DT C20 - A Sign Of Respect

268 6 0
                                    

Hindi ko alam ko ano ang mangyayari. Kasi yung mga pinapanuod ko ganito lagi ang eksena kapag hahalikan na sila ng lalaki eh. Pero hahalikan ba niya ako? Hindi ko alam! Basta ipinikit ko nalang ang mata ko, Ibig bang sabihin nun ay pumapayag akong halikan niya? Teka, manliligaw ko palang siya ah. Hindi ba ako magpapahard toget manlang? Ugh, Loka!

Narinig ko ang pagpigil niya ng tawa niya kaya agad kong idinilat ang mga mata. Agad sumalbong sakin ang mukha niya at ang mga mata niyang nakatingin lamang sakin. Pinisil niya ang ilong ko saka ako binigyan ng matamis niyang ngiti. Angsakit na nga ng pagpisil niya ang saya pa niya -.-

"Wag kang mag-alala, may respeto ako sayo." sabi niya sakin na nagpagaan ng loob ko. 

"Tara na?" tanong niya saka iniabot sakin ang kamay niya. Nginitian ko siya saka iniabot ang kamay ko sakanya. Umupo kami sa may picnic blanket saka doon kumain. Teka, hapon na, baka nag-aalala si kuya kung nasaan ako.

"Pinaalam kita sa kuya mo kaya wag mo nang problemahin yun. Wala namang mangyayaring masama sayo hanggat kasama mo ako. Iingatan kita kasi body guard mo ako." saad niya sabay kagat sa pizza. Napahinto ako sa mga sinabi niya at agad akong napaluha. Yumuko ako agad kasi nakakahya naman ang pag-eemot ko sakanya. Nilapitan niya ako saka ako hinawakan sa may braso.

"Ayos ka lang ba?" tanong niya sakin. Hinarap ko siya.

"Yan din ang sinabi ng papa ko sakin eh, sabi niya walang mangyayarong masama sakin hanggat kasama ko siya, sabi niya iingatan niya ako. Pero siya yung unang nanakit sakin nung iwan niya ako." tinitigan ko siya ng seryoso. Nginitian niya ako.

"Hinding hindi ko magagawa sayo yun. Pangako." saad niya saka tinap ang dibdib niya.

"Itigil mo na nga yang drama mo. Ikain mo nalang yan." saad niya saka iniabot sakin ang pizza. Napatawa nalang ako sakanya. 

Kumain lang kami ng kumain at nagkwentuhan ng nagkwentuhan. Lumipas ang oras, gabi na, at kitang kita ko ang mga stars dito. Kahit na madilim na parang may ilaw kami dahil sa liwanag ng mga stars. Tumingin ako kay Stanley na may kinakalkal sa bag niya. Tumingin siya sakin kaya agad akong umiwas ng tingin.

 

"Naku! Kunwari ka pa kasi eh! May lihim ka rin naman na pagtingin sakin. Pwede mo namang aminin. Crush mo rin ako eh!" pang-aasar niya sakin. At oo, bumalik ulit kami sa ganitong tema. Pero ngayon, mas kakaiba na, hindi na ako naaasar. Nilingon ko siya saka nilapitan. Inilapit ko ang labi ko sakanya saka siya nginitian. Nahalata ko na nagulat siya sa ginawa ko. Pilit kong pinipigilan ang tawa ko. Inilapit ko naman uli ang labi ko sa tenga niya at umasta ako na parang may ibubulong. 

"Araaaaaaaay!" sigaw niya sabay hawak sa may tenga niya. Ako naman ay tawa lang ng tawa. Medyo namula na ang tenga niya at wala siyang ibang magawa kundi ang himasin ito.

"Sa sususnod kasi piliin mo mga sinasabi mo! HAHAHA!" saad ko.

"Ang brutal mo talaga kahit kailan!" inis  niyang sabi sakin. 

Hinatid na niya ako pauwi ng mga 6 pm. Habang nasa kotse niya kami at nagmamaneho siya ay hindi ko napigilan ang ngumiti. Sino ba naman kasi ako para maging ganito kaswerte? Ang bait talaga ni Lord sakin. Sabi ko Minute Burger lang eh, nabigay ng Burger King. Hehehe~ Syempre hindi ko naman sinasabi na mukhang burger si Stanley, nakakapanibago lang isipin kung paano kami mag-away dati. Saka yung tipong di ko na crush si Seth, miracles do happen talaga eh. Nang dumating kami sa bahay ay hinatid pa niya ako sa may pinto.

"Thank you Fin." nakangiting saad niya sakin saka niya hinawakan ang kamay ko.

"Sa pagpingot sayo?" tanong ko sakanya habang tumawa ng kaunti. 

"Kahit ano namang gawin mo sakin okay lang. Magiging masaya ako kasi ang ibig sabihin nun, nasa tabi kita." napacorny ng sinabi niya pero parang namumula ako dahl doon.

"Goodnight Master" malambing niyang sabi. Saka ako hinalikan sa noo. Akala ko dati kapag may gagawa sakin nun ay magagalit ako kasi gawin ba naman akong lola? Pero ngayon, sobrang saya ko kasi alam kong nirerespeto ako ni Stanley. Binitawan niya ang kamay. Pumasok na ako sa bahay saka sinardo ang pinto. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko. Binuksan ko muli ang pinto at nakatalikod na si Stanley habang papunta siya sa kotse niya. 

"Goodnight Monster!" pasigaw kong sabi sakanya kaa lumingon siya at kitangkita ko ang napakalaki niyang ngiti. 

______________________

We reached 10K reads! I love you guuuys <3

Double Trouble (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon