Kabanata XXII

6 0 0
                                        

/ Kabanata XXII /

Nakangiting bumungad ang bisita ni Amaris. Bakas sa mukha nito na makita ang kaibigan. Mabuti na lang at hindi nito kasama si Cleo, kaya medyo tahimik ang kanilang muling pagkikita.

"I brought you fruits, Amaris. I've heard you're sick. What happened to you?" tanong ng kaniyang kaibigan.

"Ah... naulanan lang kahapon, kaya siguro nagkasakit ako," sagot niya.

"Well, take good care of yourself, Amaris. You made me worried. Anyway, I just dropped here to check on you. I also need to leave, because I have to attend Dad's conference."

"Gano'n ba? Sige, thank you sa pagbisita mo, Mirielle," tugon ni Amaris.

"Tell your Mom when I leave. See you again, my friend," pagpapaalam ni Mirielle kay Amaris.

Hinatid din ni Amaris si Mirielle hanggang sa gate nila. Pumasok si Mirielle sa loob ng sasakyan. Nagpaalam ulit ito bago niya tuluyang pinaandar ang sasakyan at umalis.

Kaagad namang pumasok si Amaris sa loob ng kanilang bahay. Nakasalubong nito ang ina na hawak ang isang supot ng basura.

"Kumusta, anak? Nagkausap ba kayo ng kaibigan mo?"

"Opo, nay. Umalis din po siya kaagad dahil may conference ang dad niya."

Napatango na lang ang ina ni Amaris. "O' siya, magpahinga ka na doon sa kwarto at baka lumala pa 'yang nararamdaman mo."

"Ako na po ang magtatapon ng basura, nay," alok niya.

"Ako na, Amaris. Maupo ka muna at baka kung mapaano ka pa diyan."

Hindi na nakipagmatigasan pa si Amaris at kaagad na naupo sa may diperensiya nilang couch. Nahihilo pa rin ito dala ng bigat ng kaniyang nararamdaman. Lumabas ang ina nito para itapon ang basura na agad namang bumalik.

"Nay, gusto niyo po bang tulungan ko kayo magluto?"

"H'wag na anak. Maghintay ka na lang diyan, dahil malapit na rin maluto ang niluluto ni nanay."

Sinundan lang nito ng tingin ang ina bago tuluyang makapasok sa kanilang kusina. Isinandal nito ang kaniyang ulo sa back pillow ng sofa. Inakap nito ang unan habang tinititigan ang kanilang butas butas na kisame.

Simula ng namatay ang kaniyang ama limang taon na ang nakalipas ay hindi na napaayos ang kanilang bahay. Hanggang sa nagkaroon na ng butas ang kanilang kisame at tumutulo rin tuwing tag-ulan. Gayundin ang mga kagamitan nina Amaris- sira na rin dala ng katagalan.

Noon ay nakakaya pa niyang bilhin ang kaniyang mga gusto, dahil sa permanenteng trabaho ng kaniyang ama. Subalit, ng magkasakit ito ay nagkapatong-patong ang kanilang utang at naubos ang ipon ng ama para sana sa kaniyang pag-aaral. Mabuti na lang at nakatanggap siya ng scholarship kaya naipagpatuloy niya ang kolehiyo sa unibersidad na kaniyang pinapasukan ngayon.

Suma-sideline lang ang kaniyang ina sa paglalako ng banana cue o turon tuwing hapon. Tumatanggap din ito ng mga labahin ng kapitbahay para kahit papaano ay matustusan ang kanilang pangangailangan. Gustuhin man ng ina ni Amaris na ibenta ang lupa at bahay na kinatitirikan nila ngunit ayaw nito. Ito na lang kasi ang nagsilbing alaala ng kaniyang yumao na ama.

Tahimik na binalikan ni Amaris ang buhay niya noon. Hanggang sa hindi na niya namalayan na tumutulo na pala ang kaniyang luha.

"Why are you crying, Amaris?" Napabalikwas siya ng may biglang nagsalita.

Bumungad sa kaniyang harap ang babaeng mala-anghel ang ganda. Malapad itong nakangiti habang pokus na nakatingin sa kaniya. Hanggang bewang ang mahaba at makintab na buhok nito. Halata rin ang ganda ng katawan dahil sa suot.

Hindi TugmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon