/ Kabanata XVI /
Nakatingin lang sa kawalan si Milio habang hawak ang isang bote ng beer. May mga boteng wala na ring laman ang nagkalat sa damuhan ng kanilang hardin. Malawak ito, habang nasisinagan ng ilaw ang malinis nilang swimming pool.
Hindi pa siya nakakapagpalit ng uniporme. Mukhang kagagaling lang niya rin sa university nila. Mas inuna niya munang malulong siya ng alak na iniinom.
"Akala ko kasi ako ang pipiliin mo," umiiyak na sambit ni Milio sa kaniyang sarili. "Ano bang nakita mo kay Ryker, ha? Anong nakita mo do'n at nakikita kitang mas masaya?" dagdag pa niya.
Patuloy sa pag-agos ang mga luha sa mga mata ni Milio. Halatang marami na itong nainom na alak dahil sa dami ng bote na nakakalat lang. Nakaupo siya ngayon sa damuhan. Nakapatong ang kaniyang kamay sa tuhod habang may bitbit na bote ng beer. Hindi pa rin siya tumitigil sa pag-iyak.
"Ako na lang sana, Amaris. Ako naman ang mas nauna kaysa sa kaniya, 'di ba?" sabi niya, habang kausap pa rin ang kaniyang sarili.
Mayamaya lang ay dumating ang kaniyang ina. Kararating lang din nito galing sa trabaho. Naabutan si Milio ng ina nito sa kaniyang ginagawang paglunod ng sarili sa alak. Lumapit ang kaniya ina sa kaniyang pwesto kasabay nang pagdamay nito sa kaniya. Isinandal ni Milio ang kaniyang ulo sa dibdib ng ina, habang patuloy pa rin sa pag-iyak.
"Mom... ano bang kulang sa 'kin?" tanong ni Milio sa ina.
"W-wala, anak. You're the bravest and toughest young man I know," sagot ng ina nito. "Ano bang nangyayari sa'yo, anak? Ilang araw na kitang naaabutang naglalasing dito sa bahay. May problema ka ba sa school niyo, anak? Anong problema? Sabihin mo sa 'kin dahil handa akong makinig."
Muling uminom si Milio ng alak sa hawak na bote. "Hindi ako gusto ng taong pinapangarap ko, mom," sabi nito pagkatapos malunok ang ininom.
Natahimik saglit ang kaniyang ina. "Milio, anak, we can't force someone we loved to reciprocate the same feeling we have for them," aniya ng ina.
"He chose Ryker more than me. Ako ang matagal niyang naging kaibigan at nakasama. Pero hindi pa rin ako ang pinili niya, mom," paliwanag ni Milio, may bigat sa bawat salitang kaniyang sinasabi, "nararadaman ko 'yon kahit hindi pa niya sabihin sa akin, mom," umiiyak na sabi niya. "Kasalanan ko rin naman kasi, eh. I am a f*cking coward! Hinayaan ko lang kasi na maging magkalapit sila."
Napalunok ang ina sa kaniyang narinig mula sa anak. "W-what do you mean, anak? S-si Ryker ang kaagaw mo sa taong gusto mo?" pautal-utal na tanong ng ina.
Tumango lang si Milio.
"Milio, hindi natin mapipilit 'yong tao na gustuhin ka dahil lang sa gusto mo siya. Maybe, kay Ryker niya nakikita na mas masaya siya. I know it hurts, iho. But that's the reality of love. Kailangan mong daanin ang sakit ng hindi piliin ng taong pinili mo," paliwanag ng ina.
Napasinghap si Milio. Tama rin naman ang sinabi ng kaniyang ina. "D-does it mean I have to stop chasing after him, mom? Ganoon ba? Ipapaubaya ko na lang siya basta-basta? Hindi ko na ipaglalaban ang nararamdaman kong ito para sa kaniya?" sunod-sunod na tanong ni Milio, garalgal man ang boses nito dahil sa kaiiyak.
"Did I hear it right? Him? Lalaki ang pinag-aagawan ninyo ni Ryker?"
Yumuko si Milio, "Yes."
Napabitaw sa pagkakayakap ang ina ni Milio sa kaniya. Napaupo ito sa damuhan katabi niya. Nakaharap sila sa malinaw na tubig ng kanilang pool habang tanaw rito ang repleksyon ng buwan.
"Is it the same person to that guy you're always telling me and to your Dad?"
Tumango ulit si Milio bilang sagot.
BINABASA MO ANG
Hindi Tugma
Teen FictionIsa lang ang hinangad ni Amaris Redeo pagtuntong niya sa kolehiyo. Gusto niyang maging isang magaling na guro. Subalit hindi nakitugma ang kapalaran sa kaniya na maging simpleng estudyante siya. Nakilala niya ang isang sikat na lalaki na nag-aaral...