/ KABANATA XXIV /
Alas siete y media pa lang ng umaga pero nasa campus na si Amaris. Sinadya niya talagang magpunta ng unibersidad ng maaga. Kailangan niya kasing isumite ang kaniyang output sa isang course subject niya. Sobrang strikto pa naman ng kanilang professor sa course na iyon. Kaya kailangan niyang gumising ng maaga para lang magpasa.
Mamayang alas dies pa ang unang klase ni Amaris, kaya napag-desisyunan niyang magpunta sa old library. Na-miss niya ring magtungo roon dahil bihira na siyang bumisita noong nakaraang mga buwan. Ilang beses na rin kasi siyang hindi nakakapasok. Mabuti na lang at kino-consider naman ng kaniyang mga professors ang valid reason ng kaniyang pagliliban sa klase.
"My safe haven," sabi niya, nang makapasok na siya sa library.
Nanibago siya sa bagong anyo nito. Tahimik siyang sinalubong ng loob ng library habang ramdam ang lamig ng kwarto dahil sa aircon. Mayroon ng aircon ang old library at binago ang pwesto ng mga bookshelves. Kaya laking tuwa ni Amaris na pinapahalagahan pa rin ito kahit may bago ng library ang kanilang unibersidad.
Nakuha ang kaniyang atensyon ng isang lalaki na kumaway sa duluhang bahagi ng library. Namukhaan niya naman kaagad ito. Lumapit siya sa pwesto nito at binato ng ngiti ang taong kumaway sa kaniya.
"Mukhang ang aga natin ngayon, huh?" bungad niya. "Anong dahilan at nagpunta ka rito? Mukhang himala naman," dagdag pa ni Amaris.
"Alam ko kasing dito ka dadalhin ng mga paa mo," nakangiting tugon naman ng kausap.
"Panoo mo nalaman na maaga ako ngayon?"
"Connections, I guess," biro ng lalaki. "Sabi kasi ni Cleo may submission kayo ng output niyo. Kaya dito na kita hinintay dahil tambayan mo rin naman itong library."
Ngumiti na lang si Amaris. Alam naman niyang may punto ang kaniyang kausap. Bilang tugon ay ginulo niya ang buhok ng lalaking kinakausap.
"Silly, boy," sabi niya, hawak ang magulo ng buhok ng lalaki, "Halika ka nga rito!"
Tumayo ang kausap niya habang hawak ang kaniyang braso. Hindi naman maalis ni Amaris ang kamay nito. Wala na siyang nagawa ng kilitiin siya sa kaniyang tagiliran.
"Ryker, ano ba? Papagalitan tayo! Nakikiliti na ako," nakikiliting pabulong na sabi ni Amaris.
Panay pa rin ang pagkikiliti sa kaniya ni Ryker. Mukhang ayaw siya nitong tantanan.
"You started this. Tatapusin ko lang."
"Ryker, tama na sabi. Papagalitan tayo," pilit na paghihinto ni Amaris.
Bzzz...
Isang malakas na tunog ang bumasag sa harutan ng dalawa. Nakatingin ngayon sa kanilang direksyon ang seryosong mukha ng librarian. Mukhang gusto silang lapain nito kahit medyo malayo ito sa kanila.
"Library ito hindi park," pasigaw na sabi sa kanila.
"Sorry, ma'am," paghingi ng tawad ni Amaris. Bumaling ang kaniyang tingin sa biglang natahimik ngunit nakangiting nobyo. "Ikaw kasi eh. Sabi ko sa'yong tigilan mo na ang pangingiliti mo sa akin," pagsisisi niya kay Ryker.
"Sorry na. Hindi ba puwedeng na miss lang kitang makasama," sabat nito.
Inilapit ni Ryker ang kaniyang mukha sa tainga ni Amaris. "Thank you, love. I love you."
Hindi na napigilan ni Amaris ang kilig na kaniyang naramdaman. Namula ang tainga nito na siyang nangyayari sa tuwing kinikilig ito o nakararamdam ng sobrang saya. Parang kulay kamatis na rin ang mukha niya dahil hindi maitago rito ang kilig dahil sa sinabi ni Ryker.
BINABASA MO ANG
Hindi Tugma
Teen FictionIsa lang ang hinangad ni Amaris Redeo pagtuntong niya sa kolehiyo. Gusto niyang maging isang magaling na guro. Subalit hindi nakitugma ang kapalaran sa kaniya na maging simpleng estudyante siya. Nakilala niya ang isang sikat na lalaki na nag-aaral...