggi ni Amaris sa alok ni Ryker.

"Bilis na. Wala naman sigurong magagalit. Besides, magkaibigan na rin naman tayo, hindi ba?" pagpupumilit ng kausap.

Napaisip muna si Amaris bago tuluyang nakapag-desisyon. "Okay, for this time lang ito, ha? Total tinulungan mo naman ako kahapon mahanap si Ryker."

"Sure. Thanks." Agad naman na binuksan ni Atticus ang pinto para sa kaniya.

Sumakay si Amaris sa front seat ng sasakyan ni Atticus. Nagsimula na ring ipaandar ng binata ang sasakyan papuntang campus nila. Nang makarating at makapasok sila sa campus ay ipinarada nito ang sasakyan sa likod ng kanilang building. Bumaba na rin si Amaris habang hinihintay bumaba ng sasakyan si Atticus upang magpasalamat.

"Thank you for the ride, Atticus," sabi niya, nang makalabas na si Atticus ng sasakyan.

"My pleasure, Amaris," he replied. "Ihahatid na kita sa building niyo."

"Huwag na-"

"Kahit ngayong araw lang. Pagbigyan mo na ako. Wala naman akong klase, kaya may free time pa ako. Tsaka, kaibigan ka kasi ng kaibigan ko rin. Alam kong hindi naman magagalit si Ryker."

"Loko!" tinapik ni Amaris si Atticus dahil sa biro nito.

"Joke lang. Dali na!"

Hindi na nakatanggi si Amaris. Alam niya naming magkaibigan sina Ryker at Atticus. Naipakilala na rin kasi ni Milio na kabigan niya rin pala sina Atticus at Ryker.

"Sige na nga, dahil kung magtatalo pa tayo, male-late lang ako."

Sabay silang naglakad patungong COE Building. Hindi naman maiiwasan ang mga bulungan ng ilang mga estudyante nang makita silang magkasama. Alam nila na matalik na magkaaway sina Ryker at Amaris. Ganoon na lang ang gulat nila nang makitang kasabayan ni Amaris na naglalakad ang kaibigan ni Ryker, si Atticus.

Nakarating na rin sila sa tapat mismo ng building. "Dito na lang," tugon ni Amaris.

"Mag-iingat ka. Alam mo maraming estudyante rito na mabilis ma-inggit, kaya mag-ingat ka," paalala ni Atticus.

"Kaya pala naging isa ka sa kanila?" biro naman ni Amaris.

"No!" he replied.

"Joke lang. Bumawi lang ako sa 'yo," natatawang sabi ni Amaris pagkatapos makita ang reaksiyon ni Atticus, "Thank you again."

"My pleasure. Have a wonderful day, Amaris."

Ngumiti lang si Amaris bago tuluyang naglakad papasok ng building habang pinagmamasdan lang siya ni Atticus. Lumingon si Amaris kaya nginitian din siya ng lalaki bago ito umalis.

"Besshyy!"

Napatigil si Amaris sa paglalakad sa hagdan nang marinig na tinatawag siya ng kaibigan. Lumingon ito at isang malapad na ngiting may pagdududa ang tingin na sumalubong sa kaniya. Napakunot ang noo nito sa inasta ni Cleo.

"Anong mayroon at bakit parang timang ka?" nagtatakang tanong nito.

"Hindi ba't ako dapat ang magtatanong sa'yo niyan?"

Hindi TugmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon