Kabanata XV

4 0 0
                                        

/ Kabanata XV /

"Pare, parang magkaibigan na kayo ni Amaris, ha?" tanong ni Asher. "At mukhang napapadalas na ang pagsasama niyo ngayon," dagdag na usyuso pa nito.

"Balita ko pinuntahan ka niya sa favorite spot mo, ha?" paggatong na tanong naman ni Atticus.

"Ows! Sana all may spot. Isama mo naman kami sa place mo, oh!" pabirong banat naman ni Don.

"Thanks for telling him kung saan niya ako puwedeng makita," sagot ni Ryker.

Napataas kamay naman si Atticus. Guilty sa sinabi ni Ryker. "Sorry naman. Naawa lang ako sa kaniya, kaya sinabi ko na kung saan ka pwedeng mahanap."

"Teka, bro. Matanong ko lang, may namamagitan na ba sa inyo?" napatanong ni Don, mukhang seryoso pa ito dahil sa kaniyang hitsura.

"Asshole, wala! Kung anu-ano kasi 'yang pinag-iisip niyo. Hindi ba pwedeng nakikipag-ayos lang ako sa kaniya?"

"If that's the case, dapat hindi ganyan katagal ang pakikipag-ayos mo sa freshman na 'yon," saad ni Asher. "Unless- you have feelings for that cute freshman guy from education department."

"Si Amaris na ba ng pumalit diyan sa spot ni Mirielle, Ryker?" pang-aasar na tanong pa ni Don.

"We know you, Ryker, that's why you can't deny the fact that you are falling in love to him," dagdag naman ni Atticus.

Mukhang pinagkakaisahan ng kaibigan si Ryker. Ngunit hindi niya sinagot ang sunod-sunod na patutsadang tanong ng kaniyang mga kaibigan. At mukhang tinawanan niya lang ang kahibangan ng mga ito.

"Don't worry, bro! We will still support you... no matter what," sabi ni Don, sabay akbay sa nakaupong si Ryker.

"Hinatid ko na rin siya kanina sa kanilang building, kagaya ng utos mo," paglilihis sa usapan na sabi naman ni Atticus.

"Thank you," maikling tugon sa kaibigan.

Tumalon mula sa pagkakaupo sa arm's desk si Asher. "Nasaan na ang sinabi mong bayad? Akala mo kakalimutan namin 'yon?" sabay sabi nito.

"Mukhang ikaw yata ang inutusan ko."

"Kahit na, Ryker. Kaibigan ko pa rin naman si Atticus. Ang suhol niya mula sa iyo, ay suhol na rin naming tatlo. Hindi ba, Don, Atticus?" Napatingin siya sa dalawa.

Binigyan lang siya ng pagtango senyales na sumasang-ayon sila sa sinabi ni Asher.

"I won't forget it."

"Here's my G-cash account," paglalahad ni Asher ng kaniyang G-cash barcode kay Ryker.

Kaagad naman itong na-scan ni Ryker.

"Very good, pare! Mabilis ka talagang kausap kahit kalian," masayang sabi ni Asher ng matanggap na ang pera.

"Magkano?" usyuso naman ni Don. Samantalang, tahimik lang na pinagmamasdan ni Atticus ang dalawa.

Sa kanilang barkada, si Atticus ang bumabalanse sa ugali nilang apat. Siya kasi 'yong tipong kapag may itatanong o isasagot lang nagsasalita. May sense din kausap kumpara sa dalawa. Mabuti na lang at hindi pa siya tinatablan ng pagka-jologs ng dalawang kaibigan. Samantala, ang dalawa naman, si Asher at Don, ay parang pinagbiyak na bunga ng buko ang ugali. Sobrang click talaga nilang dalawa kaya mabilis silang maka-pick up ng mga jokes din nilang corny.

Habang si Ryker ang seryoso sa grupo. Siya ang nilalapitan ng tatlo sa tuwing ubos na ang allowance nila sa isang linggo. Siya 'yong tipong bahala kayo sa gusto niyo, ibibigay ko, basta sundin niyo ako.

"So, ano nang plano mo ngayon? Haggang kaibigan lang muna?" tanong ni Atticus.

"Yeah," maikling sagot ng binata. "I think, it's better that we're friends than nothing."

Hindi TugmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon