/Kabanata IV/
Parang walang narinig si Ryker at dere-deretso siyang naglakad palabas ng kanilang block. Seryoso niyang tinatahak ang daan pababa ng building. Nasa ikaapat na palapag kasi ang block nila. Sa sobrang inis sa sarili ay hindi na siya gumamit ng elevator.
"Mr. Levious! Mag e-escape ka na naman sa klase ko? Aba't namumuro ka na, ha!" galit na sabi ni Mrs. Magdalen Singyutan, guro nila sa CPE 311, nang magkasalisi sila sa hagdan.
"Excuse me, Ma'am. May importante lang akong pupuntahan," sagot nito.
"This will be the last chance na pagbibigyan kitang hindi dumalo sa klase ko. At kung uulitin mo pa ulit 'to, baka hindi ka maka-graduate sa susunod na taon," seryosong sabi ni Mrs. Singyutan.
"Noted," maikli niyang tugon at tumuloy na sa paglalakad palabas ng building.
Dumeretso siya sa pool area ng University para magpalipas oras. Bukas ang pool side ngayon sapagka't papalapit na ang Sportsfest. Sa katunayan, hindi ito binubuksan kapag wala namang event o permission na gagamitin ito. Nagtungo siya sa male shower room at nagpalit ng susuutin. Napagdesisyunan niyang mag-ensayo para sa try-out mamayang gabi. He wanted to release the tension on his body and calm himself for a while. Nais niyang makapag-isip sa nagawa niya noon.
Nang papasok na si Ryker sa pinto ng banyo ay narinig niya ang nag-uusap.
"Akala mo naman kung sinong matapang, eh takot din naman pala kay Amaris," dinig niyang saad ng isang lalaki sa banyo.
"Kaya nga pare, eh! Di naman pala siga 'yong Ryker. Nadala lang ng fame niya," tawa naman nang kausap nito.
Napatigil siya sa labas ng pinto. Nabigla naman ang dalawang nag-uusap nang makita si Ryker na nakatayo sa harap ng pintuan. Agad naman niyang inambahan ito ng suntok dahil sa narinig.
"Anong sabi mo?! Duwag ako?!" galit na tanong nito, habang hawak ang kwelyo ng lalaking kakasuot lang ng uniporme.
"H-hindi," balisang sagot ng lalaki.
Akmang lalapit naman ang kasama nito sa kaniya ngunit pinigilan niya ito. "Sige! Lumapit ka! Mababasag ang bungo nitong kaibigan mo!" paghahamon ni Ryker.
"Ano?! Akala ko ba matapang ka?!"
"H-hindi. Pasensiya ka na, Ryker. Hindi naman naming intensiyon na maliitin ka. Mali lang kami nang nasabi," namumulang paliwanag nito.
Inambahan muli ng suntok ni Ryker ang lalaki, dahilan magkaroon ito ng konting dugo sa bibig. "Ulitin mo lang ang pinagsasabi mo at hindi lang 'yan ang makukuha mo! Naiintindihan mo?!"
"O-oo," tugon nito, sabay takbo kasama ang kaibigan.
Agad na pumasok si Ryker sa banyo at nagpalit ng susuutin. Pagkalabas niya ay tanging cycling lang ang suot nito habang hubad naman ang nasa itaas na bahagi. Iniwan niya ang kaniyang bag sa locker at kinuha ang google na gagamitin niya sa paglalangoy.
Nagtungo na rin siya sa pool area at nagsimula nang mag-ensayo. Isang oras din siyang nagbabad sa tubig at pabalik-balik sa magkabilang dulo ng pool. Gayunpaman, hindi pa rin siya tumitigil sa paglangoy.
"I need to win this game," tugon nito sa sarili.
Mabilis na naman siyang bumulusok pailalim ng tubig. Mabilis niyang nilangoy ang dulo ng pool at bumalik muli. Wala namang tao sa pool ngayon dahil class hours pa ng iilan at hindi naman ito nakasanayan ding tambayan ng mga estudyante. Malaya niyang ginamit ang buong pool area hanggang sa napagod ito.
Nagbanlaw na siya at nagbihis para dumalo pa sa last subject nila. Akmang lalabas na sana siya ng pool area ng may biglang lumipad na papel sa harap nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/256529501-288-k247211.jpg)
BINABASA MO ANG
Hindi Tugma
Teen FictionIsa lang ang hinangad ni Amaris Redeo pagtuntong niya sa kolehiyo. Gusto niyang maging isang magaling na guro. Subalit hindi nakitugma ang kapalaran sa kaniya na maging simpleng estudyante siya. Nakilala niya ang isang sikat na lalaki na nag-aaral...