Kabanata XIX

2 0 0
                                    

/ KABANATA XIX /

Napatigil si Mirielle nang biglang may tumawag sa kaniyang telepono. "Oh, wait! Sorry, Cleo, I have to answer the call," Mirielle excused.

"Kita mo 'tong babaeng mayaman na 'to. Dami pa kasing paliko-liko, di ko alam kung trip niyang mag joyride kami. Hayan tuloy hindi na nasabi kung sino," walang tigil na reklamo na sabi ni Cleo, parang bubuyog na panay bulong.

"Hi, babe!" Nanlaki ang mga mata ni Cleo. Iyong ang huling salita na narinig ni Cleo bago lumabas si Mirielle.

Lumabas na rin galing sa kusina si Amaris. Nagulat ito na nag-iisa na lang si Cleo sa sala.

"Nasaan si Mirielle?" tanong ni Amaris.

"May kausap sa labas ang bruha, babe daw ang sabi. Baka 'yong borta niyang ex na sabing mahal pa raw siya, jusmi," seryoso na paliwanag ni Cleo, may irita sa kaniyang boses.

"Bakit parang naihian ka diyan ng butiki? Tingnan moa ng mukha mo, oh."

"Ang arte kasi ng babaeng mayaman na 'yon. Nag-abroad lang may pa-english-english pa. Noon naman hindi 'yon spokening dollar. Isa lang naman ang tanong ko kasi, pero ang daming pang satsat na sinasabi, ayaw na lang sabihin ngg deretso. Tapos 'yon may biglang tumawag na damuho kaya 'di na niya nasagot."

Natawa si Amaris sa mukha ng kaibigan. "Parang 'di mo kilala si Mirielle. Hayan, dinig ko kanina na ikaw ang nang-aasar sa kaniya. Ngayon, ikaw na 'tong pikon."

"Basta. Curious lang ako sa ex niya. Sa university din natin daw kasi nag-aaral."

Napa-isip bigla si Amaris sa sinabi ng kaibigan. Bigla siyang kinutuban dahil sa unang taong pumasok sa kaniyang isipan. Pero, ipinagsawalang-bahala na lang niya ito. Pero, bakit hindi nila alam na may naging boyfriend si Mirielle sa kanilang university. Kahit minsan hindi niya iyon nai-kuwento sa kanila.

"Tanungin mo na lang siya pagbalik," sagot ni Amaris. "'Yan na pala siya."

Mabilis na tumayo sa kutson si Cleo nang pumasok si Mirielle. "Mirielle, dali na. Sino 'yon?"

Nagmamadaling kinuha ni Mirielle ang kaniyang pouch bag sa mesa nang iniwan niya ito. "Sorry, I'll tell you next time, Cleo."

"Bakit? Saan ka na naman pupunta ngayon?" tanong ni Cleo.

"May importanteng pupuntahan lang. Sorry, Cleo, Amaris. Please tell Tita that I can't stay longer," she said, before leaving.

"Kumain ka muna," pag-aalok ni Amaris.

"I'm well. Thank you, Amaris. I'll have my lunch on the way," Mirielle replied, smiling at Amaris and Cleo. "I have to go."

"Mag-ingat ka sa pag-uwi," bilin ni Amaris.

"Babaeng mayaman, salamat sa pamasahe kanina," pahabol naman ni Cleo.

"My pleasure," tugon ni Mirielle bago tuluyan makaalis.

Naupo silang dalawa sa kutson. Ngunit napatayo si Amaris sa upuan ng biglang may naalala. "Wait! Anong sasakyan ni Mirielle kung nag-commute lang kayo kanina?" tanong nito kay Cleo.

"Lakba! H'wag kang praning. Mayaman 'yon. May driver at sasakyan sila. Magwe-waze lang ang driver no'n para sunduin siya."

"May point ka naman," tugon ni Amaris.

*****

Naipit sa makupad na takbo ng trapiko si Ryker. Patungo na siya sa bahay nila Amaris upang dumalo sa kanilang fiesta. Tatlumpung minuto lang naman ang byahe mula sa kanilang mansyon at ang bahay nila Amaris. Subalit sa sobrang swerte niya ay natagalan siya dahil sa traffic. Nagkaroon kasi nang banggaan sa di-kalayuan kaya pinipilit ng itabi ang mga sasakyan na nakabanggaan para makausad na ang mga sasakyan.

Hindi TugmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon