Hindi ko mapigilang mapahawak sa labi ko. Naaalala ko parin ang labi niya. Haha! First kiss ko yuuuuuun! Tinakpan ko ng unan ang mukha ko saka sumigaw. At ilang saglit lang ay dumating na si Candy. Sabay kasi kaming mag-aayos para sa halloween party. Naku, feeling ko magiging magical ang gabi ko.
Kwinento ko sakanya ang nangyari. Lalo na yung part na sinabi sakin ni Stanley pagkatapos niya akong halikan.
"I was trying to save that on our wedding day but I can't stand you being upset with me. Now, are you happy?" napakagentle niyang tanong na nagpangiti lang sakin. Dahil sa sinabi niya, alam kong ang next kiss namin ay sa altar na. Bakit ba sobrang biniyayaan ako ni Lord ng tulad niya?
"Kamusta naman ang dinner mo kasama family niya?" tanong ni Candy habang nagsusukat ng damit.
"Ayun, okay lang naman. Pero parang ayaw sakin ng mga magulang niya. Lalo na yung nanay niya." reklamo ko.
"Okay lang yun! Buti ka nga pinakilala na, eh ako? Ayun! Parang walang balak!" irita niyang saad.
"Haha! Ano ka ba Candy?! Tiwala lang! Lumabas ka ng diyan para makita ko kung bagay." utos ko sakanya. Maya maya ay lumabas rin siya suot suot ang cool na adventure girl costume.
"Nakakaasar ka naman! Ang sexy mo!" inis kong sambit.
"Haha! Ang taba mo kasi e." pang-aasar niya.
Nang makapagdecide na kami kung ano ang isusuot namin ay nag-ayos na kami. Kung adventurer ang costume ni Candy, princess naman ang akin. Cool siya, pretty ako. Hehe~
Eight pm kami nakarating sa venue. Hindi ko alam kung nandito na si Stanley. Tapos hindi pa niya sinabi sakin kung ano ang costume niya. Ang ugok talaga na yun! Habang tumitikim ako sa may food table ay bigla nalang may yumakap sakin mula sa likod.
"Sabi ko na nga ba dito lang kita makikita. Ikaw ha, gusto mo talaga match ang costume natin. Stalker talaga kita!" pang-aasar niya sakin. Hinarap ko naman siya. Ang pogi niya ngayon. Prinsipe ang costume niya at nakablack mask.
"Baka nga ikaw ang nag-stalk sakin eh!"
Tumawa lang kaming dalawa. Saka nag-usap at sumayaw. Sobrang saya. Kaso kanina ko pa napapansin na parang di mapakali si Stanley. Medyo kinakabahan nga ako sa kilos niya kasi kakaiba. Hindi ko naman siya matanong kasi baka sabihin nanaman niya OA o kaya naman naprapraning nanaman ako.
Sa bilis ng oras ay di ko naramdaman na 11:30 na pala. Kanina pa si Stanley, hindi na siya bumalik dito. Kaya hinanap ko nalang siya. Hanggang sa may makita akong naglalakad palayo na tulad ng suot niya. Sigurado akong siya yun kaya sinundan ko na.
Grabe, san ba pupunta si Stanley. Kanina ko pa siya sinusundan kaso di ko siya mahabol. Hangang makarating kami sa may bridge at sinigaw ko na ang pangalan niya. Napalingon lang siya sakin at napatigil. Nilapitan ko siya at saka hinawakan ang pisngi niya.
"Pinagod mo naman ako Stanley!" saad ko. Hinawakan niya lang ang kamay ko. At sa di inaasahang pangyayari ay hinalikan niya ako. Nagulat man ako ay ayos lang. Hanggang sa. . .
Sa sobrang bilis ng pangyayari ay nakita ko nalang si Stanley na galit na galit sa harap ko. At ang lalaking humalik sakin sa may sahig. S-si Seth?! Napatingin lang ako kay Stanley na galit na galit parin ngayon. Hinawakan niya ako sa wrist saka hinila palayo. Nasasaktan ako sa paghawak niya sakin, hindi ko alam kung ano ang nangyari. Ang alam ko lang ngayon ay galit si Stanley. Galit na galit.
Nang bitawan niya ako ay napansin kong nasa balcony kami. Tahimik lang siya.
"Stan-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko.
"Fin! Do you still like him?!" galit niyang tanong sakin. Napakunot naman ang noo ko sakanya.
"Hanggang ngayon ba wala ka paring tiwala sakin?" tanong ko
"So anong nangyari dun?!" tanong niya ulit
"Akala ko ikaw siya!" sigaw ko na rin.
"Huh! Ganun lang ba yun?!" galit niyang tanong. Wala na akong maisumbat sakanya. Natahimik nalang ako at napaiyak. Maya maya ay naramdaman ko na ang yakap niya. Niyakap ko nalamang siya.
"Sorry na." saad niya.
"Sorry din. Dapat alam ko ang pagkakaiba niyo ni Seth. Dapat alam ko." iyak ko sakanya. Ang naramdaman ko nalang pagkatapos nun ay ang halik niya saaking noo.
Seth's POV
Wala akong ibang magawa kundi panoorin nalamang sila. Napaupo nalamang ako. Bakit ba ako nagkakaganito? Napasabunot nalang ako.
"Oh, mukhang kailangan mo yan." saad sakin ng isang babae sabay abot ng panyo.
"Diba ikaw yung bestfriend ni Fin?" tanong ko sakanya
"Bakit? Mukha ba akong aso niya?" maangas niyang sagot sabay inom ng beer. Kinuha ko sakanya ang beer.
"Masama sa babae ang umiinom!" saad ko saka uminom.
"Alam mo, epal ka din e! Close ba tayo ha?" asar niyang tanong.
"Alam kong may gusto ka kay Fin, pero mahal nila ang isat isa. Kaya wag ka nang tumutol pa." saad niya sabay kuha ng beer sakin.
"Alam mo impokrita ka din e!" humarap siya saakin bago sinabi iyon. "May pa good boy image ka pang nalalaman tapos ganyan ka pala. Kaya mas deserve talaga ni Stanley si Fin kesa sayo. Kaya nga sinet-up ko sila nung highschool tayo. Para tumigil na si Fin sa kakapantasya sayo!" saad niya. Agad naman akong napatigil at napatingin sakanya na ngayon ay wala ng malay dahil lasing na lasing na siya.
BINABASA MO ANG
Double Trouble (On Going)
SonstigesLove is when the other person's happiness is more important than your own.