/ Kabanata XIII /
Napahilot na lang si Ryker sa kaniyang sentido. Galit siya dahil sa gusto ng ama niya para sa kaniya. "Anak, sundin mo na lang ang gusto ng Daddy mo. This is for your own good din naman. Sige na."
"Mom? Pati ba naman ikaw? Akala ko ba magkakampi tayo? Alam mo kung anong ginawa sa akin ng babaeng 'yon. Sorry, Mom. But, I can't do that," pagtatanggi niya, "Excuse me."
"Damulag! Saan ka pupunta?" pagpigil sa kaniya ni Verity.
"I have to unwind. Nasasakal lang akong magtagal dito," he replied before leaving the office.
Tumango ang kaniya ate bilang pagsang-ayon sa kaniyang pag-alis. "Sige. Mag-usap na lang tayo sa bahay," sabay tugon ng kaniyang ate.
Mabilis na naglakad palayo si Ryker sa opisina ng kaniyang ama. Nababalot siya ng galit dahil tila ramdam niya na bigla siyang pinagkaisahan. Hindi niya makuha ang punto ng kanilang diskusyon. Kanina lamang ay tahimik niyang sinalubong ang kararating na pamilya galing New Zealand at Canada. Ngunit lumabas siyang bitbit ang sobrang sama ng loob sa kanila, maliban sa kaniyang ate.
Ayaw niyang pinipilit siya sa isang bagay na hindi niya gusto. Iyon ang naramdaman niya nang gatungan pa ng kaniyang kuya ang pagpipilit na makipagbalikan siya kay Mirielle. Kahit kailan ay pinangako niyang hindi na siya makikipagbalikan o makikipag-usap sa babaeng iyon. Pero naungkat na naman ang nakaraan nila dahil sa epal niyang kuya.
Mirielle Vengancia is a goddess-like woman. She is a daughter of the Chief Executive Officer of Vengancia Perfume and an owner of Vengancia Airlines. She is the only daughter of both business elites in the Philippines. Everybody adores and loves her. She is indeed an epitome of divine and grace. Pinag-aagawan din siya ng mga lalaki.
Malapit na magkaibigan ang mga Levious at Vengancia. Kaya hindi rin maikakaila na hinahangad ng kanilang pamilya na magkatuluyan ang kanilang mga anak. Ito ay isa sa mga paraan upang mas lalong umunlad at tumibay ang negosyo na kanilang pinamamahalaan. Nangyari man ang kanilang kagustuhan ngunit hindi ito nagtagal.
Ilang buwan din ang nakalipas bago nila nalaman ang paghihiwalay nina Ryker at Mirielle. Nagkaroon ng third party sa pagitan nilang dalawa. Kaya ganoon na lamang ang galit ng pamilya ni Ryker sa kaniya. Iyon ay dahil hindi ipinilit at ipinaglaban ni Ryker ang unica hija ng mga Vengancia. Hinayaan niya itong agawin sa kaniya ng iba.
Bunsod ng nangyari, nagkaroon ng malaking gap ang dalawang mayamang pamilya. Hanggang ngayon, patuloy pa rin na sinusuyo ng mga Levious ang pamilya ni Mirielle upang masara ang malaking deal ng kanilang pinaplanong business.
"Bakit ako na lang palagi ang dapat sumalo ng mga responsibilidad, dad?" umiiyak na napatanong ni Ryker, habang hawak ang manobela ng kaniyang sasakyan.
*****
Patuloy lang sa pagmamaneho ng kaniyang sasakyan si Ryker. Hinayaan niyang dalhin siya nito sa lugar kung saan man nito gustong magpunta. It's already 5:45 pm, ngunit hindi pa rin siya humihinto sa pagmamaneho. Patuloy lang niyang binabaybay ang daan.
Napahinto siya sa tapat ng isang tahimik na kalsada pagkatapos ng mahabang byahe. Pinarada niya ang kaniyang sasakyan sa tabi bago bumaba. Tinunton niya ang daan papasok sa masukal na lugar. Sinusundan lang nito ang daan hanggang sa nakarating siya sa gusting puntahan ng kaniyang mga paa.
Napatigil si Ryker sa paglalakad nang makita ang isang lalaki na nakaupo sa ilalim ng puno. Hindi niya kaagad nakilala kung sino iyon. Nakaupo lang ito habang hawak ang isang notebook na pinagsusulatan niya. Nakasuot ito ng itim na sombrero habang payapang nakaupo lang. Palinga-linga rin ito sa paligid at patuloy na pinagmamasdan ang tanawin. Natanaw ni Ryker ang nakasanayang tingnan na lugar sa tuwing may pasan siyang problema. Ang buong lawak ng kanilang lugar.
BINABASA MO ANG
Hindi Tugma
Teen FictionIsa lang ang hinangad ni Amaris Redeo pagtuntong niya sa kolehiyo. Gusto niyang maging isang magaling na guro. Subalit hindi nakitugma ang kapalaran sa kaniya na maging simpleng estudyante siya. Nakilala niya ang isang sikat na lalaki na nag-aaral...